Kabanata 5
“Saan tayo pupunta, Ryder?” tanong ni Sara sa kanya. Matapos niya pumayag sa agreement nilang dalawa ay doon sila dumeretso sa bahay mismo ni Ryder. Doon na rin nagpalipas ng gabi si Sara.
At nang umaga na rin ‘yon ay ginising siya nito upang kumain ng agahan na handa ng katulong. Iba’t ibang putahe ang nakahain sa lamesa. She can’t choose what to eat. Medyo nahiya pa nga siya ng maramdaman niya ang bahagyang pagtitig sa kanya ni Ryder habang tinitignan ang bawat pagkain na nakahain.
“Just eat whatever you like, Sara,”
Ngayon lang nakakain si Sara ng ganito kasarap na mga pagkain sa hapag. Dati-rati ay isang beses lang siya kumakain sa isang araw dahil sa sobrang pagtitipid. Ginagamit kasi ni Enzo ang perang nakukuha niya sa pagtatrabaho sa pagsusugal kaya walang natitira rito. Sinubukan naman niya pigilan si Enzo pero dahil mahal niya ito ay hinayaan niya na gastusin nito ang pera niya sa sugal.
Hindi niya tuloy maiwasan na hindi matakam sa mga ito. Ngunit dahil sa pagiging mahiyain ay hinayaan na niya muna si Ryder na siyang mauna sa pagkuha ng makakain. Pero laking-gulat niya nang lagyan siya nito ng kanin sa plato at ng adobong manok na kanyang paborito.
“P-Paano mo nalaman na paborito ko ito?” turo niya sa pagkain na inihain nito para sa kanya. Ngumiti si Ryder at nakita iyon ni Sara ngunit saglit lamang iyon dahil mabilis nitong itinago ang ngiti na ‘yon.
“Just a guess,” simpleng sagot nito.
“How’s your sleep, Sara?” tanong ni Ryder sa kanya. Tumigil siya sa pagkain at saka tumingin sa lalaki.
Maayos naman ang tulog niya. Kumbaga sa dalawampu’t limang taon niyang nabubuhay ay ngayon niya pa lang naranasan na makatulog ng ganoon kahimbing at sa malambot pa na kama. Daig pa niya ang prinsesa sa isang fairytale dahil sa nararanasan niya ngayon. Iyon nga lang, hindi dahil sa pagmamahal kundi sap era na kaya ibigay ni Rydersa kanya kapalit ng pagkakaroon nila ng anak.
Alam niyang pagdating ng oras na isisilang na niya ang kanyang anak, kinakailangan na niya itong ipaubaya kay Ryder dahil iyon ang napagkasunduan niya. Kinakailangan niya na sumunod sa kung anuman ang napagkasunduan nila. Alam naman niya na mabuting tao si Ryder. She already entrusts her life with him and the baby the moment that she said yes to his proposal. Kung may mas higit na pagkakatiwalaan dito ay si Ryder iyon dahil alam niya na magiging mabuti rin itong ama kung sakali.
“Ayos naman,” wika niya. Hindi niya sinabing hindi siya gaanong nakatulog ng maayos at late na nakabawi dahil naninibago siya sa lugar na tinutulugan niya. Isa pa, paulit-ulit na lumalagi sa isip niya ang napagkasunduan nil ani Ryder. Nnag dahil doon, she has to force herself to sleep dahil magmamadaling-araw nan ang makatulog siya. Mabuti na lang at hindi na siya nagising pa pagkatapos niya pwersahin ang sarili na matulog.
“It’s good then,” sagot nito. Maya-maya ay tumahimik si Sara dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya rito. Ganito ba talaga ito? Tahimik? Pero hindi naman niya nahalatang tahimik na tao si Ryder kahapon dahil ang daldal nga nito noong gabing magkausap sila.
“To answer your question, we’re going to the mall to buy you some clothes. If you are going to be my partner, you should wear clothes like mine,” seryosong wika sa kanya ng lalaki. Muling napatahimik si Sara roon at tinignan ang kasuotan niya. Aapila sana siya sa pagbili ng mga damit dahil hindi naman kailangan at okay naman siya sa damit niya, iyon nga lang ay bigla niyang naalala na si Ryder rin ang mapapahiya kung ipagpipilitan niya ang suot niyang damit ngayon.
Literal na teeshirt at shorts lang kasi ang mayroon siya. Wala siyang damit na masasabing maayos talaga. Mayroon naman siyang teeshirt at pantalon pero magmumukha siyang katawa-tawa kapag tumabi na siya kay Ryder kaya imbes na tumanggi ay tumango na lamang siya bilang sagot dito.
Pagkatapos nilang kumain ng agahan ay kaagad na nagpunta silang dalawa ni Ryder sa sinasabi nitong mall. Halos sampung palapag ang gusaling ‘yon at napakalaki. Ngayon lang siya nakakita ng ganoon kalaking gusali sa buong buhay niya. Ang pinakamalaki na ata niyang nakita ay ang Venus Bar kung saan siya nagtatrabaho.
Speaking of Venus Bar, simula nang hilahin siya roon ni Ryder kagabi ay hindi na siya nakabalik pa. Siguradong hinahanap siya ng mga kasama nito roon sa trabaho lalo na ang kaibigan niyang si Dali. She knows that Ryder didn’t want her to go back to that place because he’s giving her a new life. Isang buhay kung saan siya makakapagsimula ulit ng bago. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay kailangan na rin niyang kalimutan ang pagkakaibigan niya sa mga dating katrabaho.
Kailangan niya makausap o masabihan man lang si Dali dahil alam niya na nag-aalala rin ito sa kanya lalo na at alam niya ang nangyari sa kanila ni Enzo noong gabing ‘yon. Nagpapasalamat nan ga lang siya na hindi n anito unisisa ang buong pangyayari at tinanong kung saan siya tumuloy matapos ang kaguluhang ‘yon dahil panigurado na kahit siya mismo ay walang maisasagot sa kaibigan.
Pumunta sila ni Ryder sa department store. Lahat ng mga taong madadaan o dinadaanan nila ay napapatingin sa kanilang dalawa. Ryder is wearing a v-neck grey tee-shirt and black pants. He partnered it with his rubber shoes and dark shade. At kahit na simple lamang ang suot niya ay nakuha pa rin nito ang iilang atensyon ng babae sa paligid.
Hindi naman na siguro kataka-taka iyon dahil siya ang may-ari nitong pinapasukan nilang mall. Hindi naman iyon lingid sa kaalaman ni Sara dahil nga talamak ang pangalan ng Cervantes sa telebisyon at sa balita. Cervantes District Mall is one of the biggest malls that could be found in Metropolis. Isa lamang ito sa mga mall na kilala sa bansa dahil sa matagumpay nitong sales sa market at maging sa industriya.
Hindi lang din mall ang pagmamay-ari ng Cervantes kundi mayroon din silang subdivision na sa kanila mismo nakapangalan at puro mayayaman lamang ang nakatira roon. It was a high-end subdivision that is only exclusive for rich people like them. Madalas din ng nakatira roon ay mga kasosyo nito sa negosyo kaya naman hindi na kataka-taka kung bakit kilala din nila ang isa’t isa sa lugar na ‘yon.
Napansin ni Sara ang unti-unting bulongan ng mga tao sa kanila lalo nan ang mapansin ng mga ito ang magkahawak nilang kamay. Bigla siya nakaramdam ng hiya lalo na at ang bawat tingin na ibinibigay ng mga taong nakapaligid sa kanila ay puro mapanghusga na tingin.
Siguro ay nagtataka na ngayon sila kung sino ang babaeng kasama nito o kaya naman ay baka iniisip na nil ana may relasyon kaagad sila at tanging pera lamang ang habol nito.
Hindi naman maitatanggi ni Sara ang bagay na ‘yon. The number one reason why she accepted his offer is because of money that she will receive once she gave birth to his heir. Kung tutuusin, ayaw naman niya talagang tanggapin ang offer sa kanya ni Ryder. Dahil sino bang matinong babae ang papayag sa ganoong kondisyon? Hindi lang pagiging virgin ang mawawala sa kanya kundi pati ang anak niya dahil kukunin din ito sa kanya sa takdang panahon.
Pwede naman siya humindi at tanggihan ang offer nito o di kaya’y makipagtigasan kay Ryder dahil hindi magandang biro ang gumawa ng bata para lang sa dahilan na kailangan niya magkaanak upang hindi mawala ang tiwala ng mga kanegosyo nito sa kumpanya. Pero dahil sa hirap ng buhay, tinanggap niya ‘yon. She had the chance to escape that life she’s been wanting to escape because of Ryder. Bukod doon ay makakalimutan niya ang masakit na dinaaanan niya sa dati niyang nobyo na si Enzo.
Mahirap tanggihan ang ganoong kondisyon lalo na kung iyon lang ang magiging susi para makaalis sa kinasasadlakan niya ngayon. Inaamin niya rin na kailangan niya ng tulong at kung ganoon ang klase ng tulong na iaalok sa kanya ay tatanggapin niya iyon. Kaya naman kahit mali man sa mata ng iba dahil magmumukhang pera ang tingin ng mga ito sa kanya ay wala na siyang pakialam doon.
Binitawan ni Sara ang kamay ni Ryder dahil naiilang na talaga siya sa mga tingin ng mga ito sa kanya. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali kahit na wala naman talaga. Napatingin si Ryder kay Sara at muling hinawakan ang kamay niya.
“N-Nakatingin sila sa atin,” mahinang wika ni Sara sa kanya.
“Don’t mind them. You are my girl now, Sara.”
Hindi nakapagsalita roon si Sara. Tanging pagkurap na lamang ang nagawa niya dahil sa sinabi ni Ryder. Dinig na dinig niya ang t***k ng puso niya kung kaya’t wala na siyang nasabi. Sa madaling salita ay kahit na marami sana siyang gusto sabihin ay hindi na niya nagawang sabihin pa ‘yon dahil tila ba naging pipe na siya nang tuluyan sa sobrang pagkabog ng dibdib niya.
Pumasok sila sa loob ng department store na halos parang kasing-laki na dalawang bahay na ipinagtabi dahil sa laki. Lahat ng mga tao roon ay binati silang dalawa. Dumampot ng dumampot si Ryder ng mga damit na pambabae at isa-isa iyon pinadala sa sales-lady.
May isa pa ngang pagkakataon na napatingin si Sara sa presyo ng isang dress na nagustuhan niya. She wanted to buy that dress because it looks nice. Bulaklak kasi ang disenyo no’n at pa-vneck ang cut nito sa may dibdib. Ang haba ay hanggang tuhod lang. At dahil nagustuhan niya ang damit na ‘yon ay tinignan niya ang presyo subalit laking-gulat niya nang makita kung gaano ito kamahal.
“Do you like that dress?” Napatalon si Sara dahil sa baritonong boses na bigla niyang narinig sa kanyang likuran. Humiwalay kasi siya kay Ryder dahil matapos nitong kumuha ng maraming damit ay may kinausap siyang babae na mukhang manager nitong department store na ngayon ay ngiting-ngiti habang kausap siya. Mukhang kahit ang mga empleyado niya ay nagkakagusto at nagkakacrush na rin sa kanya. Hindi naman maiiwasan iyon dahil alam ni Sara sa kanyang sarili na kahit siya ay nagkakaroon na rin ng crush kay Ryder mismo. Syempre ay hindi niya sasabihin ‘yon dahil nakakahiya.
“Ah— “Hindi na naituloy ni Sara ang sasabihin niya dahil kinuha na ito ni Ryder mula sa kanyang pagkakahawak at pinahawak na roon sa sales lady.
“Pero ang mahal ng damit na ‘yon,” angil niya sa lalaki. “I don’t care. This is my mall, Sara. I can do whatever I want. And I want to buy those clothes for you.”
Hindi na siya umapela pa dahil mukhang wala na siyang magagawa pa roon. Matapos na bumili ng damit ay sinunod nila ang sapatos at pagkatapos ay saka siya inayusan. Ginupit ang kanyang mahabang buhok at pina-straight iyon. Pinapili kasi siya kung anong mas gusto niya, kung kulot ba o straight.
Straight ang pinili niya kaya nauwi sila sa pagrerebond ng kanyang buhok. Nagkaroon din siya ng kaonting bangs na bumagay sa kanya. Parang ibang Sahara bigla ang nakita niya sa salamin nang matapos siyang ayusan. Nawala ang bakas na dating Sahara na kinakawawa ni Enzo noon at ang Sahara na lumaki sa hirap at minamaliit dahil sa pagtatrabaho sa bar.
“Hindi pa tayo uuwi?” tanong niya kay Ryder nang mapansin niyang papunta sila sa elevator. “No. We still have something to do,” sagot naman nito sa kanya.
Pinindot ni Ryder ang 10th floor na siyang last floor nitong mall. Nang makarating sila roon ay naglakad lang sila ng onti. Mula sa labas ay may babaeng bumati sa kanila na mukhang empleyado rin ni Ryder.
Pumasok sila sa malaking kuwarto. Doon narealize ni Sahara na nasa opisina siya ni Ryder. Kung ganoon pala ay ang nasa tuktok ng mall ang opisina niya. Pero ang alam niua ay may isa pa itong nakabukod na office kung saan nagtatrabaho ang mga tao niya sa mismong kumpanya mismo at hind isa mall.
“Now for the last part…”
Kinuha ni Ryder ang brown envelope mula sa kanyang table at inilapag iyon sa table na nasa pagitan ng dalawang mahabang sofa. Tinignan iyon ni Sara at binuksan. Isang kontrata ang nakalagay doon at doon pa lang ay alam na niya kung ano iyon.
“I trust you, Sara. But for the formality, I asked my lawyer to create a contract for us. The terms in the contract are all for you. Getting and being pregnant isn’t easy so I made a contract where you can get all the benefits after giving birth to our child.”
Tumango lamang si Sara sa sinabi nito at pagkatapos ay kinuha ang ballpen bago pinirmahan ang nakasulat doon.
“I will ask my secretary to xerox the original copy and give it to you later.”
“May— “Hindi na naituloy ni Sara ang sasabihin niya dahil biglang lumapit sa kanya si Ryder at pinaliit ang distansyang namamagitan sa kanilang dalawa. Nang dahil doon ay hindi kaagad siya nakakilos. At nang makakakilos na siya para umatras ay doon naman siya pinigilan ni Ryder at saka hinapit ang bewang nang tuluyan.
“R-Ryder…?” kinakabahan niyang tawag dito habang nanlalaki ang mata dahil sa ginawa nito.
“We have to seal the contract, Sara,” wika nito sa mbabang boses. At bago pa makapagsalita si Sara at magtanong kung paano isi-seal ang kontrata ay tuluyan nang lumapat ang labi ni Ryder sa kanyang labi.