Kabanata 6
HINDI makatulog si Sara. Literal kasi na naglalaro pa rin sa utak niya ang ginawa ni Ryder na paghalik sa kanya. Sa sobrang gulat ay hindi kaagad siya nakakilos habang pinapakinggan ang kakaibang malakas na kabog ng kanyang dibdib. He gently kissed her and Sara felt that. Isang linggo na ang nakakaraan nang mangyari iyon pero pakiramdam niya ay kahapon lang iyon nangyari. Nararamdaman pa rin ni Sara ang malambot na labi ni Ryder sa kanyang labi noong mga oras na ‘yon. She still remembers how his lips gently pressed to hers. Hindi nga siya kaagad napapikit dahil sa gulat. But when Ryder started to move his lips, that’s where she finally closed her eyes slowly, feeling his kiss.
Hindi tuloy maiwasan ni Sara kung bakit ganoon ang pagkakahalik sa kanya ni Ryder. Puno ng pag-iingat at para bang may iba pang emosyon ang nakapaloob doon.
Is she falling in love with him? No. Pero hindi malabo iyon dahil sa ipinapakita sa kanya ng lalaki. Sino ba namang hindi mahuhulog kung sobra siya nitong alagaan? Wala pa man nangyayari sa kanila at nagsisimula pa lang ang relasyon na mayroon sila ay sobra na ang ginagawa sa kanya ni Ryder. Pero hindi niya mawari kung ang ginagawa lang ba nito ay dahil lamang sa may kontratang namamagitan sa kanila o di kaya’y dahil talagang gusto siya nito alagaan? Dahil kung ganoon man ay kinakailangan niya ipaalala ng paulit-ulit sa sarili na ang pakikitungo nito sa kanya ay isa lamang responsibilidad upang magkaroon sila ng anak at wala ng hihigit pa roon.
Napahinga ng malalim si Sara at pagkatapos ay pwersang ipinikit ang mga mata upang makatulog. Ang sabi ni Ryder ay ihahatid siya nito bukas sa bago niyang papasukan bilang estudyante dahil nga ilang beses na rin nito sinabi na gusto niya makapagtapos ng pag-aaral. To grant her wishes, Ryder enrolled her in a prestigious university in Metropolis. Pero dahil gusto ni Sara na maconsider ang talento at skills na mayroon siya ay pinilit niya si Ryder na payagan siya magtake ng entrance exam doon kahit hindi naman kailangan dahil enrolled na siya.
Mabuti na lamang at pumayag ito. Pagkatapos ng isang linggo na paghahanda sa exam ay nagtake na ito kasama ang iba pang estudyante na gusto mag-aral sa prehistiyosong eskwelahan na ‘yon na kilala sa tawag na MU o Metropolitan University. Sa kabutihang palad ay naipasa niya ang entrance exam at siya pa ang may pinakamataas na score na nakuha sa exam na ‘yon. Tuwang-tuwa siya dahil doon.
“Are you that happy?” tanong sa kanya ni Ryder. Pagkatapos ng exam ay sinundo siya kaagad ni Ryder. As usual, maraming nagtataka kung sino ang babaeng kasama nito at anong ugnayan nila sa isa’t isa. She couldn’t speak nor tell anyone what is her relationship with him dahil kahit siya ay hindi alam kung ano ang itatawag sa relasyon na mayroon sila.
“Oo naman,” nakangiting wika niya rito. Tuwang-tuwa talaga siya na nakapasa siya sa exam. Alam niya kung gaano kahirap ang exam sa MU dahil pangarap niya mag-aral doon dati. Ngayon ay natupad na niya at nakapasa siya. Pakiramdam niya ay isa ng malaking achievement ‘yon sa buhay niya lalo na at makakapag-aral siyang muli.
“That’s good to hear, Sara.”
Pagkatapos nilang kumain sa labas ay nagpahatid si Sara sa bahay ng kaibigan niyang si Dali. Nagpaalam pa siya kay Ryder na kung pwede ay doon muna siya. Akala niya ay hindi ito papayag dahil alam nitong nasa paligid lang maaari si Enzo. Pero laking-gulat niya nang mapapayag niya ito.
“I’ll fetch you around 7pm then.”
Iyon ang huling sinabi sa kanya ng lalaki at pagkatapos ay umalis na ito.
“May relasyon ba kayo ni boss?” Tumango siya sa kaibigan. Hindi na siya nag-isip pa dahil alam niya na iyon naman ang dapat isagot. Hindi niya rin naman kasi pupwede sabihin ang totoong relasyon nila dahil nakalagay iyon sa kontrata na pinirmahan niya kamakailan lang. Wala dapat makaalam ng totoong relasyon nila, na isa lamang siyang surrogate at babayaran ng malaking halaga pagkatapos nitong manganak.
Nanlaki ang mga mat ani Dali sa kanyang sinagot. Hindi siguro nito inaasahan na iyon ang isasagot niya. Maya-maya ay hinawakan siya nito sa balikat at tinitigan. Mukha itong naaawa sa kanya kaya naman ganoon na lamang ang pagtataka ni Sara bago ito magsalita. “Naku! Sara! Ano ba ang sa tingin mong ginagawa mo? Bakit sa dinami-rami ng pupwede mo karelasyunan ay si Sir Ryder pa? Hindi mob a alam na may nobya si ser?”
Napatahimik si Sara roon. Ngayon lang pumasok sa isip nito na maaaring may nobya ito. Pero kung may nobya na ito, bakit pa ito naghahanap ng aanakan kung pupwede naman nitong anakan ang kanyang nobya? Nais ba nitong magkaanak sa iba dahil hindi sila magkaanak ng nobya niya? Kaya ba isinikreto nito ang tungkol doon at hindi sinabi sa kanya?
Hindi maiwasan ni Sara na malungkot dahil doon. Her heart became heavy all of a sudden. Maiintindihan niya naman kung bakit hindi sinabi sa kanya ni Ryder. She has no right to demand him to tell everything to her. Ang responsibilidad lamang nito sa kanya ay ang bata kapag siya ay nabuntis na at wala ng iba pa. Hindi siya dapat umasa na magkakaroon sila kahit paano ng maayos na ugnayan lalo na at may nobya pala ito.
“T-Totoo ba ang sinasabi mo?” tanong niya rito. Tumango si Dali at saka bumuntong-hininga. “Kaya kung ako sa’yo ay huwag ka na umasang seseryosohin ka ni Sir Ryder dahil hindi iyon mangyayari. Napakaganda ng nobya niyan at galing pa sa mayaman na pamilya. Baka niloloko ka lang niyan,”
Napatahimik si Sara ulit doon. She didn’t want to conclude. In fact, she wanted to hear the truth from Ryder before concluding anything but how can she be so sure that he’s going to tell her the truth? Eh eto ngang katotohanan na may nobya ito ay hindi na nito sinabi sa kanya.
Gusto niya lang naman maging totoo ito sa kanya para alam niya kung saan siya lulugar sa buhay nito. Ayaw niya ng gulo kaya naman mas mainam kung alam na niya kaagad kung saan siya dapat lumugar. If he’s going to continue lying, how could she trust her and his promises to her?
Iniba na lang ni Sara ang pinag-uusapan nil ani Dali. Magulo ang kanyang isipan tungkol kay Ryder at ayaw na niya isipin pa ang bagay na ‘yon. Saka na lamang niya itatanong kapag nakapaghanda na siya ng mga itatanong sa lalaki. Alam niya naman na wala siyang karapatan na magtanong sa buhay nito. Pero wala naman siyang pagpipilian dahil gusto niya linawin ang lahat sa kanila para alam niya kung saan siya lulugar.
Maya-maya ay sinundo na siya ni Ryder. Sumakay siya ng tahimik sa sasakyan at pagkatapos ay isinuot ang seatbelt. Naramdaman niya ang pagtitig sa kanya ng binata at bahagya pang kumunot ang noon a para bang may malalim na iniisip.
“How is it?” tanong ni Ryder sa kanya. Sinulyapan niya ang lalaki pero saglit lamang iyon. Abala ito sa pag-ikot sa manibela. Pauwi na sila ng bahay. Dapat ay masaya siya dahil nakasama niya ang matalik niyang kaibigan na si Dali. Pero imbes na maging masaya siya ay naging malungkot pa.
Bakit?
Hindi niya alam. Ang alam niya lang ay naiinis siya ngayon. Ang nakakainis pa ay hindi niya rin alam kung anong kinaiinisan niya. Hindi niya mawari sa kanyang sarili bakit bigla na lamang siya nakaramdam ng inis at doon sa katotohanang ‘yon siya naiinis.
“Okay lang,” sagot niya sa lalaki.
“Are you okay?” tanong muli ni Ryder pagkatapos nitong manahimik ng ilang minuto. Tumango si Sara sa kanya. Hanggang sa makarating sila sa bahay ay hindi nito pinapansin ang lalaki. Pinipigilan niya ang sarili niya na magtanong ng magtanong dahil ano nga ba naman ang karapatan niya na magtanong sa buhay na mayroon ito? She just can’t help but to wonder why he decided to keep it as a secret.
RYDER WAS HESITANT at first to leave Sara at her friends’ house because he didn’t know if that friend of hers can be trusted. The other reason is her ex-boyfriend might show up out of nowhere and put her life in danger again. Dahil kaligtasan ang inuuna ni Ryder para kay Sara, he asked his men to find Enzo and put him in jail. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita ang lalaki kung nasaan ito.
Pero nang makita niya kung gaano kasaya si Sara nang makita muli ang kaibigan sa loob ng dalawang linggong pamamalagi nito sa kanila ay hindi niya ito matiis. Kaya naman inutusan na lang niya ang isa sa mga tauhan niya na bantayan ng maigi si Sara dahil marami pa rin banta sa kanya.
Bumalik si Ryder sa kanyang opisina upang asikasuhin ang iba pa niyang trabaho. Hindi siya dapat lalabas sa opisina niya kung hindi lang dahil kay Sara. She badly wanted to take the entrance exam to prove that she has skills and knowledge. Siguro ay naisip nito na hindi siya karapat-dapat sa eskwelahan na ‘yon kung ultimo entrance exam ay hindi niya mapasa. Kaya naman pinagbigyan niya ito kahit hindi kailangan. Naging maayos naman ang pagkuha niya ng entrance exam at sa kabutihang palad ay nakapasa ito. In fact, she got the highest passing score in the entrance exam and that made him smile. Mukhang tama siya ng napiling babae.
“Yo, bro. Umalis ka raw?” tanong ni Hanz sa kanya. Kaibigan niya ito at kasosyo sa negosyo. Hanz Gabriel Lopez is one of his friends. They are together since they were a kid because their fathers are best friend. Kaya naman hindi na kataka-taka kung bakit kilala nila ng sobra ang isa’t isa. Hanz is one of the people the he knew he can trust. Ito rin ang dahilan kung bakit inalok ni Ryder si Sara na maging surrogate niya. It was Hanz idea. Dahil iyon lang naman daw ang nakikita niyang paraan para hindi na siya kulitin ng mga magulang na magpakasal at muling magkaroon ng tiwala ulit ang mga kasosyo niya sa negosyo na balak niya magkaroon ng pamilya sa hinaharap.
May punto naman ang sinabi sa kanya ng kaibigan kaya naman pumayag siya. Matagal-tagal na rin siya naghahanap dahil gusto niya ay iyong mapapagkatiwalaan at hindi magmumukhang pera ang habol sa kanya. Someone that he could trust. Eventually, Sara came to his life and said yes to his offer in exchange of he would be a good father to their child once she gave birth.
He met Sara at the Venus Bar. Regular kasi siya roon dahil doon siya palaging umiinom o dinadala ng mga kasama kapag nag-aaya ng inuman ang mga ito. Sara once serves his meals and she got his attention since that day. Hindi ito sumasayaw dahil hanggang waitress lang talaga ang trabaho nito pero sobra atang popular talaga ng dalaga sa mga kalalakihan dahil palaging gusto ng mga ito na siya ang mag-serve ng pagkain nila. Hindi naman niya itatanggi na maganda talaga si Sara. She has a smooth white skin and a wavy long hair. Bukod pa roon ay may angking alindog din ito na talagang nagpapalingon sa mga kalalakihan pero mukhang hindi iyon alam ng dalaga.
Simula rin noon ay hindi na mawala-wala sa isip niya si Sara. Lalo pa siyang nagkaroon ng interes nang malaman niya ang nangyari sa buhay niya at kay Enzo. Nang mag-away sila at malaman ni Sara na niloloko siya ng lalaking ‘yon, walang sinayang na pagkakataon si Ryder at tinulungan si Sara upang makuha ang loob nito.
“May inasikaso lang,” sagot nito.
“Is this about that woman?” Kumunot ng bahagya ang noo ni Ryder at pagkatapos ay nagkibit-balikat. Tumawa si Hanz na siyang nagpairap na lang din sa kanya. “Ang damot, magsishare ka lang naman.”
“I will never share her to anyone, Hanz,” malamig na tono nito sa kanya. “Wow, ang possessive naman po. But seriously, kailangan mo na siya ipakilala kela Tita dahil malapit na ang pag-uwi ni Kierra, Austin.”
Napabuntong-hininga si Ryder at saka tumango. Kierra is his childhood best friend. And he was very aware of her feelings towards him. Iyon nga lang ay hanggang nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya. He would never look at her as a woman. Matagal na rin siyang ipinipilit ng kanyang ina sa dalaga dahil nga botong-boto ang ina niya kay Kierra. Bukod sa magkasosyo ang magulang ay galing din ito sa magandang pamilya. Kaya naman hindi na kataka-taka kung bakit ganoon na lang siya pinupush ng kanyang ina kay Kierra. But the problem is he never liked her. Ilang beses na rin naman niya sinabi sa dalaga na hindi siya magkakagusto rito pero sadyang mapilit din ito.
Sa huling pagkakatanda niya nga ay sinabi ni Kierra sa kanya na gagawin niya ang lahat para magustuhan siya. And now that she’s coming back soon, he has to move fast.
“By the way, Mom told me that you are working with a new project, how is it?”
Sumandal si Ryder sa kanyang swivel chair at tamad na pinaikot ang kanyang ballpen sa daliri bago tumingin sa kausap. “The project hasn’t been started but I am planning to start it by next week.”
“I see,” sagot ng lalaki. “So now, can you tell me more about your new woman, Ryder?”
Umirap si Ryder at umiling sa kanya. Talaga pa lang pinupush ni Hanz na malaman kung sino ang bago niyang babae. But Sara is not just a woman. She’s one of a kind and that is one of the reasons why he’s interested with her.
Ayaw niya sabihin ang tungkol sa kanila ni Sara. Not because he’s possessive but because he knows that Hanz is a playboy. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na marami na itong naikamang babae at ayaw niya lang na madali nito si Sara na siyang hindi naman mangyayari dahil hindi niya hahayaan na mangyari ang bagay na ‘yon.
“Woah, bro. I can exactly read your thoughts. You weren’t thinking that I shouldn’t meet her because I am playboy, you know?”
Hindi nagsalita si Ryder kaya lalong nadismaya si Hanz at nagkunwari pang nasaktan dahil sa reaksyon nito. Napailing na lang siya sa kanyang isipan at napatanong kung bakit maraming babae ang nababaliw dito sa lalaking ‘to.
“If you already know the answer to your question, the door is open,” sagot niya sa pinsan.
“Hindi ka talaga magkukwento tungkol sa baba emo?” tanong niyang muli dahilan para mapakunot na lang ang noo ni Ryder. “Why are you so interested with her?” Bumahid na ang inis sat ono ng pananalita ni Ryder dahilan para lalong humagalpak ng tawa ang kanyang kaibigan.
“Bro, I am not interested in her, okay? I'm simply curious because this is the first time someone has captured your interest. Are you certain that your interaction with her is merely a contract?”
Hindi nakapagsalita si Ryder doon. Alam niyang si Hanz ang nagbigay sa kanya ng ideya na maghanap ng aanakan niya para magkaroon ng anak. Dahil iyon lang naman ang paraan para hindi na siya guluhin ng magulang niya at maibalik ang tiwala ng mga kanegosyo niya sa kumpanya.
Noong hindi niya pa nakikilala si Sara ay iyon ang gusto niya mangyari pero ngayong nakilala na niya ang dalaga ay tila nagbago na ang lahat. He’s not certain anymore if he just wants a merely contract with her.
“Anyway, lalayas na nga ako. Baka hinahanap na ako sa kabila. Alis na ako,” wika ni Hanz. Narealize siguro nito na wala siyang matinong sagot na makukuha galing sa kanya. Pero nakakailang hakbang pa lamang ang lalaki paalis ng kanyang opisina ay muli niya itong tinawag.
Nilingon siya nito pagkatawag sa pangalan niya. Kinunotan siya ng noo ni Hanz dahil ilang segundo na siyang nakatitig dito. He was about to talk when he cut him off.
“Can you be my witness on our civil wedding?”