Kabanata 1
“Sahara, hanggang kailan mo hahayaan na saktan ka ni Enzo ng ganyan?” tanong ng kaibigan niya na si Dhalia. Mabilis niyang tinago ang mga pasa sa braso ng kanyang long sleeve. Pero alam niyang huli na ang lahat nang ‘yon para itago pa.
Dhalia o mas kilala sa tawag na Dali ang kanyang pinakamatalik na kaibigan. They were friends since childhood kaya naman kilala na talaga nila ang isa’t isa. Alam niyang nag-aalala lamang ito sa nangyayari sa kanila ni Enzo dahil naabutan niya itong sinasaktan siya. Nasa kalagitnaan kasi sila ng isang diskusyon ng lalaki nang makita sila ng kaibigan niyang si Dali.
“A-Ayos lang ako, Dali,” sagot nioya
“Anong ayos? Nagbibiro ka ba? Tignan mo ang sarili mo, Sahara!” suway nito sa kanya. Napayuko siya dahil doon. Inaamin naman niyang nasasaktan nga siya ni Enzo kapag nagkakaaway sila pero kasalanan niya rin naman ‘yon. Mahal niya si Enzo kaya naiintindihan niya ito dahil kapakanan lang din naman niya ang iniisip ng lalaki. She can’t live without him.
Kahit na mukhang tanga na ang itsura niya dahil sinasaktan siya ni Enzo ay tinitiis niya iyon dahil si Enzo lang naman ang mayroon siya. She lost her parents when she was still a child kaya ang auntie na niya ang kumupkop sa kanya kaya lang ayaw sa kanya ng anak nito at ayaw din ng auntie niya sa kanya. Wala siyang ibang mapupuntahan kaya ilang taon din siyang nagtiis sa kanila at nagpasensya sa pang-aalipusta sa kanya ng kamag-anak. Pagkatapos no’n ay naghanap siya ng trabaho at dito nga siya napunta. Dito rin sa bar na ito nakilala niya si Enzo.
Mabait na lalaki si Enzo. Nagkakaintindihan sila at mahal na mahal niya ito. She was working hard for him dahil ayaw niya ito mahirapan lalo na at nag-aaral pa ito. Mas bata kasi sa kanya si Enzo ng dalawang taon. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para makatapos ito ng pag-aaral. Nakakatawa man iyon para sa ibang tao ay wala siyang pakialam dahil kinabukasan ni Enzo ang nakasalalay dito.
Siguro nga ay martyr siya. Pero wala siyang pakialam sa katotohanan na ‘yon dahil para sa kanya, si Enzo lang ang kaisa-isang taong nandyan noong panahon na kailangan niya ng kalinga ng mga taong kailangan niya. Si Enzo lang ang nakapagbigay ng pagmamahal na ‘yon at wala siyang hinihiling ngayon bukod sa ibalik ang mga ‘yon sa lalaki. Dahil wala siguro siya ngayon dito kung hindi dahil sa kanya.
Para sa kanya, si Enzo ang nagbigay ng liwanag at kasiyahan sa kanya kaya naman hinding-hindi niya magagawang iwan ang lalaki sa kabila ng ginagawa nitong pananakit nito sa kanya. Mahal na mahal niya ito at kung sakaling mawala si Enzo sa buhay niya sy siguradong hindi niya kakayanin. Enzo is the only person she has in her life.
“Ayos nga lang ako, Dali. Nag-away lang kami ni Enzo nitong nakaraan kaya huwag ka na mag-alala sa akin dahil kaya ko naman na ang sarili ko,” giit niya sa kaibigan. Napabuntong-hininga na lamang ang kaibigan niya at saka tumango.
“Ikaw ang masusunod, Sahara pero ang akin lang, nag-aalala lang din naman ako sa’yo. Basta kapag may problema ka, sabihin mo na lang din sa akin para matulungan kita.” Tumango ang dalaga sa sinabi ng kaibigan.
“Oh siya, maiwan muna kita rito. Tapusin mo na rin iyang mga hugasin at baka madatnan pa iyan ni manager.” Muling tumango si Sahara kay Dali at tinapos nga ang mga hugasin.
Nagtatrabaho si Sahara sa Venus Bar bilang waitress pero hindi siya nakaduty ngayon para mag-serve sa mga customers kaya naman nandoon lang siya sa kusina ngayon para maghugas ng mga plato.
Masipag si Sahara sa trabaho. Dahil bukod may Enzo siyang pinapaaral at mabigyan ng magandang kinabukasan dahil mahal niya ito, gusto niya rin bigyan ng pagkakataon ang sarili na makapag-aral muli. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para makapag-aral din sa kolehiyo. Marami siyang pangarap para sa sarili niya at para sa kanila ni Enzo. Hindi niya hahayaan na hindi matupad ang mga ‘yon. Wala naman magpupursige sa kanila na gawin iyon kundi siya kaya siya na ang gagawa.
Pangarap niya makapagtapos sa pag-aaral sa sarili niyang sikap at magkaroon ng magandang trabaho pagdating ng panahon. And maybe, when the right time comes, she and Enzo will get married.
Pagkatapos niya maghugas ng plato ay lumabas muna siya para makapagpahangin sa labas. Gabi na at malamig na ang simoy ng hangin. Nagtapon na rin siya ng basura upang mamaya ay wala na siyang itatapon pa paglabas niya. Kinakailangan niya na rin umuwi ng maaga dahil walang madadatnan si Enzo sa bahay nila kapag wala siya roon.
Magkasama na sila sa iisang bahay kaya naman alam n ani Sahara kung anong oras at routine ng lalaki.
Napahinga ng malalim si Sahara at saka tumingin sa maliwanag na buwan. Minsan, kahit ginagawa na niya ang lahat ay hindi niya pa rin mapigilan na hindi mapaisip. Kung darating pa ba iyong pagkakataon na hindi siya maghihikahos dahil sa kahirapan. Na hindi na niya kukwestyunin kung saan niya maaaring makuha ang ganoong kalaking pera para sa mga bagay na kailangan niya. Minsan nga, napapaisip siya kung ano ba ang kasalanan niya sa diyos at binibigyan siya ng ganitong kadaming pagsubok. Deserve niya maging masaya dahil puro sakit at lungkot lang naman ang dinanas niya habang lumalaki siya. Pero bakit tila ata hirap na hirap iyon ibigay sa kanya?
Pero sab inga nila, walang sarap kung walang sakit. Mukhang talagang kinakailangan niya muna dumanas talaga sab utas ng karayom bago niya maramdaman iyong saya na nararapat para sa kanya. Baka may hinahanda ang diyos para sa kanya na mas maganda pa at nararapat lang sa kanya. At kung iyon ang dahilan kung bakit niya pinagdadaanan ang lahat nang ito, kailangan niya kayanin ‘yon.
Umuwi siya sa bahay ng pagod at maraming iniisip. Late na talaga siya nakauwi dahil siya ang closing para sa araw na ito. Tapos bukas ay siya naman ang opening. Hindi naman siguro magagalit sa kanya si Enzo dahil para sa kinabukasan naman nila itong pagtatrabaho niya ng late.
Akala niya ay madadatnan niya ang bahay ng maayos pero laking gulat niya ng bahagyang bukas ang pinto. Puro kaba ang naramdaman niya noong mga oras na ‘yon dahil baka pinasok na sila ng masamang tao. Kaya naman kahit kinakabahan ay pumasok siya sa loob. Madilim ang loob ng kabahayan.
Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa kuwarto dahil may naririnig siyang ingay doon. Baka nandoon ang masamang tao at kasalukuyang gumagawa ng kabalbalan. Papasok na sana siya nang madatnan niya ang damit ni Enzo na nagkalat sa sahig at damit ng isang babae. Kahit madilim, alam niyang kay Enzo ang mga damit na ‘yon. But there’s no way that he would betray her.
Huminga siya ng malalim. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kuwarto at pinihit ang pinto. Kahit na maliit lang ang pagkakabukas niya no’n ay kitang-kita ni Sahara kung paano nakikipaghalikan si Enzo sa babae at kung paano ito umuungol.
Nakailang kurap ang ginawa niya para lang masigurado kung panaginip ba ang nakikita niya o hindi. Hanggang sa naramdaman na niya ang panginginig ng buo niyang kalooban dahil sa pinapanood.
Hindi nakaligtas sa mga mat ani Sahara kung paano hinawakan ni Enzo ng puno ng pagnanasa ang babae habang nasa ibabaw ito. Para silang nasa isang mundo na sila lang ang tao at siya ang tagapanood.
Gusto humagulgol ni Sahara. Gusto niya magwala. Gusto niya sabunutan ang babaeng kayakap ng taong mahal niya pero hindi niya magawa. Hindi siya makakilos. Para siyang tuod doon na hindi makakilos sa kinatatayuan niya at walang magawa kundi panoorin ang kahayupan na ginagawa nila.
Tumulo ang mga luha niya. Huminga siya ng malalim at sinubukan umalis sa kinatatayuan. Naglikha iyon ng ingay kaya naman napatigil ang dalawa sa ginagawa. Umalis si Sahara. Pinilit niyang tumakbo sa kabila ng paninikip ng dibdib na nararamdaman niya.
“Sahara!” tawag ni Enzo sa kanya. Pero hindi siya lumingon. Takbo lang siya ng takbo. Ayaw na niya itong makita. Kahit ang taong minahal niya ay nagawa pa rin siyang lokohin sa kabila ng mga ginawa niya. Parang noong oras na ‘yon ay gusto na lang niya mamatay dahil sa kamalasan na nangyayari sa buhay niya.
“Sahara!” malakas na tawag sa kanya ng lalaki. Nanghihina na siya. Hindi na niya kayang tumakbo pa ng malayo kung kaya’t nahabol siya ni Enzo sa gilid ng kalye. Sinubukan siyang hawakan ni Enzo pero isang sampal ang isinagot nito sa kanya.
“Huwag moa ko hahawakan!” iyak ni Sahara sa harap ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit siya ganito umiyak sa lalaki samantalang hindi naman na niya dapat ito iniiyakan dahil niloko siya nito. Tiniis niya lahat ng pananakit nito pero sa huli ay pagtatraydor lang pala ang kakahinatnan ng lahat.
“Sahara…”
“Kailan mo pa ako niloloko, Enzo? Kailan pa?” iyak niya. Hindi niya matanggap. Damang-dama niya ang pagod pagkatapos ng mga nakita niya. Nagawa niyang humantong dito dahil umaasa siya na hindi siya lolokohin ng kaisa-isang taong mahal niya pero nagkamali siya.
She was wrong.
“Hindi kita niloloko— “Hindi niloko?” nanginginig na tanong niya sa lalaki. “Nagbibiro ka ba?” nanghihina niyang tanong. Para siyang sinasaksak ng paulit-ulit dahil sa mga nakita niya. Wala siyang inisip kundi siya. Lahat ng ginagawa niya ay para sa kanya pero sa huli, balewala ang lahat nang ‘yon.
“Kitang-kita ko kung paano kayo gumawa ng kababuyan sa mismong pamamahay ko, Enzo! Kitang-kita ng mata ko tapos sasabihin mo hindi moa ko niloloko?” galit na wika niya sa lalaki.
“What’s wrong with that?” tanong ni Enzo na ikinanlaki ng mata niya. Hindi siya makapaniwala na narinig niya ang mga salitang ‘yon galing mismo sa bibig ng lalaki.
“We can still be together after that. She’s just another woman, Sahara. I am in love with you.”
Tumulo ang mga luha ni Sahara sa kanyang narinig. Para siyang sinampal ng paulit-ulit dahil doon. Alam naman na niya noon pa na hindi siya mamahalin ni Enzo katulad ng pagmamahal na ibinigay niya sa lalaki. Pero sa kabila no’n, nakuha pa rin niya isipin na mamahalin siya ni Enzo ng higit pa sa ibinibigay niya na isang kasinungalingan lang naman ang lahat. Enzo never loved her. And that is the reason why she’s not happy even if she’s with him. Love supposed to make you happy and not to feel pain.
Hindi pagmamahal ang nararanasan niya sa lalaki. He was just using her for his own benefits. At alam niya ‘yon pero hinayaan pa rin niya itong gamitin siya. Dahil akala niya… akala niya kapag ibinigay niya lahat, mamahalin din siya nito. Pero mali.
“I can’t stay with someone like you anymore…” Huminga siya ng malalim at saka tinignan ang lalaki sa mata. “Umalis ka na sa pamamahay ko. Ayokong makita ka kahit kailan!”
“You know that you can’t live without me, Sahara,” sagot ng lalaki sa kanya. Ngumiti pa ito na parang demonyo bago siya hawakan sa braso. Ibinaon nito ang kuko sa kanyang balat na siguradong magsusugat dahil doon. Napayukom siya dahil doon. “Tingin mo ba ay may pupulot sa’yo kapag nalaman nil ana ang isang kagaya mo ay nagtatrabaho sa isang bar? Tingin mo may tutulong sa’yo kapag nalaman nila na isa kang bayarang babae?”
Parang isang milyong kutsilyo ang kaagad na tumarak sa dibdib niya dahil sa kanyang narinig. Alam ng lalaki na wala siyang pagpipilian kundi ang magtrabaho sa bar dahil hindi naman siya nakapagtapos ng kolehiyo. Pero pinipilit niyang ayusin ang sarili niya para hindi na siya alipustahin pa ng mga tao. Akala niya ay naiintindihan siya ng lalaki. Akala niya ay iba ang tingin ni Enzo sa kanya pero kagaya lang din pala siya ng mga taong walang ginawa kundi ang husgahan siya.
She never slept with anyone. As if she could do that while she’s in a relationship with Enzo. That is considered cheating and she would never do that. Pero sana nga ginawa na lang niya katulad ng ginawa nitong kahayupan sa bahay na tinitirhnan nilang dalawa.
“I never slept with anyone else, Enzo,” seryosong wika niya sa lalaki. “Pero sana nga ginawa ko na lang dahil wala ka namang kwenta!” sigaw niya.
“Ginawa ko lahat para sa’yo pero ito lang ang igaganti mo sa akin? Panloloko? Walanghiya ka talaga!” sigaw niya sa lalaki. Hindi na niya alam kung paano aalisin ang galit na nararamdaman niya. Dahil alam niyang kulang pa ang pag-iyak para gumaan ang nararamdaman niyang sakit ngayon.
Sinampal siya ng lalaki dahilan para mapatigil siya at mapatulala.
“What you did was never enough, Sahara!” sagot ng lalaki sa kanya. Parang biglang nablangko ang isip niya dahil sa narinig.
“W-What?”
“Tingin mo ba talaga, mamahalin kita? Eh bayaran ka lang naman din diba? Hindi sapat sa akin ang kinikita mong pera sa bar, Sahara! Hindi na lang din dapat kita nakilala dahil kung wala akong kwenta, mas wala kang kwenta!”
Hindi niya napigilan na sampalin ang lalaki sa magkabilaang pisngi dahil sa kanyang narinig. Nang dahil doon ay nagdilim ang paningin ng lalaki subalit wala na siyang pakialam kung mamatay siya ngayon sa kamay nito. Dahil iyon din naman ang gusto niya.
Ang mamatay.
Sisikmuraan na sana siya ng lalaki kung hindi lang may humarang dito. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa lalaking humarang sa kamao ni Enzo papunta sa kanya.
“What are you doing to her?”