Kabanata 9
WALANG pakialam si Ryder sa mga sasabihin ng tao sa kanya. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon na sabihin ang relasyon niya kay Sara ay kinuha na niya kaagad iyon.
That Tristan Pricacio is a son of current governor in the Metropolis. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung gaano kakilala si Tristan sa loob ng campus na ‘yon. Actually, he doesn’t care about Tristan or the fact that he is the son of Governor Pricacio because he’s also from a family who has a position in the government. What he cares is the fact that he’s running after his fiancée Sara and he doesn’t like it. Kung tutuusin nga ay inutusan pa niya ang secretary niya na ipabackground-check ito dahil natatakot siyang mapahamak o may gawin na masama kay Sara.
Wala siyang pinagkakatiwalaan na tao lalo na sa pulitika at industriya ng pagnenegosyo dahil alam niya kung gaano karumi ang mga tao roon. Kaya naman pinabackground-check niya ito. Wala naman nakitang kakaiba tungkol sa anak ng governor. Pero hindi pa rin maitatanggi na hindi niya gusto ang lalaking umaaligid kay Sara.
Kaya naman nang makakita ng pagkakataon ay kaagad niyang ipinagtapat sa lalaki kung ano ang totoo. Lalo nan ang pigilan siya nito na dalhin si Sara. For the first time, someone had the audacity to do that and he actually like his guts. Siguro ay hindi pa nito alam kung sino siya dahil sa pagkakaalam niya ay bibihira lang naman makita ni Tristan ang tatay niyang si Gabriel Pricacio dahil palagi itong nasa opisina ng gobyerno.
Iyon nga lang, kahit gusto niya ang ipinakita nitong katapangan ay wala pa rin itong karapatan na umaligid sa fiancée niya. Lalo pang kumunot ang noo niya nang malaman niya na tinago ni Sara ang totoo kay Tristan. Kaya naman kaagad niya sinabi ang totoo at hinatak si Sara paloob ng sasakyan. Ang isa pang kinunotan ng noo niya ay ang katotohanang walang balak sabihin ni Sara ang totoo. Doon siya medyo nainis dahil wala namang sapat na dahilan para hindi nito sabihin ang totoo.
Kinakahiya ba siya nito? Mukhang hindi naman. Wala siyang nakikitang dahilan para ikahiya siya ng babae. Pero nang banggitin nito ang tungkol kay Kierra ay doon na nabigyang linaw ang lahat. Ngayon ay alam niyang kasalanan nga niya talaga dahil hindi niya sinabi ang tungkol sa kanila ni Kierra. Hindi niya naman kasi naisip na kailangan pa niyang ipaliwanag ang tungkol doon dahil totoo namang wala silang relasyon ng kababata. Kahit kailan ay hindi niya naisip na patulan ito dahil hindi niya ito nakita na higit pa sa kaibigan.
Pero sa kabila ng ganoon ay iniisip pa rin ng mga tao na may relasyon silang dalawa ni Kierra lalo na at malapit sila sa isa’t isa pero dahil naman iyon sa magkababata sila at magkaibigan ang parehong mga magulang. Kahit ang mga magulang nila ay umaasa na sila ang magkakatuluyan pero imposible iyon para kay Ryder dahil hindi siya nakaramdam ng kahit anong romantikong pakiramdam kay Kierra. He only sees her as a childhood friend, nothing more and nothing less.
“Anong kasal ang sinasabi mo?” tanong ni Sara sa kanya. “You heard me, we’re getting married today.”
“Pero bakit?”
“Because I said so. Don’t worry, this is just for the formality. You can’t bear my child and meet my parents without us getting married and act like a married couple in front of them.”
Napatango na lang si Sara tungkol doon. Mukhang tradisyonal na mga magulang ang magulang ni Ryder. Mas maganda nga naman tignan kung mauuna ang kasal bago ang anak. Pero hindi man lang siya inabisuhan nito.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang botika. Bumaba si Ryder kung kaya’t bumaba rin si Sara dahil puno pa rin ng katanungan ang utak niya. Anong kasal ang sinasabi niya? Alam niyang dapat magpanggap silang magkasintahan pero kinakailangan pa ba talaga nila humantong sa kasalang dalawa?
Kaagad na pumasok si Ryder sa loob ng botika at agad din siyang sinundan ng dalaga. Sinalubong sila ng receptionist at inasikaso.
He’s a VIP customer here because some of his formal and business suits came here. Isa pa, gusto niya ang tela na ginamit sa mga damit.
“The wedding gown is ready sir, do you want to see her wedding gown?” Kaagad na umiling si Ryder. “Later. But I want to make sure that the gown is going to fit her.”
“Okay sir.”
Kaagad na hinila ng mga nag-aassist si Sara at dinala sa fitting room. Umupo si Ryder sa may upuan at hinintay si Sara na matapos sa fitting. Nang matapos ay kaagad din nagbihis si Sara at kinuha ang wedding gown. Pagkatapos no’n ay walang sinayang na pagkakataon si Ryder at pumunta nang munisipyo.
Inayusan siya sa dressing room sa loob ng municipal hall. Magkahiwalay silang inayusan ni Ryder. Si Ryder ay nasa kabilang kuwarto. Hindi nan ga siya makapaghintay na makita ang lalaki.
Sinuot niya ang wedding gown na hanggang tuhod lang ang haba. Kinulot ang kanyang mahabang buhok at pinatungan ng parang crown na gawa sa thorn at may mga bulaklak na nakapalibot dito. Her wedding gown is a tube style. Ang paibabang parte ay kumikinang at hindi lalampas ang haba no’n sa kanyang tuhod. Pinagsuot siya ng puting sandals na may kaonting takong.
Nang tignan niya ang sarili sa malaking salamin na nakasandal sa matigas at kulay puti na pader ay hindi niya maiwasang hindi mamangha sa kanyang itsura. Hindi niya kaagad nakilala ang sarili niya sa salamin. Pakiramdam ni Sara ay ibang tao ang nakikita nang dalawang mata niya.
Maya-maya ay pinatawag na siya sa likod ng munisipyo. Kaya naman hinatid siya ng nagmake-up sa kanya sa likod ng munisipyo.
Akala ni Sara ay sa munisipyo sila magpapakasal. Inamin niyang nalungkot siya doon dahil kahit papaano ay nangarap siya ng church wedding at kahit pa sabihing pansamantala lang naman ito, hindi naman siguro masamang mangarap. Pero nasurpresa siya nang makita ang itsura ng likod ng munisipyo, May maliit na simbahang nakatayo sa likuran ng munisipyo. It was an old church that was made of stone. It’s actually a tourist spot behind the municipal hall. At para magawang magpakasal ay kinakailangan ng maagang reservation dahil hindi nawawalan ng araw na walang naikakasal sa simbahan na ‘yon.
Pumalpak ang secretary ni Ryder sa pagpapareserve kaya naman sa tapat na lang sila ng simbahan ngayon magpapakasal. Sa harap ng simbahan ay may kaonting palamuti. May pabilog sa gitna at pagkatapos ng pabilog na parang nagmistulang stage ay isang arch na pinababalutan ng mga rosas na kulay pula.
Sa magkabilang aisle ay dalawang upuan habang sa gitna ay may puting karpet kung saan nagkalat ang mga pulang petals ng rosas. Nakaupo sa magkabilang upuan ang tumatayong witness sa kasal nila. Even Dahlia, her friend was there! Siguradong kahit ito ay tatanungin siya kung bakit may kasalang ganap. Sa kabila naman ay ang kaibigan nitong si Hanz na ngayon niya lang nakita.
Halos mamangha si Sara sa kanyang nakita pero ang mas nakakamangha ay ang lalaking naghihintay na nakatingin sa kanya ngayon sa dulo ng altar na nakangiti. Bagama’t nakasuot siya ng maikling veil ay hindi naging harang iyon para makita kung gaano kagwapo si Ryder sa suot nitong two-piece black suit. He’s also wearing a red bow tie. Ang kanyang bangs na palaging nagiging dahilan kung bakit niya ito hinahawi palagi ay nakataas. Nang dahil doon ay lalong nadepino ang panga nito na hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga.
Nagtama ang tingin nila sa isa’t isa. Her heart skipped a beat when she saw a small smile on his lips. She smiled at him too.
Sara slowly walks down the aisle when music started to play. Ngayon niya lang napansin na may nagpiplay pala ng piano sa gilid kaya naman lalong naging romantic ang lugar. This is the first time that she’s going to get married at kahit alam niyang kontrata lang ito ay hindi niya maitatanggi na masaya siya.
When Sara reached the altar, the ceremony has begun. At sa huling parte ng seremonya kung saan itinatanong kung willing ba nila makasama ng isa’t isa ay alam na niya kaagad ang isasagot kahit na alam niya na hindi naman sila magtatagal ng lalaki.
At gamit ang malambing at matinis niyang boses ay ngumiti siya sa lalaking nasa harap niya at tinignan sa mat ana punong-puno ng emosyon bago sumagot.
“I do, father.”