Kabanata 4
GALIT NA GALIT si Ryder matapos niyang makita si Sara na sinisigawan na lang ng kung sino sa bar na ‘yon. He even saw what that man did to her. Pero ang nagpagulat sa kanya ay hindi man lang nag-react si Sara sa ginawa ng lalaking ‘yon sa kanya. She even said sorry to him which made him madder. Ngayon lang nakaramdam ng ganitong inis si Ryder.
He actually knows that man. His name is George at isa rin siyang negosyante katulad niya. Ang pagkakaiba nga lang nila ay hindi ito maayos kausap sa negosyo. He has illegal business. Gusto ng lalaking ‘yon makipagnegosyo sa kanya pero dahil alam niya ang background nito ay hindi siya pumayag. Gregorio’s secretary presents a new business proposal to him last week and he actually likes it. At pinag-iisipan niya na tanggapin ito kapalit ng ilang kondisyon. Iyon nga lang ay mukhang hindi na niya tatanggapin dahil sa mga nangyari.
Huminga ng malalim si Ryder. He needs to calm down because Sara might get afraid of him. Hindi rin naman kasi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakuha nito na umalis sa mansyon. Balak na niya ito patirahin ng permanente sa tinitirhan niya kasama ang mga tagapagsilbi niya. He wasn’t living in the same house with his parent. Ang bahay na ‘yon ay binili niya gamit ang sariling naipon na pera.
He wants to have a life of his own. Pumayag ang papa niya nang sabihin niya iyon sa kanila pero hindi ang mama niya. Sa huli, he managed to convince her. Pero isa na naman bagong suliranin ang kinakaharap niya. His father wants an heir. Ang dahilan nito ay masyado na raw silang tumatanda at gusto na nilang apo. Being the eldest son of Cervantes is already a pressure to him. He always needs to meet their expectations. Kapag hindi ay siguradong madidisappoint ang mga magulang niya and he doesn’t want that.
At ngayong kinukulit na siya na magkaroon ng anak, iisa lang ang ibig sabihin no’n. He needs a woman. He needs to impregnate someone to have an heir.
Tumingin siya sa babaeng kasama. Doon siya bigla nagkaroon ng kasagutan sa problema niya. Sara is the best candidate for him. He likes her and he’s desperate of her. Pero hindi iyon ang mahalaga ngayon. He’s still mad on what she did. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya na aalis ito. At paano na lang kung hindi siya dumating? Malamang ay kung saan na siya dinala ng George na ‘yon.
“Bakit ka umalis na hindi nagpapaalam, Sara?” tanong niya sa dalaga. Yumuko si Sara at lumayo ng bahagya sa kanya. Binitawan din nito ang kamay niyang nakahawak dito.
“Dahil hindi ako nararapat na tumira sa bahay mo, sir.”
“At anong nararapat? Ang sumama sa lalaking ‘yon?” galit na tanong sa kanya nito. Napapikit si Sara roon. Mali rin naman siya na pumayag siyang sumama roon sa lalaki. George is one of their VIP Customers at hindi naman lingid sa kaalaman niya na marami ngang waitress ang takot sa kanya dahil sa manyak ito. Ito rin ang dahilan kung bakit nawawalan ng trabaho ang ilan sa kanila. Mayroon itong koneksyon sa may-ari at malakas ito roon. Kaya naman isnag sabi lang nito ay pwede na kaagad sila matanggalan ng trabaho. She can’t afford to lose another job dahil sa totoo lang ay hindi rin naman sapat ang kinikita niya sa coffee shop kung saan siya ay part time ngayon. Kung tutuusin nga rin ay wala naman dapat silang part timer pero nagpumilit lang siya kung kaya’t sa huli ay pumayag din ang may-ari nito.
Kaya naman nang magalit ito sa kanya ay handa siyang pagbayaran ang kamalian na nagawa niya rito kahit ito ang nauna. Sanay na kasi siya sa ugali ng mga mayayaman na nangbabaliktad ng sitwasyon. Kahit ikaw ang nasa tama, kaya nilang gawing tama ang sarili nila at ikaw ang mali dahil sa pera. Despite that, she never complains. Dahil isa siyang matiising tao.
For a moment, she thought that it was her end. Not until she was saved by his savior again.
“Alam mob a kung ano ang pupwede mangyari sa’yo sa oras na sumama ka sa kanya roon? Do you know what you’re getting yourself into, Sara?”
“Alam ko. Alam kong nasa kapahamakan na agad ako nang sumama ako sa kanya. Pero kaya ko lang din naman ginawa ‘yon ay dahil sa takot akong mawalan ng trabaho, Mr. Cervantes…” paliwanag niya sa lalaki dahil iyon naman ang totoo. Paano na lang siya mabubuhay kung pati ang pagiging waitress sa bar ay mawawala sa kanya? Ang hirap-hirap nan ga humanap ng trabaho eh. Nagpapasalamat pa nga siya kahit ganito ang trabaho niya dahil nagagawa pa niyang kumain ng tatlong beses sa isang araw. “At isa pa, hindi rin naman tam ana manatili ako roon sa bahay mo…”
“I was living alone by myself if that’s what you are worried about.”
“Hindi naman ‘yon ang pinag-aalala ko… nag-aalala ako sa mga sasabihin sa’yo ng tao kapag nalaman nilang nakikitira ako roon.”
“You don’t have to worry about that. You won’t stay there for free.”
“Kung ganoon ay kinakailangan ko bang magtrabaho sa’yo?” tanong ni Sara sa kanya. Dahil kung ganoon lang din naman pala ang kapalit ng pagtira niya roon ay doon na siya. Mas mapapanatag ang kalooban niya kung titira siya roon na alam niyang may kapalit para hindi naman siya matawag na palamunin. Sapat na tinulungan siya nito kaya naman dapat niya lang ito pagsilbihan kung sakali.
“No...” iling na sagot sa kanya ng lalaki. “You just have to be my woman and be the mother of my child, Sara.”
“C-Child?”
“You’ll gave me an heir as exchange of living here for free. Don’t worry, once you gave birth to our child, you will have the right to be with him or her. I won’t take that right from you.”
Napaisip si Sara. Malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng anak. Pero ang sabi ni Ryder sa kanya ay kinakailangan niya ng anak upang hindi na muli siya kuwestyunin pa ng mga tao sa paligid niya. Para sa kanya ay hindi naman dapat pilitin ang tao na magkaroon ng pamilya lalo na at ayaw pa nito. Pero iba ata ang kalakaran kapag mayaman ka. Ang pagkakaroon ng tagapagmana na siyang magmamana ng ari-arian ng kanilang magulang ay mahalaga sa kanila. Iyon ang patakaran nila. Kung wala no’n ay walang magtitiwala sa kanila na may magmamana ng kumpanya pagdating ng panahon.
“Why do you need an heir?” tanong niya. Hindi niya lubos maisip na ito ang takbo ng usapan nila. He wants a child and he wants her to bear his child. Iyon ang pagkakaintindi niya sa sinasabi ng lalaki ngayon sa kanya.
“Because I must prove to them that I have plans of creating a family in the future, Sara. Having a child is the only way to convince them that I want a family in the future.”
“Kung ganoon, bakit hindi ka na lang makipagrelasyon? Maraming babae naman— “I don’t like them. They are just after my money. I can’t trust them.”
“Bakit ako kung ganoon? Galing ako sa mahirap na pamilya, Ryder.”
“Because I trust you. I’ve already seen the worst and you’re still you. I know that you are not one of those people who only wants my money.”
“Pero paano kung mali ka?” direktang tanong niya sa lalaki. Saglit nanahimik si Ryder. Maya-maya ay hinawakan siya ng lalaki sa balikat bago tignan ng direkta sa mata. “Then prove it to me, Sara.”
Si Sara naman ang napatahimik. Tila nablangko ang utak niya sa sinabi ng lalaki sa kanya. She doesn’t know why he trust her so much. Hindi niya rin alam kung bakit magaan ang loob niya sa lalaki at higit sa lahat, hindi niya alam kung bakit niya ikinatutuwa ang bagay na siya ang pinili nito kahit na ang daming babae naman dyan na pupwede niya piliin. That simple thought makes her happy. Pero syempre ay hindi niya kailanman aaminin ang bagay na ‘yon.
“I can give you a better life, Sara. If you said yes and agree to be the mother of my child, I would definitely give you a better life that you deserve. I would even give you money after you gave birth to our child.”
“P-Pero hindi pa ako pumapayag sa gusto mo, Ryder…” wika niya. Alam ni Sara sa kanyang sarili na hindi na siya dapat mag-isip pa at huwag pumayag sa gusto nito. Ang gawin kang paanakan ng lalaking mayaman ay isang kalokohan. Bukod pa roon ay nakakakababa iyon ng tingin. But Ryder is right. She could have the best life she only ever wanted if she would say yes to him. Makakaalis siya sa kahirapan at magkakaroon ng daan upang makapag-aral siyang muli.
Pero iyon ay kung papayag siya.
Kung siguro may nakakaalam nito, malamang sa malamang ay kanina pa may pumitik sa noo niya dahil kanina pa niya pinag-iisipan ang alok nito. There’s nothing wrong of being a surrogate mother. Talaga namang may gumagawa na no’n. Iyon nga lang iba ang sa kanila ni Ryder.
“Hindi naman kita pinipilit, Sara. I am just telling you what kind of situation you are getting into once you chose to stay here. Hindi kita pwede patuluyin dito at sabihin sa magulang ko na kinupkop kita at hinayaan na tumira rito. They will definitely examine your background until they have gathered all the information you have. Kaya mas makabubuti na ipakilala kita na girlfriend ko at ina ng magiging anak ko.”
He has a point. There’s no way his parent would allow him to live with an ordinary girl like him. Kailangan ay may konkretong dahilan at isa nan ga roon ang pagiging kasintahan nito.
“If I said yes, kailan matatapos ang kontrata natin…?” kinakabahan niyang tanong sa lalaki. “You can see the child twice a month after giving birth, however, our contract will only end after you give birth to our child.”
“Kung dalawang beses ko lang makikita ang bata, saan ako titira?”
“I would send you to a safe place, Sara. In a place where you can live a quiet and peaceful life.”
“Ryder…” tawag niya sa lalaki. “I would say yes if and only if you could promise me that you will love our child,” madamdamin niyang wika sa lalaki. Buong buhay niya ay hindi siya nakaranas ng pagmamahal mula sa magulang. Ulila na siyang lubos. Ang mga kamag-anak niya ay tinakwil siya. Kaya naman hindi niya alam kung paano at anong pakiramdam na may isang kalinga ng magulang. Kung magkakaroon man siya ng anak, sisiguraduhin niya na mamahalin niya ito ng buo. Iyon lang ang tanging gusto niya. Ayaw niya na dumating sa puntong magtatanong din ang anak niya sa sarili kung bakit hindi siya minahal ng magulang niya.
Ayaw niyang danasin kung ano man ang naranasan niya noon. Kaya iyon ang hiling niya kay Ryder bago siya pumayag.
Ryder just looked at her with emotions that she can’t named of. Maya-maya ay bumuntong hininga ang lalaki at saka tumango. Hinawakan niya ang kamay nito bago siya tumango. “I promise that I will love our child, Sara.”
“Kung ganoon ay pumapayag na ako, Ryder… I would carry your child; I would work as your surrogate.”