Kabanata 7

2258 Words
Kabanata 7 NAKAKUNOT ang noo ni Ryder nang dumating siya sa opisina. Bukod pa roon ay mainit din ang ulo niya kaya naman kanina pa niya pinapagalitan ang mga empleyadong mali-mali ang isinasagot sa kanya tuwing meeting. “Bakit ang init ng ulo mo?” tanong sa kanya ni Hanz. Kasama ito sa meeting kanina dahil parte siya ng investor at isa rin siyang executive member ng kumpanya ni Ryder. Napabuntong-hininga siya. “Nag-away ba kayo ng babae mo?” tanong muli ni Hanz sa kanya. He didn’t speak. Pero kita naman sa mukha nito ang dahilan kung bakit ito tahimik at mainit ang ulo. Hindi naman sila nag-away ni Sara. In fact, binati pa nga siya nito ng magandang umaga kanina. Siya na rin mismo ang naghatid kay Sara papunta sa campus dahil nga papasok siya sa opisina. Hindi naman sana iinit ang ulo niya kung hindi niya lang napansin ang kakaibang pakikitungo ng babae sa kanya. Even though she greeted him this morning with a smile on her face, he still notices the distance that she put between them. Para bang may bumagabag sa babae na hindi nito maintindihan. Kaya naman sinubukan ni Ryder na tanungin si Sara tungkol dito pero katulad ng inaasahan niya ay hindi umamin ang dalaga sa kanya. Of course, he’s not stupid to believe her answer. Kitang-kita naman na may malalim itong iniisip at mas pinili lamang nito na saralihin iyon. Hahayaan niya naman sana ang babae dahil baka gusto muna nito saralihin iyon bago sabihin sa kanya. Kaya lang, nang ihatid niya ito sa campus ay may nakita siyang lalaki na siyang sumalubong kay Sara sa gate ng campus. Doon na napakunot ang noo ni Ryder. Wala pang isang linggo na pumapasok si Sara sa campus ay may kakilala na kaagad ang babae. Ang masama pa nito ay lalaki pa talaga. And he seems very close to her even though they met in a short span of time. Ayaw niya pigilan ang babae na makipagkaibigan sa iba. Of course, she has the rights to have friends of her own. Iyon nga lang, hindi inaasahan ni Ryder na lalaki pa ang magiging kaibigan nito. And he’s not dumb. Hindi ito ang unang beses na nakita niya na may lalaking umaaligid kay Sara. He’s been observing her for a long time. Anyone could say that he’s a stalker but he doesn’t care. Maraming lalaki ang nagkakagusto kay Sara noon pa. Pero palagi rin ito inaayawan ng dalaga dahil may karelasyon pa ito noon at iyon ay walang iba kundi si Enzo. Kaya naman nang makita niya ang lalaki na naghihintay sa gate ng campus ay alam na kaagad niya na may gusto ang lalaking ‘yon kay Sara. But Sara is too naïve to notice that. Dahil din doon, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit nagawa niyang magtiis sa walang kwentang kagaya ng dati niyang nobyo na si Enzo. Umigting ang kanyang panga nang maalala muli ang dating nobyo ng dalaga. Nagtatago na ito ngayon at kasalukuyan niyang pinapahanap ito sa pulis. Marami rin itong kasong hinaharap dahil siya na mismo ang nagkaso rito. Pumayag si Sara na kasuhan ang lalaki kaya naman lalong napadali ang pag-aresto kay Enzo. Iyon nga lang ay nagtatago na ito ngayon. Sinigurado ni Ryder na kapag nahuli na ito ng mga pulis ay mabubulok ito sa kulungan. Na walang sinuman ang pwede magpalaya sa kanya pagkatapos ng mga kagaguhang ginawa nito kay Sara. Sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit nagustuhan ni Sara ang ganoong klase ng lalaki. Siguro nga ay sadyang nakakabulag ang pagmamahal. Dahil nagagawa no’n itago ang mga sakit na ipinapadanas sa’yo ng tao nang dahil lang sa mahal mo siya. And this is also one of the reasons why Ryder doesn’t believe in love. He was born because of an arranged-marriage. There’s no love involve at all. His mom married his father because it’s convenient for her and to her family. While his father is in love with someone else. Bata pa lamang si Ryder ay alam na niya na malabo umiral ang pagmamahalan ng magulang niya sa isa’t isa. Alam niya na kaya lang naman nagtagal ang pamilya niya ay dahil sa respeto ng magulang niya sa isa’t isa. Pero nawala iyon nang magkaroon ng kontak ang papa niya sa babaeng una niyang minahal. Doon na nagkandaletse-letse ang sitwasyon ng pamilya niya. Hindi iyon alam ng karamihan sa kamag-anak nila dahil ayaw na nil ana magkagulo pa nang dahil doon. Even Ryder kept quiet about their situation because he knew to himself that it cannot be fixed anymore. Kaya naman ganoon na lang ang paniniwala ni Ryder na hindi nag-eexist ang ganoon. Wala siyang interes sa mga bagay at kahit sa babae dahil lumaki siya na may mindset na dapat niyang palakihin ang negosyo dahil isa siyang tagapagmana ng Cervantes. But when he saw Sara, that was the first time that someone got his interest. He felt something that he never felt before. When he saw her that night, he got an urged to protect Sara from anyone who could’ve hurt her. At kabilang nan ga roon ang dati nitong nobyo na si Enzo. “No.” “No? Pero ang tagal mo sumagot,” usisa ni Hanz sa kanya. Napabuntong-hininga siya. Ayaw niyang usisain siya ni Hanz sa sitwasyon nil ani Sara. Ryder has a hobby of keeping everything to himself at kadalasan ay hindi niya iyon nagagawa kay Hanz. Dahil bukod sa iilang kamag-anak niya na nakakasalamuha niya, si Hanz lang din naman ang totoong nakakakilala sa kanya. “When are you going to stop prying me?” inis niyang wika sa lalaki. Tumawa si Hanz at napailing na lamang. Umupo ang lalaki sa bakanteng sofa at pagkatapos ay tumingin muli sa kanya. Hindi lang doon natapos iyon dahil ipinatong pa nito ang paa sa malaking center table na gawa sa tunay na kahoy. “Titigil lang naman ako kapag nagsabi ka nang totoo,” nakangiting sagot sa kanya ng lalaki. Doon na napatahimik si Ryder dahil kahit siya ay alam niya sa kanyang sarili na nagsisinungaling siya. He’s not honest with himself. Dahil takot siya sa mga katotohanang ibinabato sa kanya ng reyalidad. Bumuntong-hininga si Ryder at umiling sa kaibigan. “Can we talk about the business now?” “Are you okay?” Naglalakad si Sara papasok sa school grounds nang makita siya ni Tristan na naghihintay sa may gate ng school. Excited si Sara na pumasok dahil sa wakas ay makakapagtapos na rin siya ng kolehiyo. Pinangako niya sa kanyang sarili na hindi niya sasayangin ang tuition fee na ipinambayad ni Ryder sa mayamang eskwelahan na ito. Kinakailangan niyang galingan para matuwa sa kanya si Ryder. Subalit ang katuwaan na labis niyang naramdaman ay bigla rin nawala sa kadahilanang naalala niya ang mga pinagsasabi sa kanya ni Dali noong gabing ‘yon. She tried to act that she was fine in front of Ryder. Syempre ay hindi niya masabi ang mga nasa isip niya dahil alam niyang wala naman siyang karapatan na tanungin ang mga ganoong bagay sa lalaki. So, she decided to kept it by herself. Pero nang dahil doon ay nilulunod na naman siya ng mga bagay na tumatakbo sa isipan niya. She’s not an overthinker but after meeting and spending time with Ryder, she started to become like that. Tumingin siya kay Tristan at nginitian ang lalaki. Kaklase niya ito sa isa sa mga major niya na subjects. Business Administration ang kinuha ni Sara dahil gusto niya magtayo ng sarili niyang negosyo pagdating ng araw. Isang negosyo na magtataguyod sa kanya at hindi na aasa kay Ryder. Alam niya kasi na darating ang araw na kailangan din nila maghiwalay at kapag nangyari ‘yon ay hindi na siya dapat umasa pa sa lalaki. “Magandang umaga,” bati niya sa lalaki. Si Tristan ang masasabi ni Sara na una niyang naging kaibigan dito. Ito kasi ang nag-approach sa kanya noong unang beses sa klase kaya naman naging magkaibigan kaagad sila. Mabait si Tristan pero hindi kagaya niya ay ipinanganak itong mayaman. “Okay ka lang ba? You looked down, Sara,” nag-aalalang wika sa kanya ng lalaki. Mabilis na umiling si Sara at ngumiti ng pilit kay Tristan. She can’t tell her problems to him. Ang gusto niya sana ay makagraduate sa eskwelahan na ito na hindi nalalaman ang relasyon nila ni Ryder. Ayaw niyang masira ang image na mayroon si Ryder sa mga tao lalo na at kilala ang pamilya nito sa buong Metropolis kaya minabuti niya na isikreto ‘yon. Hindi nga lang siya sigurado kung magtatagal iyon dahil palagi siya nitong hinahatid papunta sa eskwelahan. Umaayaw naman ang lalaki sa tuwing kukumbinsihin niya itong huwag na siyang ihatid dahil kaya naman niya mag-commute. “I’m fine,” sagot niya sa lalaki. “You can tell me your problems, Sara,” sagot naman ng lalaki sa kanya. Napangiti si Sara roon. She really appreciates that Tristan is very concerned to her. Pero kagaya nga nang nasa isip niya ay malabong sabihin niya ang mga tumatakbo sa isip niya lalo na at si Ryder ang laman no’n. She just can’t brag the relationship that she had with him! At alam niya na tunay ngang hindi maipapagmalaki ang totoong ugnayan nila sa isa’t isa. Siguradong magmumukha siyang pera sa oras na malaman ng mga tao ‘yon na ang isang kagaya niya ay inofferan ni Ryder ng malaking pera kapalit ng pagkakaroon ng anak sa kanya. At totoo naman ‘yon. Mukha nga siyang pera kung tutuusin dahil nagawa niyang pumayag sa kasunduan na ‘yon. Kung siguro isnag ordinaryong tao lamang ang nag-alok no’n ay malamang umayaw na siya. But it’s Ryder. Sino ba naman makakatanggi kung isang Ryder Cervantes na ang nag-alok? Pero hindi lang naman kasi ang pera ang naging batayan niya kung bakit siya pumayag sa offer nito. Hindi niya alam kung sino ang nagtulak sa kanya pero pinagkakatiwalaan niya si Ryder. She trusts him. Alam niyang may mga bagay na hindi pa sinasabi sa kanya ang lalaki at nakakalungkot iyon para sa kanya pero iniintindi niya ito dahil alam niya kung ano siya sa buhay nito. “I’m really fine, Tristan…” She gave him a sweet smile to assure him that she was really fine. Tumahimik naman kaagad ang lalaki at wala nang nasabi pa. Maghapon na magkasama si Tristan at Sara sa campus. Normal lang iyon dahil magkaklase sila sa lahat ng subjects. Pero para sa mga mata ng ibang estudyante ay iba. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ni Sara kung sino talaga si Tristan. Anak siya ng isang gobernador na namumuno sa Metropolis at kilala rin ang pamilya na isa sa mga maimpluwensyang tao sa lugar. Kaya naman ganoon na lang ang tingin ng mga tao kay Tristan. Bukod doon ay hindi rin naman maitatanggi na guwapo nga si Tristan. In fact, he has a height of an average basketball player which is six feet. Matalino din ito at popular sa mga babae pero kahit ganoon ay hindi niya binigyan ng kahit anong atensyon ang mga babaeng nakakakilala sa kanya. Isa lang ang pinagtutuunan niya nang pansin at iyon ay si Sara. A commoner. But he doesn’t care. He can’t deny that he’s comfortable with Sara. Gusto niya itong kasama at mukhang wala namang masama kung mapapalapit sila sa isa’t isa. Well. That’s what he thinks not until he saw a man standing in front of a red Ferrari, wearing a shade that match his long-sleeves and pants. “Sara.” Dumagundong ang dibdib ni Sara nang marinig ang baritonong boses na ‘yon. Nanlaki ang mata niya habang nakaawang ang labi. Hindi niya akalain na makikita niya rito si Ryder. Ang buong akala niya ay hindi siya nito susunduin dahil may ginagawa ito sa opisina niya. Tinignan niya nang maigi ang lalaki. Paara siyang modelo na nakasandal sa isang mamahaling kotse. At lahat ng mga tao ngayon sa paligid nila ay nasa kanya mismo ang atensyon. “Who is he?” tanong ni Tristan kay Sara. Hindi naman kaagad nakasagot ang babae sa kanya bagkus ay nakatitig pa rin ito roon. “H-He’s….” Hindi maituloy ni Sara ang sasabihin niya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kay Tristan kung sino si Ryder Cervantes sa buhay niya. Lumapit si Ryder kay Sara kaya nalipat ang atensyon ni Tristan roon. Kinuha nito ang kamay ng babaeng kasama na nagpakunot sa noo ni Tristan. “Who are you?” maangas na tanong ni Tristan. He had a feeling that he cannot trust him at kung mapatunayan man niya ‘yon ay hindi niya ibibigay si Sara. Who knows what will he do with her? Hindi siya pinansin ng lalaki. Pero si Sara ay nagulat doon at pipigilan niya sana si Tristan na magsalita pa dahil wala naman siyang balak na ipaalam sa lahat kung sino ang kasama niya. Pero huli na ang lahat dahil mukhang naagaw na ang atensyon ng lalaking kasama dahil sa pagtatanong ni Tristan. “Anong relasyon mo kay Sara?” tanong niya muli. Nilingon ni Ryder ang lalaki. He took of his shades and looked at him with creased forehead. Tila ba nagulat ang lahat nang makita na si Ryder Cervantes ang sumundo kay Sara. “R-Ryder…” mahinang tawag ni Sara sa lalaki para suwayin pero hindi rin ito nakinig. Dahan-dahan tinanggal ni Ryder ang kamay ni Tristan na nakahawak din sa kamay ni Sara para pigilan ito sa paglalakad kanina bago tuluyang sumagot. “She’s my fiancée.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD