Hindi ako gumalaw pinakiramdaman ko lamang ang lalaking nasa likuran ko. Ngunit naririnig kong humakbang ito papalapit sa akin. Kaya hinanda ko ang aking sarili upang atakihin ito. Para makalabas ako sa silid na ito.
Inayos ko muna ang suot kong sombrero ganoon din ang face mask. At nang alam kong malapit na siya sa akin ay mabilis na gumalaw ang aking katawan paharap dito. Kasabay nang pagtaas ng isang paa ko patungo sa kamay nitong may hawak na baril at nakatutok sa akin.
Namataan kong tumilapon ang baril sa malayo. Isang ikot ang ginawa ko upang sipain ito sa mukha. Ngunit maliksi niyang nahawakan ang aking paa.
"So, babae ka pala? Ang lakas ng loob mong pumasok sa pamamahay ko!"
Walang salita ang namutawi sa aking bibig. Ngunit dahan-dahan siyang lumapit sa akin at nang malapit na ito sa aking at maaabot ko na ang pagmumukha nito ay walang pagdadalawang-isip na lumipad ang kamao ko patungo sa panga nito.
"Damn!"
Nabitawan nito ang aking paa kaya sinamantala ko ang pagkakataon upang makalayo sa lalaki. Ngunit maliksi rin ang gumalaw nito. Nagulat na lamang akong mahigpit niyang hawak ang beywan ko.
"Saan mo balak pumunta, aking panauhin?" bulong niya sa may puno ng tainga ko.
Naloko na! Hindi ako puwedeng makilala ng lalaking ito. Kaya ginamit ko ang aking isang paa at ubod lakas ko siyang inapakan. Kaya tuluyan akong nakawala kay Frank. Maliksi akong tumalon sa binatana. At tumakbo patungo sa madilim na lugar.
Nagmamadali akong umakyat sa pader at walang ingay akong tumalon. Matulin akong tumakbo upang makalayo sa bahay ni Frank. Sobrang lakas din ng t***k ng aking puso nang dumikit siya sa akin kanina.
Shit! Hindi ako papayag na mahulog muli sa lalaking iyon. Kaya kailangan madaliin ko ang aking misyon para makaalis na ako sa lugar na ito. Sa sobrang bilis nang aking pagtakbo, hindi ko na nga namalayan na nakarating na pala ako sa bayan.
Umupo muna bangketa na nakita ko sa gilid. Hingal na hingal akong nang tumigil. Pansin kong halos wala ng tao sa buong paligid. Sabagay hindi na ako magtataka dahil probinsya ito.
"Sino kayo? Huwag kayong lalapit sa akin!"
"Huwag ka nang pumalag pa, Miss. Sumama ka na lamang sa amin ng maayos at hindi ka masasakta.
"Hindi ako sasama sa inyo! Tulong! Tulungan ninyo ako!"
Bigla akong napabaling sa eskinita na malapit lamang sa aking pwesto. Alam kong doon nagmumula ang tinig na iyon.
Kaya tumayo ako mula sa aking pagkaka-upo at humakbang patungo sa eskinita kung saan naririnig ko ang boses ng isang babae. Medyo madilim sa lugar na ito.
Pero walang takot akong pumasok sa maliit na eskinita. Sinundan ko ang tinig ng isang babaeng humingin ng tulong. Ganoon din ang mga lalaking nagtatawanan at tila tuwang-tuwa pa sa pag-iyak ng kawawang biktima.
"Huwag ka ng mag-inarte babae. Kahit umiyak ka pa ng dugo ay wala ka na ring magagawa dahil maisasama ka pa rin namin!" narinig kong bulalas ng lalaki at nagtawanan pa ang mga ito.
Malayo pa lang ako'y nakikita ko na ang tatlong lalaki na kinakalad-kad ang kawawang babae. Salamat sa liwanag ng buwag sapagkat nakikita ko mula sa aking pwesto kung ano ang ginagawa ng mga ito sa kawawang biktima.
May namataan akong lata sa aking harapan. Kaya naman ubod lakas ko itong sinipa patungo sa tatlong lalaki at sapol sa likod ang nasa gitna.
"Sinong sumipa sa akin?!"
"Mukhang naglalaro kayo, ah. Puwede ba akong sumali sa kakaibang laro ninyo?" makahulugang tanong ko sa mga ito.
Bumaling sila sa akin. At nakikita ko sa ng mukha ng lalaki ang galit dahil tinamaan ko ito ng lata sa likod.
"Ang malas mo babae. Sana'y nagtago ka na lang at hindi na nagpakita sa amin.
Pero pabor sa amin ang iyong ginawa sure akong matutuwa ang pinuno oras na dalawang babae ang aming madala," saad ng lalaking tinamaan ko ng lata.
"Sigurado ba kayo na ako ang malas? Hindi kaya kayo iyon?"
Nagtawanan ang tatlong lalaki. "Buddy, kayo na ang bahala sa babaeng iyan. At ako na rito sa isa," utos ng tinamaan ko ng lata sa likod.
Nakita ko agad na papalapit sa akin ang dalawang lalaki. Kaya maliksi kong itinaas ang paa ko sabay ikot sa ere at mabilis na sinipa ang dalawang kalaban ko. Sapol sa sikmura at mukha na kinatumba nila.
"Babae lamang iyan, hindi ninyo kaya!" galit na sabi ng lalaking tinamaan ko sa likuran.
Wala na akong sinayang na oras maliksi akong sumugod papalapit sa lalaking tinamaan ko ng lata at sinalubong ko ito nang lumilipad na paa ko. Isa pang sipa sa p*********i nito na siyang kinapilipit nito sa sakit.
Namataan kong babangon ang dalawa kaya agad kong kinuha ang dala kong kutsilyo sabay sipil sa gilid nito kaya lumabas ang mahabang katana.
"Subukan ninyong bumangon tagpas ang leeg ninyo," pagbabanta ko sa mga ito. Napansin ko rin ang takot sa mga mukha ng mga ito.
Bumaling din ang mga mata ko sa babae. Pansin kong medyo nawala ang takot nito sa mukha.
"Miss, umalis ka na at sana'y sa nangyaring ito sa 'yo ay maging aral na huwag lalabas ng gabi lalo na at babae ka pa naman," turan ko rito.
"Marami pong salamat," saad nito at nagmamadaling umalis sa harap namin.
"Pakawalan muna kami, pangako namin sa 'yo hindi na namin uulitin ang ginawa namin kanina," pakiusap ng lalaki na natamaan ko ng lata na sinipa ko kanina.
"Masyado naman kayong nagmamadali. May ilang katanungan pa naman ako sa inyo. At sana naman ay masagot ninyo agad," nakangisi ko turan sa mga ito.
Lumapit ako sa lalaking tinamaan ko ng lata kanina sabay lagay sa leeg nito ng dulo ng katana kong hawak.
"Maaari ko bang malaman kung sino ang pinuno na iyong sinasabi kanina?"
"W-wala kaming pinuno," nauutal na sagot nito.
"Talaga? Pero kasasabi mo lang kanina, 'di ba? Hindi pa ako bingi kaya narinig kong sinambit mo na may pinuno kayo at doon mo nga dadalhin iyong babae."
"Maniwala ka sa akin, Miss. Wala kaming pinuno," kabadong sagot nito.
"Paano ba 'yan, hindi ako naniniwala sa 'yo. Tingin mo ano'ng gagawin ko sa inyon?" tanong ko ngunit idiniin ko ang dulo ng katana sa balikat nito.
Nakikita ko sa mukha nito na tinitiis ang sa akit dulot nang pagdiin ko ng dulo ng katana sa balikat nito.
Ngunit malikot ang mga mata ko. Nakita ko kasing pasimpleng tumayo ang isang lalaki at tingin ko'y aataki siya sa akin. At nang papalapit na siya sagawi ko'y agad kong itinaas ang paa ko at ubod lakas ko itong sinipa sa leeg. Kaya naman bumagsak itong walang malay.
Tumingin ako sa isang lalaki. "Ikaw, wala ka bang sasabihin sa akin? Kung sino ang pinuno ninyo?" tanong ko.
"T-totoo ang sinabi niya wala kaming pinuno," nauutal rin sabi ng isang lalaki.
"Ganoon ba? Wala rin naman pala akong mapapala sa inyo," saad ko. Kaya mabilis akong lumapit sa lalaking nabato ko ng lata kanina. Walang pasabing pinagsusutok ko ito sa mukha. Isa pang tadyak sa leeg nito dahilan para mawalan ito ng malay.
Lumapit naman ako sa isang lalaki. "Sigurado ka bang wala kang sasabihin sa akin? Mabilis pa naman akong mainip."
"Kapag ba nagsalita ako'y hahayaan muna akong makalayo?"
"Yes. Madali akong kausap, kaya kung gusto mong mabuhay pa ay magsalita ka na para naman matuwa ako sa 'yo," sabi ko rito.
"Jude Lucero, siya ang pinuno namin. Pero ang sabi ng ilang mga kasama namin hindi lang siya ang leader namin at sa aking nalalaman ay tatlo sila. Iyong nga lang ay hindi ko kilala ang dalawa," saad nito.
"Ano'ng pangalan ng grupong kinabibilangan mo?" tanong ko.
"Black Dragon," sagot.
"s**t!" Sambit ko. Napakuyom ang aking kamao sa aking nalaman.
"Na saan ang kanilang hide out?" tanong ko.
"Iyan ang hindi ko alam kasi isang buwan pa lang akong nagtatrabaho sa kanila. Kapag mayroon kaming nakukuhang mga babae at mga bata ay kailangan muna namin tumawag sa kanila. Saka hindi pa ako nakakapasok sa lugar ng Black Dragon."
Magtatanong pa sana ako nang marinig ko ang magkakasunod na putok ng baril. Nakita kong bumagsak ang lalaking kausap.
Hindi na ako nag-isip. Agad kong kinuha ang katawan ng lalaki at ito ang ginawa kong pananggalan upang hindi ako matamaan ng bala ng baril.
"Pawatad," sambit ko sa katawang na wala ng buhay.
Patuloy nila akog binabaril. May nararamdaman din akong awa sa katawan ng lalaki dahil ito ang natatamaan ng bala ng baril. Nang alam kong malapit na sila sa akin ay naghanda ako para sa pag-atake.
Mabilis akong nagpagulong-gulong sa lupa para lang makalapit sa mga ito. Hinanda ko rin ang katanang hawak ko. Wala akong pakialam kung madumihan ang buong katawan ko.
Saktong paglapit ko sa paanan ng mga ito ay agad kong winasiwas patagilid ang hawak kong sandata patungon sa dalawang lalaki na nais akong patayin.
Nagulat ang mga ito sa aking ginawa. Ngunit huli na sapagkat natamaan ko na ang tiyan ng mga ito. Mabilis akong tumayo lalo na at babagsak na ang mga ito sa tapat ko.
Pagkatayo ko'y walang lingon akong naglakad palayo sa lugar.