Kabanata 2

2110 Words
Kabanata 2 “What are you doing to her?” UMAWANG ang labi ni Sahara nang makita ang pamilyar na lalaki sa kanyang harapan habang hawak-hawak ang kamao ng ex niya na tatama sana sa kanyang tiyan. “Sino ka naman?” Lumingon ang lalaki sa kanya. “Are you okay, Sahara?” “S-Sir Ryder,” gulat na usal niya sa lalaki. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang lalaki dito. Lalo na at nagawa pa ng lalaki na protektahan siya laban kay Enzo. “Are you hurt?” tanong niyang muli. Medyo nagulat naman siya roon at hindi kaagad nakasagot. Umiling siya sa lalaki bilang sagot. “That’s good to hear.” Ibinalik ni Ryder ang tingin niya sa lalaking gusto manakit kay Sahara, si Enzo. He was looking at her with full of rage. Pero kitang-kita naman niya kung sino ang may kasalanan nang lahat ng ito. By the looks of it, hindi na niya kailangan ng detalye pa para malaman kung ano ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Kung tutuusin nga, wala naman talaga siyang balak iligtas si Sahara. Wala siyang balak magsayang ng oras para sa ibang tao dahil marami na siyang ginagawa sa buhay niya. At ang manghimasok sa isang sitwasyon ang pinakahuling bagay na pwede niya magawa sa kanyang sarili. But she really got his attention this time. Hindi niya magawang magbulag-bulagan at hayaan na makitang saktan si Sahara. He was a regular customer on the Venus Bar. And Sahara is the one who usually serves him. He cannot deny that Sahara really caught his attention. There is something on that woman that he cannot explain. Marami rin nagsasabi na maganda nga ang dalaga. Hindi naman niya itatanggi ang bagay na ‘yon dahil kahit siya ay gandang-ganda din sa kanya. The waitress uniform is hugging her curves so well. Maraming customer doon na gusto si Sahara at hindi iyon lingid sa kanyang kaalaman. In fact, he was very interested on her. Iyon nga lang, ngayon na lang ulit siya nagkaroon ng oras para makita siyang muli. Kaya naman laking-tuwa niya nang makita muli si Sahara. Hindi niya nga lang inaasahan na makikita niya ang dalaga sa gitna ng daan kasama ang isang lalaki. He knew that Sahara has a boyfriend. He’s aware of that. Pinaimbestigahan pa nga niya iyon sa secretary niya kahit na pwede naman siyang magtanong sa manager ng Venus Bar na si Cindy. Nang makita niya na nagkakagulo ang dalawa sa daan ay kaagad siya bumaba na walang pagdadalawang-isip. Wala naman siyang balak manghimasok pero huli na ang lahat para roon. He saved Sahara from that big punch of her boyfriend. Hindi man niya alam kung ano ang nangyari ay sapat na para malaman niya na isang biktima ng pang-aabuso si Sahara at walang kahit na sinong babae na deserve ‘yon. Tinulungan niya si Sahara na makatayo mula sa pagkakaupo at pagkatapos ay inilagay niya ang dalaga sa kanyang likuran. “Alam mo ba kung anong ginagawa mo?” “Sino ka? Isa ka bas a mga customers ng babaeng ‘yan?” palaban na sagot ni Enzo. Hindi nagustuhan ni Ryder ang tono ng pananalita niya kaya sinamaan niya ito ng tingin. “Wala ka ng pakialam kung sino ako pero wala kang karapatan na saktan mo siya,” seryosong wika ni Ryder sa lalaki. Tila nagulat naman si Sahara sa mga salitang lumabas sa bibig nito dahil doon. Hindi nito inaasahan na makukuha pa siyang ipagtanggol ng lalaki matapos ng mga sinabi ng kanyang dating nobyo ngayon. “Ganoon ba? Eto lang ang sasabihin ko sa’yo ngayon kung sino ka man. Laspag na ang babaeng ‘yan kaya kung isa ka sa mga lalaking nagbabalak na matulog kasama siya, huwag mo na asahan na masikip ang lag— “Hindi na natapos ni Enzo ang kanyang sinasabi dahil dinambahan siya bigla ni Ryder ng suntok na nagpatili kay Sahara. Ilang beses pa niya ito sinuntok at sinipa bago tigilan. “I will never allow you to disrespect the woman that I like,” malamig na sagot nito sa lalaki. Tila hindi kaagad naproseso ni Sahara ang sinabi nito kaya naman ganoon na lang ang pagkagulat niya nang tumingin sa kanya si Ryder na puno ng pag-aalala na kanina ay kulang na lang ay magmistulan ng yelo dahil sa lamig ng paninitig nito sa lalaki. “Come with me, Sara,” wika ni Ryder sa kanya habang nakaangat ang kamay nito sa ere na tila ba naghihintay na abutin niya ‘yon. Nakaawang ang labi ni Sahara noong mga oras na ‘yon. Hindi niya maintindihan kung bakit nakuha ng lalaki na tulungan siya. Marahil nagmamagandang loob lamang ito sa kanya. Totoo pala talaga na may mga mayaman pa rin talaga na tumutulong at nagmamagandang loob sa kagaya niya. “I will make you safe. You don’t have to stay with your dumbass ex-boyfriend who don’t know how to treat you better,” sagot ng lalaki sa kanya. Noong mga oras na ‘yon ay walang inisip si Sahara kundi ang makalayo nga kay Enzo. Hindi maganda na manatili siya sa relasyon at nakipaghiwalay na rin naman siya rito. Hindi rin maganda na sumama siya sa lalaking customer niya sa bar pero wala siyang magawa dahil kailangan niya ng tulong ngayon. Hindi niya alam kung sino ang mahihingian niya ng tulong dahil unang-una ay wala naman siyang gaanong kaibigan o kamag-anak na pwede tumulong sa kanya. Ayaw niya rin maging pabigat sa matalik niyang kaibigan na si Dali. Nagdadalawang-isip niyang inabot ang kamay ng lalaki. At noong gabing ‘yon ay dinala siya nito sa sarili nitong mansion. Pansin ni Sahara na ang lalaki lang ang tao maliban sa mga katulong na naninilbihan sa malaking bahay na ‘yon. “Manang, pwede mo bang asikasuhin ang bisita ko? Ihanda niyo rin ang isang kuwarto pagkatapos ng aking silid dahil doon siya matutulog.” “Masusunod, Sir Ryder.” Iginiya siya ng matanda sa silid na sinasabi ng lalaki. At binigyan ng damit na pampalit at hinanda na ang pampaligo. Pinagmasdan ni Sahara sa silid kung saan siya dinala. Malaki ang silid na pinagdalhan niya. Isang queen size bed ang nasa gitna ng kuwarto. May maliit na bed-side table sa magkabilaang side ng kama. Sa kanan naman ay may malaking cabinet para sa mga damit. Katabi ng cabinet ang pinto papunta sa banyo. Naligo siya pagkatapos sipatin ang buong kuwarto. Medyo gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos niya maligo pero hindi pa rin maalis-alis sa isip niya ang mga nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala na magagawa siyang lokohin ni Enzo. Nagtiis siya para sa lalaki. Ginawa niya lahat ng makakaya niya pero sa huli ay ito pa pala mismo ang mananakit sa kanya. Hindi niya alam kung anong kasalanan ang ginawa niya para ganituhin siya. Nagmahal lang naman siya kung tutuusin. Pero hindi nasuklian iyon ng maayos. Hindi niya alam kung ano na ang gagawin niya ngayon. Paniguradong mahihirapan siya magsimula dahil mahal na mahal niya si Enzo. Pero alam niyang hindi na worth it pa na mahalin ang lalaki pagkatapos ng mga nangyari ngayon. Tuluyang tumulo ang mga luha niya. Akala niya ay wala na siyang kakayahan na umiyak pa dahil iniyak na niya lahat kanina. Rumehistro sa utak niya ang nangyari kanina roon sa tinitirhan niya. Kitang-kita niya kung paano sila nagtatalik. At sa bawat haplos ng lalaki sa babae ay para siyang pinapatay. She never betrayed anyone. She never betrayed Enzo. Tunay niyang mahal si Enzo kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang panlolokong ginawa nito sa kanya dahil kung tutuusin wala naman talaga siyang ginawa kundi ang mahalin ang lalaki at ibigay ng buong-buo ang buhay niya rito. She thought that she’s enough to make him happy. Kaya naman ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya nang makita niya ang eksena na ‘yon na nasa ibang bisig ang lalaking mahal niya at inaalayan ng kanyang buhay. Totoo pala talaga na kahit anong mahal mo sa lalaki, kung wala itong intensyon na paligayahin ka at isa ka lang sa buhay niya, gagawa ito ng paraan para makapangloko hanggang sa masanay ka na sa ganoon dahil paulit-ulit na pinapatawad. At ganoon nga ang eksaktong nangyari sa kanya. She was stupid enough to believe that Enzo loved her. Dahil hindi ganoon ang pagmamahal. At siguro nga dahil takot siyang maiwan, nakuntento siya sa ganoong klase ng pagmamahal na hindi niya deserve. “Sara?” Napatayo si Sahara sa kanyang hinihigaan nang makita niya si Ryder na pumasok sa kanyang silid. Nakapangbahay na ang suot nito kaya lalo tuloy nakita ang matipuno nitong mga braso at magandang pangangatawan. “B-Bakit?” nanginginig niyang tanong sa lalaki. Tinignan siya ni Ryder mula ulo hanggang paa. Lalong tumalim ang pagkakatitig nito kaya lalo siyang kinabahan dahil doon. Lumapit ang lalaki sa kanya. Ramdam na ramdam ni Sahara ang pagkalabog ng kanyang puso dahil sa ginawa nitong paglapit sa kanya. Umupo ang lalaki sa gilid ng kama at tinapik ang katabi nitong espasyo. Tila naman nabasa ni Sahara ang iniisip nito at umupo rin siya roon. “Let me clean your wounds.” Binuksan ni Ryder ang maliit na kahon na naglalaman ng first-aid kit at sinimulan na gamutin ang mga sugat ng dalaga. Tila naman napansin ni Sahara ang paninitig nito sa mga pasa at sugat na palagi na lang niya tinatago sa nagdaang relasyon nila ng lalaki. “Does he always hurt you?” tanong ni Ryder sa kanya matapos lagyan ng betadine ang sugat niya. Umangat ang tingin ng lalaki sa kanya kaya naman muling nagtama ang tingin nila sa isa’t isa. Napalunok si Sahara roon at pagkatapos ay dahan-dahan na tumango. Wala ng silbi na itago pa niya ang totoo dahil ito mismo ang nakasaksi sa kanilang dalawa. It would be bad if she lied in front of him. Hindi niya rin naman kayang magsinungaling sa lalaki lalo na at pinakitaan siya nito ng kabutihan. “Then why did you stay with him, Sahara? What if he killed you someday?” tanong ng lalaki sa kanya. Iyon din palagi ang sinasabi sa kanya ng mga katrabaho niya pero ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na umalis sa puder nito dahil hindi na niya kaya magtiis pa sa relasyon na alam niyang niloloko lang siya. “Because I loved him,” direktang wika nito sa kanya. Iyon lang naman talaga ang dahilan kung bakit siya nagtiis. She simply loved him. Aside from that, Enzo is the only person who stayed with her no matter what happens. Kaya naman akala niya ay magiging maayos na ang lahat sa kanilang dalawa. Pero sinong mag-aakala na ang lalaking minahal niya ay tatraydurin siya ng ganoon? Hindi pa ba sapat na nagtiis siya sa pananakit nito sa tuwing nag-aaway silang dalawa? Kung tutuusin nga kaya niya magbulag-bulagan para sa lalaki. Kaya niyang magsinungaling sa mga taong nasa paligid niya na masaya sila ni Enzo kahit na hindi iyon ang nangyayari dahil ganoon siya magmahal. “Sometimes, love wasn’t enough, Sahara,” sagot ng lalaki sa kanya. “You don’t deserve that treatment, Sahara. You deserve to be love and care,” dagdag pa nito sa kanya. Hindi nagsalita si Sahara sa sinabi ng lalaki dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa mga naririnig niya ngayon. “P-Pwede baa ko magtanong….?” mahinang tanong niya sa lalaki. Alam niyang mabuting tao si Ryder. Madalas niya itong pinagsisilbihan sa bar noon bilang waitress. Siya madalas ang nagdadala ng mga pagkain at nakikipagkuwentuhan sa mga kasama nito dahil tunay nga rin naman na mababait ang mga kaibigan nito. Hindi siya ilag sa lalaki pero hindi rin siya malapit dito at kakaonti lang din ang alam niya rito. Ang alam niya lang ay sobrang swerte nito dahil naibigay ng mga magulang niya ang nararapat na buhay sa isang anak na kagaya niya. “What is it?” tanong ng lalaki sa kanya. Nakatitig ang kulay abo nitong mga mata sa kanya na nagpakabog ng tuluyan sa kanyang dibdib. “Why did you help someone like me? Katulad ng sinabi ni Enzo kanina, masasayang lang ang oras mo sa akin at kung… kung iyon ang habol mo sa akin, siguradong— “I help you because I like you, Sahara.” Literal na napatigil si Sahara sa kanyang narinig at gulat na gulat na tumitig sa lalaki. “A-Ano?” Bumuntong-hininga si Ryder at dahan-dahan na hinawakan ang kanyang mukha na siyang nagpagulat sa kanya. “I like you, Sahara. And I don’t care about what your stupid ex says because I know that it’s not true.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD