bc

SILENCE

book_age18+
51.0K
FOLLOW
386.6K
READ
billionaire
spy/agent
dark
family
dominant
drama
genius
nerd
city
secrets
like
intro-logo
Blurb

Ang sabi nila ang pamilya ang tutulong sa 'yo. Sila ang gagabay at magtutuwid sa lahat ng kamalian mo. Ngunit paano kung sila rin ang dahilan kung bakit naging bato ang puso mo. At lumayo nang tuluyan sa kanila dahil sa maling paniniwala nila.

Paano kung dumating ang araw na muli kang bumalik sa iyong pinagmulan. Dahil sa tawag ng tungkulin na hindi mo kayang tanggihan.

Makakaya mo bang harapin ang mga taong hinusgahan ka? Noong mga panahong wala kang boses at 'di mo kayang ipagtangol ang sarili mo sa pamamaliit ng iyong pamilya.

Makakaya mo rin bang harapin ang lalaking una mong minahal? Ngunit isa rin itong sa mga humusga sa 'yo. Sa pagbabalik mo sa iyong bayan. Magkakaroon ka na kaya ng boses? Upang linisin ang pagkatao mo na niyurakan nila.

chap-preview
Free preview
Prologue
SRRedilla Walang humpay sa pag-indak ng katawan ko na sumasabay sa tono nang maharot na tugtugin. Wala akong kapaguran dahil gusto kong maglibang ngayon gabi. Tumigil ang maharot natugtugin. Tumingin ako sa table na kung saan naroroon ang aking kapatid na kasama ang kanyang boyfriend. Sa totoo lang ay ngayon pa lang ako nakapunta sa ganitong bar. Nagpasama lamang ang kakambal ko sa akin. Naglakad ako pabalik sa table namin. At nakita kong sobrang sweet ng dalawang magkasinthan. Naisip ko tuloy ang boyfriend kong si Frank. Nagtataka ako sa lalaking iyon wala man lang ka-sweetan sa katawan. Parang ngang hindi girlfriend ang turing sa akin. Ngunit hindi ko naman kayang makipaghiwalay kay Frank. Sapagkat labis ko itong minamahal. Ang totoo niyan ay walang nangyaring ligawan sa amin, basta na lamang akong hinalikan nito sa labi at sinabi na kami na raw. Sa edad kong disi-otso, ay ngayon lamang ako nagmahal nang labis. Parang 'di ko kayang mawala sa akin si Frank kahit na sabihin pang may pagkapusong bato ito. Tinanggap ko siya nang buong-buo pati na rin ang ugali nito. Ganoon siguro kapag nagmahal ng isang tao. Bumaling ang tingin ko sa aking kapatid. Balak ko nang magpaalam dito tutal naman ay may maghahatid sa kanya pauwi. Hindi ko na rin kasi mapigilan ang antok na sumasapi sa akin. Pumayag naman ang kakambal ko. Mabuti na lang paglabas ko ng bar ay may nakita akong sasakyan. Agad akong sumakay roon at nagpahatid pauwi. Mabilis lang akong nakarating sa bahay namin. Nakapatay na ang lahat ng ilaw kaya nasisiguro kong natutulog na ang aking inay at itay. Hindi kami mayaman at hindi rin masasabing sobrang hirap namin. Dahil ang aking ama ay kapitan dito sa barangay namin at aking ina ay isang guro at dalawa lang kaming magkapatid. Ngunit iba ang tingin sa akin ng ama at ina ko. Masyado raw akong pasaway. Tama naman sila dahil kapag ginusto ko ay ginagawa ko. Hindi rin ako matatawag na matalino dahil puro mga pasang awa lamang ang grades ko. Ano'ng magagawa ko? Kung iyon lang ang kaya ng utak ko. Hindi katulad ng kakambal ko na halos hakutin ang lahat ng award sa school na pinapasukan namin. Kaya naman maganda ang record ng aking kakambal sa aking mga magulang at ganoon din sa mata ng mga tao rito sa barangay namin. Nakapasok ako nang walang kahirap-hirap sa loob ng kwarto namin ni Bally. Nagpalit lamang ako ng damit at agad na nahiga sa kama. Hanggang sa dalawin na ako ng antok. Nagising ako sa ingay ng mga magulang ko kaya bumangon ako upang alamin kung ano ang nangyayari. Bumukas ang pinto at pumasok ang aking ama na madilim ang mukha malalaki ang mga hakbang na lumapit siya akin. Nagulat ako nang bigla akong sampalin ng aking Ama. "Nakakahiya ka, Bell!" sigaw ng aking ama. Nagtataka akong tumingin mukha nito. Hindi ko maintindihan kung ano ang naging kasalanan ko para pagbuhatan ako ng kamay. "Itay, ano pong naging kasalanan ko?" maluha-luhang tanong ko habang hawak ko ang kabilang pisngi ko dahil sa lakas nang sampal ng Itay ko. "Nagtanong ka pa? Wala akong anak na katulad mo at labis kitang kinahihiya, Bell," masakit na salita ni Itay. Pumasok din ang aking ina sa kwarto. Agad na lumapit sa akin at malakas din akong sinampal sa kabilang pisngi ko. "Panoorin mo para malaman mo kung ano ang ikinagagalit namin sa iyo!" galit na sigaw ng inay. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang cellphone upang panoorin ang video na sinasabi ng inay. Nanlalaki ang mata ko nang makita ko ang mukha ko habang nakikipaghalikan sa lalaki. Hindi ko rin makita ang mukha ng lalaki ka sama ko. Baka sadyang hindi pinakita sa video. Tinitigan kong maigi ang mukha ko sa video at ganoon na lamang ang gulat ko, dahil ang kakambal kung si Bally ang nasa vidoe. Mas lalo akong nagulantang na mag-alis na ng damit ang dalawa kaya hindi ko na itinuloy ang panonood. "Inay, sigurado ba kayong ako ang nasa video?" tanong ko. "Bell, hindi naman pwedeng ako ang nasa video, kaya huwag mo ng itanggi na hindi ikaw iyan, dahil sa ating dalaawa ikaw ang pinakapasaway," saad ng kakambal ko na bigla na lamang pumasok dito sa kwarto. Napangnga ako sa mga sinabi ni Bally. Parang gustong kung umiyak ng mga oras na ito. Ano'ng dahilan ng kapatid ko? At ako dinidiin sa kasalanang siya ang may gawa. Lumapit muli sa aking si Inay at walang pasabi akong pinagsasampal. "Kung alam ko lang na puro kahihiyan ang ibibigay mo sa amin sana noong bata ka pa'y pina-ampon na lamang kita, wala kang kwentang anak!" "Inay, tama na po," pag-awat ni Bally sa aking Inay. Ngunit patuloy pa rin hinihila ng Inay ko ang aking buhok. "Kailangan maturuan ng leksiyon ang babaeng ito. Ano na lamang ang sa sabihin ng mga tao rito? Na may anak akong pokpokin!" sigaw ng Inay ko. Ramdam ko ang sakit ng anit ko dahil sa pagkakahila sa buhok ko. Isabay pa ang na natatamo kong kalmot sa kuko ng Inay. Biglang nawala ang kamay ni Inay sa buhok ko, nakita kong hawak-hawak na ni Itay ang aking Ina. "Mag-umpisa ka nang mag empake ng mga damit mo dahil aalis ka na sa bahay na ito," madilim ang mukha na sabi nang aking Itay. Nabigla ako sa pinahayag ni Itay. Hindi rin ako makapagsalita dahil nanginginig sa takot ang buong katawan ko. "Itay, baka naman puwede huwag na nating paalis dito sa bahay si Bell," pakiusap ng kapatid ko sa aking ama. "Ano'ng gusto mong mangyari, Bally? Napatuloy tayong kutyain ng mga tao rito sa lugar natin. Hindi lang tayo ang nakapanood ng video. Alam mo bang halos buong barangay ay nakita ang ginawa ng kapatid mo! Nakakahiya ka!" galit na sigaw ng Itay. Tuluyan nang lumabas ang Inay at Itay ko at ang tanging naiwan lang ay ang kapatid ko, kaya tumingin ako rito. "Ano'ng dahilan mo at ako ang idiniin mo, Bally?" akusa ko rito. Biglang tumungo ang kakambal ko, nakita kung pumatak ang luha niya. "I'm really sorry, Bell. Hindi ko naman kasi akalain na kakalat ang video. Mayroon isang kaibigan ang boyfriend ko na nakahawakan ng cellphone niya at nakita ang video namin ni Hero. Ayaw kong magalit sa akin si Inay at Itay. Please, Bell, huwag mo akong isusumbong hindi ko kayang mabuhay sa ibang lugar kapag pinalayas ako ng Itay. Maawa ka sa akin, Bell," pagmamakaawa ni Bally. "Lumabas ka na ng silid ko, Bally, baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo at makalimutang kong kakambal kita. Hindi ko kailangan ang kapatid na tulad mo na gagawin ang lahat para lang hindi madiin sa kasalanang ikaw mismo ang gumawa. Wala kang kwentang kapatid dahil duwag ka Bally, hindi mo kayang panindigan ang mga ginawa mo, nandamay kapa ng ibang tao!" mariing wika ko. Umiiyak na tumalikod ang aking kakambal. Pinahid ko ang luha kong bumagsak sa aking mga mata. Nag-empake ako ng mga damit ko. Pagkatapos kong mag-empake ay agad akong lumabas ng kwarto. Nakita ko ang pamilya ko na nakaupo sa sofa. "Siguro'y kasya na ang perang ito para sa iyong pag-alis," malamig na wika ng aking Ama. Wala imik na tumalikod ako sa aking pamilya. Hindi ko akalaing mangyayari ang lahat ng ito sa akin. Paglabas ko pa lang ng bahay ay sumalubong sa akin ang mapanuring mga mata ng mga tao sa paligid. "Ooh, My God. Nakakahiya bigay na bigay sa lalaking katalik niya. Ilan na kaya ang nakatikim sa kanyan," dinig kong usapan ng mga tao. "Hi Bell, grabe ang kinis mo pala. Baka puwede ka rin namin matikman," wika ng mga lalaking nadaanan ko. Tumaas lang ang kilay ko sa kanila. Wala akong naramdaman pagkapahiya dahil hindi naman ako ang nasa video na iyon. Naisip kong dumaan muna sa bahay ng boyfriend ko. Pinapasok naman ako ng guard at sinabing nasa loob daw ng kwarto. "Ano'ng ginawa mo rito?" Malamig ang boses ng lalaki ng sabihin iyon. "Gusto lang kitang makausap, honey." "Wala na tayong dapat pag-usapan Bell ngayon ako nagsisi nang labis kung bakit ikaw pa ang napili kong maging girlfriend." "Pero honey, hindi naman ako ang babaeng iyon," wika ko. "Puwede ba Bell, huwag ka ng magsinungaling lalo lang lumalaki ang kasalanan mo sa akin. Umalis ka na sa bahay ko dahil hindi ako nagpapapasok ng maruming babae rito sa bahay ko." Naluha ako sa masasakit na salita ni Frank parang pinaggagayat ang puso ko ng mga oras na ito. Tangka sana akong lapit ang dito ngunit umiwas naman siya. "Umalis ka na Bell. Hindi ako nagpapahawak sa isang maruming babae!" masakit na pahayag ni Frank bago umalis sa harap ko. Lumabas ako ng bahay ni Frank. Dala ko ang sakit dukot ng pagkabigo sa unang pag-ibig. Isabay pa ang pag abandona sa akin ng sarili kung pamilya. Sumabay rin ang malakas na ulan sa aking pag-iyak. Ang tanging dasal ko lang ay gabayan ako sa aking pupuntahan Silence/ The Agent Series 7.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
901.4K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
315.9K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
329.0K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
204.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.6K
bc

Faithfully

read
269.2K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
326.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook