Kabanata 3

1898 Words
Kabanata 3 "G-Gusto mo ako?" gulat na tanong ni Sahara sa lalaki. Hindi siya makapaniwala na lumabas ang mga ganoong salita sa lalaki. Lalo na at sinabi pa nitong gusto siya nito. Para kay Sahara ay imposibleng mangyari ang sinasabi ng kausap. Paano na magkakagusto ito sa kanya samantalang magkaiba ang mundong ginagalawan nila. Ryder Cervantes is a multi-billionaire. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Sahara na hindi na mabilang ang mga estableshimento sa bansa na si Ryder ang may-ari. He was born with a golden spoon on his mouth. Siya ang panganay na anak ng mga Cervantes at inaasahan na magmamana ng kumpanya dahil ang dalawang nakababata niyang kapatid ay masyado pang bata at wala naman interes sa pagnenegosyo. Bukod doon ay habulin ng mga babae si Ryder. He has this 'playboy' title at kamakailan lang ay nabalita na may bago na naman itong girlfriend na nagtatrabaho sa showbiz pagkatapos nito makipagbreak sa dati niyang girlfriend. Kaya naman ganoon na lang talaga ang gulat ni Sahara nang sabihan siya na gusto siya ng lalaki. At isa pa, para kay Sahara ay hindi siya kamahal-mahal na babae. Hindi siya karapat-dapat na maging karelasyon o magustuhan ni Rydrr dahil malayong-malayo siya sa mga mayayaman na babaeng pumapaligid dito. She has to work as a waitress on a bar at night. At alam niyang maraming manghuhusga sa kanya dahil iyon ang klaseng trabaho na pinapasukan niya. But she can't be choosy when she was this poor. Kaya nga kahit puro pang-aalipusta ang natatanggap niya at nasasabihan ng masasakit na salita, tinatanggap niya na lang 'yon at pagkatapos ay kakalimutan ang mga iyon. Pangarap ni Sahara na makapagtapos ngp pag-aaral at magkaroon ng maayos na trabaho. Kaya naman nag-ipon siya. Ngunit ang mga perang inipon niya ay biglang naglaho dahil kay Enzo. Kaya naman hindi niya ngayon alam kung paano makakapagsimula ulit. "Yes. I like you, Sara." "Bakit mo ako gusto?" maang na tanong niya dahil hindi niya pa rin makuha kung saan banda nagkagusto ang lalaki sa kanya. "Do I really have to answer that?" namomoroblemang tanong sa kanya ng lalaki. Hindi nagsalita si Sahara, bagkus ay tumitig lamang siya rito na tila parang naghihintay ng sagot niya. "I just really like you, Sahara. And I won't save you from that jerk if I don't like you." Umawang ang labi niya. Hindi niya maiwasan na maluha dahil may nagmamalasakit pa rin pala sa isang kagaya niya sa kabila ng buhay na mayroon siya. Kung tutuusin ay alam ni Sahara na naaawa lang sa kanya ang lalaki at nagpapasalamat siya roon. She was thankful that someone is willing to save her from her jerk ex-boyfriend. At sobra-sobra na ang naitulong ng lalaki sa kanya. Hindi niya alam kung paano ito papasalamatan. "Naaawa ka lang ba sa akin?" diretsa niyang tanong sa lalaki. "Dahil kung ganoon ay magpapasalamat ako. Mayroon pa palang lalaki na naaawa sa isang kagaya ko. Pero kaya ko naman ang sarili ko, Sir Ryder." Sinadya ni Sahara na diinan ang salitang Sir Ryder upang ipaalala sa lalaki na isang customer at waitress sa bar ang relasyon nilang dalawa. Tama rin naman siya sa kanyang sinabi. Kahit ilang beses pa siya madapa, hindi siya pwede sumuko dahil wala iyon sa nature niya. Kaya naman alam niyang kaya niya ang sarili niya kahit wala na si Enzo sa tabi niya. Mahirap siguro sa una dahil minahal naman niya talaga ang lalaki kahit madalas silang may hindi pagkakaintindihan at pagbuhatan ng kamay nito. Ganoon kalawak ang pagmamahal niya para sa lalaki. She was ready to fogive him a lot of times and give him more chances just to fix their relationship. Pero sabi nga nila ay may hangganan ang lahat. She was tired of hurting alone. Hindi ba dapat kapag nagmamahal ang isang tao ay dapat masaya? Dapat mas lamang ang saya kesa sa sakit. Pero hindi iyon nangyari sa kanila ni Enzo. At siguro nga ang nadatnan niya at nakita ng mga mata niya noong gabing 'yon ang naging sanhi para tumigil na siya. What she saw that night made her realize that she has to stopped in order to save herself from so much pain. That was her last cue and she could say that breaking up with him is the rightest thing she ever did in her life. Para siyang nabunutan ng tinik sa ginawa niya. Napatahimik tuloy si Ryder sa ginawa nito at hinintay ang dalaga na magsalita. He was staring at her with full of intense. Ngayong nag-uusap sila ni Sahara ay doon niya nasabi na wala siyang balak na pakawalan ang babae. He would never allow her to go back on her old life and watch her suffer again from pain. Kung kinakailangan niya na i-blackmail ang dalaga ay gagawin niya manatili lamang ito sa kanya. He was desperate of her. And this is the first time that he felt desperate to be with someone despite of breaking many women’s hearts. "Alam kong kasalanan ko dahil ako ang nagpasok sa sarili ko sa ganoong sitwasyon. Kung nakinig lamang siguro ako sa mga sinasabi sa akin ng mga tao noon na makabubuting hiwalayan ko si Enzo, hindi siguro kami aabot sa ganito. Wala naman akong pinagsisihan dahil alam ko naman sa sarili ko na minahal ko si Enzo. Na wala akong naging pagkukulang sa kanya. Sadyang hindi lang talaga ako sasapat sa isang katulad niya dahil hindi ako ang hanap niya at mas lalong hindi siya marunong makuntento." Huminga ng malalim si Sahara at pagkatapos ay saka muling tumingin sa kausap."Kaya naman kung naaawa ka lang sa akin kaya nasasabi mo ang mga bagay na ito, mas mabuting tumigil ka na. Ayaw kong—"Sinong may sabi na naaawa ako sa'yo, Sahara?" Tila nagulat si Sahara roon lalo na sa tono at pananalita nito. Naramdaman din niya ang tila hindi pagkagusto nito sa kanyang mga sinabi. Nagtaka pa nga siya dahil parang wala namang mal isa sinabi niya. In fact, she’s just telling the truth. "Pero—Inangat ni Ryder ang mukha ng babae gamit ang hintuturo niya at saka tinignan ito ng diretso sa mata. Para tuloy nanliit si Sahara sa ginawa niyang 'yon. "Hindi ako naaawa sa'yo, Sahara. In fact, I already know that you are a strong woman. That you are capable of living alone and make own money in order for you to live. Kaya naman gusto ko lang linawin na walang kinalaman ang awa sa mga sinabi ko sa'yo ngayon. I like you sincerely, Sahara." Umalis si Sahara sa mansyon ng Cervantes kung saan siya dinala ni Ryder at pinatulog pansamantala. Hindi siya nagpaalam dahil sakto naman na wala na ito sa bahay nang magising siya sa kanyang silid. Alam ni Sara na hindi siya pwede manatili sa bahay nito kaya naman bumalik siya sa dati niyang tinutuluyan upang maghanap ng bagong matitirhan. She can’t stay with that place anymore after what happened to her. Puro mga masasakit lamang ang naaalala niya at hindi iyon maganda sa pagsisimula ng bagong buhay na wala ang lalaki. She’s now free and she’s ready to face new challenges in her life. Maaaring nadapa siya ngayon pero hindi naman ibig sabihin no’n ay madadapa na siya habang buhay. Lumipat siya sa bagong apartment kung saan malapit sa café nab ago niyang pinagtatrabahuhan. Dahil kinakailangan niya muling mag-ipon para sa pampaaral niya ay kinakailangan niya ulit magdoble ng kayod. Dati pa naman na niya iyon ginagawa. Mas kakayod lang siya ngayon ng doble pa kumpara noong sila pa ni Enzo ang magkasama.What she’s doing right now is for herself and not for others anymore. Kinakailangan niya magsumikap dahil ano pa bang choice ang mayroon siya eh hindi naman siya pinanganak na mayaman? At isa pa, para rin naman sa kanya ang ginagawa niya. If she wanted to live in a comfortable life, she has to earn it. She has to fix her life to have that comfortable life that she wanted for so long. Inayos niya muna ang kanyang mga gamit sa bagong pinaglipatan. Kaonti lang naman ‘yon dahil wala naman siyang gaanong gamit. Pagkatapos no’n ay naligo na siya at gumayak na papunta sa bar upang simulan ang kanyang trabaho bilang waitress. Binati niya ang mga tao roon at sinimulan na ang trabaho. She was busy attending her customers when a male customer grabbed her butt. Dahil doon ay napatili siya at hindi sinasadyang natapunan ang customer na ‘yon ng maiinom. “What the fvck?” malakas na sigaw sa kanya ng lalaki. Galit itong nakatingin sa kanya habang pinupunasan ang nabasang damit. “Naku! Pasensya na po, sir. Hindi ko po sinasadya!” wika ni Sahara. Ayaw niya matanggalan ng trabaho kaya naman kahit gusto niya manlaban at sabihin na mali ang ginawa sa kanya ng lalaki ay hindi na siya nagsalita pa. “Do you know how much is this?” sigaw sa kanya ng lalaki. “No sir…” “It costs ten-thousand dollars! You should pay me for messing my clothes, you stupid woman!” “Sir, I don’t have that kind of money sir…” naiiling na wika ni Sahara.Gusto na niya maiyak dahil kakatapos lang ng problema niya kay Enzo ay saka pa siya nagkaroon ng problema ngayon sa isang VIP customer nila. “I could wash your clothes if you want to, sir.” Umiling ang lalaki sa kanya at dinuro-duro siya. “Then I will sue you! I didn’t want you washing my clothes. I don’t fvcking need that!” “Sir, please don’t sue me, sir!” pagmamakaawa niya. “I will do everything for you. Just don’t sue me,” wika niya sa lalaki. Tinignan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa at doon pa lang ay alam na niya ang iniisip nito, Nakaramdam siya bigla ng takot sa lalaki. Kahit na matagal na silang magkarelasyon ni Enzo ay wala pang nakakakuha ng p********e niya. Iniingatan niya ‘yon ng sobra dahil iyon na lang ang tangi niyang maireregalo sa mapapangasawa niya kapag nagkataon. Pero hindi niya maaaring isakripisyo ang trabaho na mayroon siya ngayon kaya kahit sobrang kabado ay sasama siya rito, huwag lang siya makasuhan at manatili sa trabaho na mayroon siya. “Then come with me,” wika ng lalaki. He was about to touch her hands when someone pulled her away from him. Isang lalaki ang biglang lumitaw sa likuran ni Sara at pumunta sa kanyang harap. Inilahad nito ang pera at ibinigay iyon sa lalaki. Hindi nakapagsalita si Sara sa gulat at kahit nakatalikod ang lalaki sa kanya ay alam na niya kaagad kung sino iyon. Hindi niya malilimutan ang boses ng lalaking nagpatuloy sa kanya sa kanyang bahay at sinabing gusto siya nito. He's wearing a suit while his hair is a little bit messy. Ano bang ginagawa niya rito? Hindi ba dapat ay nasa trabaho siya o di kaya ay nasa bahay na? “This is your ten thousand dollars for your damn shirt, Mister. So please don’t bother her anymore because she’s my woman!” Humarap si Ryder kay Sara. Nagulat si Sara sa biglaang pagharap nito sa kanya. He was looking at her with full of rage and she could feel that. Pero hindi niya naman alam kung bakit ito galit gayong wala naman itong ginagawang masama. “And you,” turo nito sa kanya bago hawakan sa palupulsuhan. “Come with me!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD