Kabanata 8
“She’s my fiancée.”
HALOS dumagundong ang dibdib ni Sara sa sinabi ni Ryder. Umawang ang labi ni Sara dahil doon. Kitang-kita roon ang gulat sa mukha niya habang nakatitig kay Tristan.
Hindi nakapagsalita si Tristan nang dahil doon kaya naman kinuha n ani Ryder ang pagkakataon na ‘yon para hilahin si Sara at ipasok sa loob ng sasakyan para makaalis na sila. Ang mga tao ay nagsimula na magsibulungan at kahit hindi tignan iyon ni Sara ay alam niyang kahit sila ay nabigla sa pahayag nito.
“What’s wrong?” tanong ni Ryder nang mapansin niya ang biglang pagkatahimik ni Sara. He started to got annoyed because Sara isn’t saying anything since then. Hindi bat ama ang ginawa niya? He just claimed her in front of a guy who also likes her.
“Bakit mo sinabi iyon sa kanya?” nahahabag na wika ni Sara. Saglit siyang nilingon ng lalaki. “Is there something wrong with what I said? It’s true that you are my fiancée, Sara.”
“Alam ko. Pero bakit mo sinabi iyon sa kanya? Balak ko itago ang namamagitan sa atin! Anon a lang ang iisipin ng mga taong makakakita sa ating dalawa? I’m just an ordinary commoner, Ryder," giit niya. Ngayon ay namomoroblema siya kung paano ipapaliwanag sa mga tao ang narinig at nakita nila lalo na kay Tristan. Hindi niya pwede itanggi basta-basta ang sinabi nito. Kung sasabihin niya naman na nagsisinungaling ang lalaki ay ano namang point at makukuha nitong magsinungaling sa kausap? Siguradong wala rin siyang maisasagot o maidadahilan.
“Bakit mo naman balak itago ang bagay na ‘yon?"
"Para hindi magkaisyu?" patanong na sagot niya sa lalaki. Dahil kahit siya ay hindi niya rin alam kung bakit niya itatago sa mga tao ang relasyon nila ni Ryder. Siguro ay dahil nahihiya siyang malaman ang totoo nilang ugnayan. Nagpabayad siya at ngayon para maitago ang katotohanang 'yon ay kinakailangan nilang magpanggap na magkasintahan. Bukod doon ay ayaw niya makaapak ng ibang tao lalo na at may girlfriend ito. Nagtataka pa nga rin siya hanggang ngayon kung bakit napili nito makipag-ugnayan sa kanya kung may kasintahan naman pala ito.
"I don't care about the issues that they will throw at me and it's normal that people should know about us, Sara.”
“Pero hindi mo b aini—“When did I care about people’s thinking, Sara?” seryosong tanong ng lalaki dahilan para mapatahimik siya. Matagal na niyang alam na walang pakialam si Ryder s aiisipin ng iba. Dahil bakit nga naman niya poproblemahin pa ang mga iniisip nito tungkol sa kanya? Para sa lalaki, they could think whatever they want about him and he simply doesn’t care about that because why would he? Bakit kinakailangan niya magkaroon ng pakialam sa mga iniisip ng mga taong wala namang kaugnayan sa kanya. But she does!
At natatakot si Sara na maaaring makaapekto ang isang katulad niya sa career ng lalaki. At isa pa, anon a lang ang iisipin ng babaeng sinasabi ni Dali na karelasyon nitong si Ryder? Hindi ba talaga nito naisip ang mga ‘yon?
“Paano ang girlfriend mo?” tanong ni Sara sa kanya. Biglang kumunot ang noo ni Ryder sa kanyang tanong at sinulyapan nang tingin ang dalaga na hindi ngayon makatingin ng diretso sa kanya. The worried expression is visible on her face.
“What girlfriend are you talking about? I don’t have a girlfriend but I have a fiancée.” Doon na napatingin si Sara sa kanya. Siya naman ang napakunot ang noo. Talaga bang itatanggi nito ang tungkol sa girlfriend niya? Hindi ba ay masama iyon? Saka anong fiancée ang sinasabi niya?
“Fiancee?”
“Yeah. You,” walang kagatol-gatol na sagot ng lalaki sa kanya dahilan para mapatahimik si Sara nang tuluyan. Kumabog ang puso niya nang dahil doon. Kulang na nga lang ay mabingi siya sa lakas ng kabog nito.
Hindi niya alam kung bakit sinasabi ni Ryder na wala siyang girlfriend samantalang nagbasa siya ng mga articles tungkol sa kanila noong babae na nagngangalang Kierra Buenaflor. Bagama’t hindi napatunayan na nagdidate sila dahil palaging no ang sagot ni Ryder sa mga interviews niya kung nagdidate ba sila ni Kierra ay maraming pictures na magpapatunay na sweet sila at sobrang close sa isa’t isa.
“I only have you Sara. I don’t have any girlfriend.”
“Then who is Kierra Buenaflor?” Bumuntong-hininga si Ryder. “Is that why you’re upset this morning?”
“H-Hindi ako naiinis…” tanggi niya. Totoong naiinis siya pero hindi niya sinabi ‘yon dahil kahit siya ay hindi magawang intindihin ang sarili. She doesn’t know why she’s upset even though she has no right to feel that way. Wala itong karapatan na magdemand sa kanya ng mga bagay lalo na at alam niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaki. But she was hoping that he could be more honest with her.
“Kierra is my childhood friend. She likes me romantically but I never like her more than a friend. Our parents like us to be together since they are friends and it would be convenient for them if they were going to be in-laws in the future but I made them understand that I would never look at her the way I looked at you, Sara.”
Nawala si Sara sa kanyang iniisip nang marinig niya ang mahabang paliwanag nito. Kumabog na naman ang puso niya lalo nan ang marinig niya ang huling sinabi ni Ryder pero katulad noon ay nagkunwari siyang parang wala lang ‘yon sa kanya. Pilit niya pa rin pinapaalala sa kanyang sarili na hindi siya pwede magkaroon ng feelings sa lalaki lalo na at alam niya kung saan nagsimula ang relasyon nilang dalawa.
She knew that the kind of relationship they have is a complete taboo for families who are born rich just like Ryder. Kaya naman para hindi siya masaktan ay iniiwasan niya na magkaroon ng nararamdaman sa lalaki. Ayaw na niya masaktan nang dahil lang sa isang lalaki.
“Are we okay now?”
Inangat ni Ryder ang mukha niya gamit ang kanang kamay nito at pinaharap sa kanya. Doon niya lang napansin na nakatigil na pala ang sasakyan sa gilid ng highway. Nakatitig ang lalaki sa kanya. She tried to look away but failed because of him.
Tumango si Sara sa kanya at dahan-dahang pinabitaw ang kamay nitong nakahawak sa kanyang pisngi.
“Next time you have a question inside your mind, ask me. Ayokong nag-o-overthink ka na hindi ko alam.”
Tumango na lamang si Sara roon. Pinaandar na muli ni Ryder ang sasakyan.
“Where are we going?” tanong niya sa lalaki nang mapansin na nag-iba ang daan pauwi ng bahay. Maaga pa naman para umuwi sila. Half day lang ang klase pero hindi niya inaasahan na may pupuntahan sila ni Ryder ngayon dahil wala naman itong sinabi sa kanya kanina.
“Wedding Boutique,” simpleng sagot nito. Kumunot ang babae at napatingin sa lalaking nagmamaneho. Anong gagawin nila sa botika? Hindi nakaligtas sa mga mata ni Sara ang ugat nitong nagsisilabasan sa mga kamay dahil sa pagpihit ng manibela. Hindi niya maiwasan na hindi mapahanga nang dahil doon. Now, she can understand why her friend, Dali is addicted to fictional characters. Dahil ang mga ganitong eksena ay sa libro lamang niya pupwedeng mabasa. At totoo ngang nakakagwapo ang ekspertong pagpihit ng manibela. “Anong gagawin natin doon? May ikakasal ba?”
“Why? You like weddings?” tanong sa kanya ng lalaki nang mahimigan nito ang hindi maitagong saya sa boses ng dalaga. “Of course. Hindi ba pangarap lahat ng mga babae ang ikasal sa mga taong mahal nila? Wedding will always be special," paliwanag niya. Dati pa niya pangarap ikasal. Ang totoo nga niyan ay kahit noong sila pa ni Enzo ay dati na siyang nangangarap na ikasal dito. Mahal na mahal niya kasi si Enzo noong mga oras na 'yon. At lahat ay gagawin niya para lang sa lalaki pero ngayon ay hindi na. Dahil sailang taon nilang pagsasama ay araw-araw niya rin naman tiniis ang pananakit na ginagawa nito palagi sa kanya. Iniintindi niya lang dahil mahal niya ito. Kumbaga, battered-girlfriend ang titulong nababagay sa kanya pero wala na siyang pakialam doon. Kaya lang nagsawa na rin siya. Naghahanap lang siya nang sitwasyon na magtutulak sa kanya na umalis sa puder ng lalaki dahil akala niya ay hindi niya kayang mabuhay na wala ito. But then she realize it was wrong to stay in that relationship forever. Kung hindi pa siya iniligtas ni Ryder mula sa kamay ng ex niya ay baka hanggang ngayon ay nagpapakatanga pa rin ito sa lalaking 'yon at iniisip na pupwede pa ito magbago. Nakakalungkot lang para kay Sara na lahat ng pangarap na binuo niya kasama ang lalaki ay nawala na parang bula, But then again, wala na siyang dapat pagsisihan pa dahil alam niyang mas makabubuti na maghiwalay din sila kesa sa magkasakitan.
“May ikakasal.”
“Sino?”
“Tayo. We’re getting married.”