SUNOG

1306 Words
Walang ingay akong pumasok sa aking inuupahan na bahay. Agad na tumuloy ako sa loob ng banyo upang maligo. Sobrang lansa ang aking katawan dahil sa dugo. Hindi naman ako nagtagal sa paliligo. Nais ko na kasing matulong para bukas ay magsimula na naman akong makalakap ng mga ebidensya kailangan namin. Pinatuyo ko lamang ang aking buhok at pagkatapos ay tuluyan nang nahiga sa papag na ang sapin ay karton. Hindi ko ininda ang tigas ng aking hinihigaan. Ang tanging gusto ko lamang ay matulog na. Nagising lang ako na nagkakagulo sa labas ng bahay. Hindi pa sana ako babangon ngunit may pagtataka sa aking isipan. Narinig ko kasing may nag-iiyakan. Kaya naman nagmamadali akong sumilip sa bintana upang alam kung ano ang mga nangyayari. Nanlalaki ang mga mata ko nang bumulaga sa akin ang bahay na nilalamon ng apoy. Tumingin ako sa babaeng umiyak. "Tulungan ninyo ang aking anak! Nasa loob pa siya!" sigaw ng babae. Kaya wala akong sinayang na oras. Kinuha ko ang kumot at dinala ko sa loob ng banyo at pagkatapos ay binasa ko ito. Agad ko ring kinuha ang lubid sa aking bag at nagmamadaling tumakbo patungo sa bahay na nilalamon ng apoy. Pansin kong may mga dumating na bombero. Ngunit hindi ko na sila pwedeng hintayin pa lalo na at mas lumaki pa ang apoy. Walang takot na pumasok ako sa loob ng bahay na nagliliyab sa apoy habang ang katawan ko'y may balot na kumot na basang-basa. Ramdam ko ang init dito sa loob ng bahay. Ngunit kailangan kong makita ang bata. Agad akong umakyat sa hagdan at may nakita naman akong isang silid kaya nagmamadali akong lumapit sa harap ng pinto. "Mommy! Mommy!" narinig kong sigaw ng isang bata na nangmumula sa silid na aking nakita. Kaya agad kong binuksan ang pinto. "Disyos ko po!" sambit ko. Sapagkat nakikita kong nag-aapoy na rin ang buong silid nito, talagang hindi nga ito makakalabas ng kwarto. Binalot ko nang husto ang aking katawan sa basang kumot na aking dala. At pagkatapos ay maliksi akong tumawid sa apoy. Nakita ko pa nga ang pagbagsag ng isang kahoy malapit sa aking tabi. Agad kong kinuha ang bata. Ngunit namataan ko ang bintana. Kaya agad akong lumapit upang sumilip doon. Muli kong ibinaba ang bata at nagmamadali kong kinuha ang lubid na aking dala-dala at itinali ko ito sa nakita kong bakal. Nang alam kong mahigpit na ang pagkakatali ay agad kong binuhat ang bata. Kung 'di ako nagkakamali ay mga tatlong taong gulang pa lamang ito. "Baby, humawak ka sa akin nang mahigpit at bababa na tayo, hinihintay ka na ng mommy," saad ko sa bata. Ramdam kong humigpit ang hawak niya sa akin. Kaya tumungtong ako sa ibabaw ng bintana. Bigla pa nga akong napalingon nang marinig kong nagbabagsakan na ang mga kahoy. Kaya nagmamadali akong bumaba gamit ang lubid. Pag-apak ng mga paa ko sa lupa ay siyang paglaki lalo ng apoy at may narinig pa nga akong pagsabog sa loob. Agad ko ring kinuha ang dala kong kutsilyo upang putulin ang lubid. Sayang naman kong iiwan ko lang ito rito. Muli kong binuhat ang bata at pagkatapos ay humakbang ako patungon sa magulang ng bata na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin sa labis na pag-aalala sa anak niya. Lahat ay napatingin sa akin. May pagtataka sa mga mukha ng mga ito. Peste! Ngayon ko lang naalalang wala akong suot na salamin. Sana lang ay walang makakilala sa akin dito. "Maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin anak, Bally!" bulalas ni Ginang. Labis akong nabigla ng mapagkamalan akong si Bally. Tanging pagtango lamang ang aking ginawa. Kailangan ko nang makaalis dito. Kaya pagkabigay na pagkabigay ng bata sa ina nito ay nagmamadali naman akong humakbang palayo. Mabuti na lamang at walang tao ang nakatambay sa aking daraanan. Kaya naman maliksi akong pumasok sa loob ng tinutuluyan kong bahay. Nais ko pa sanang alamin kung ano'ng pinagmulan ng sunog. Ngunit nag-aalala akong maraming makakita sa akin lalo na at napagkamalang na akong si Bally. Kailangan kong mag doble ingat. Mahirap na at baka may makakilala sa akin dito. Sobra bang sikat ng katapid ko? At pati rito sa bayan ay kilala siya? Pagpasok sa loob ng aking inuupahan ay agad akong pumunta ng banyo upang maligo. Kailangan ko nang maglakad-lakad upang makalakap pa nang mas matibay na ebidensya. Akala namin ay nabuwag na ang grupo ng black dragon iyon pala ay hindi pa. Alam kong malaking sindikato ang aking haharapan. Mukhang malalaking tao ang mga ito. Pagkatapos maligo ay agad akong nagbihis. Muli na naman akong naglagya ng kulay itim sa balat ko. Kinuha ko ang aking salamin sa mata, ganoon din ang maliit na kutsilyo agad ko itong inilagay sa aking likuran. Sana lang ay mayroon akong malakap na ebidensya ngayon araw. Nang makuha ko na ang mga gagamitin ko ay agad akong lumabas, inilock ko muna ang pinto ng bahay na inuupahan ko bago tuluyang maghanap sa mga tao na salot ng lipuna. Sa bayan ako unang magsisimula. Gusto ko ring alamin kung sino nga ba si Jude Lucero. Biglang napakunot ang aking noo nang mamataan ko ang tatlong lalaki at mukhang mayroon silang binubugbog na tao. Kaya naman agad akong lumapit sa mga ito. "Hey! Ano'ng ginagawa ninyo sa kanya?!" sigaw ko sa tatlong lalaki. Mabilis na bumaling sila sa akin. "Huwag kang makialam pangit! At baka ikaw ang samain sa amin!" bulalas ng lalaking kulot ang buhok. Kung 'di ako nagkakamali ay nasa edad bente pa lang ang mga ito. "Baka gusto ninyong tumawag ako ng pulis? Dahil sa pananakit ninyo sa taong walang laban!" Kumunot ang aking noo nang biglang humalakhak ang mga ito sa aking tinuran. Umiiling na lamang ako habang papalapit sa tatlong lalaki. "Mukhang hindi mo pa kami kilala pangit? Saka pansin ko'y mukhang bagong salta ka lang sa lugar na ito, ahh?" saad ng lalaking kulot. Mayamaya pa'y nagmamadaling sumugod sa akin ang lalaking may hikaw sa ilong, habang nakaumang ang mga kamay at balak akong suntukin. Agad ko naman sinalag ang pag-ataki nito. Kaya galit na galit na tumingin siya sa akin. "Ruddy, hayaan mo na iyang pangit na 'yan. Dumadami na ang mga tao na nakatingin sa atin. Kailangan na nating umalis. Saka na lang natin balikan ang babaeng 'yan!" sigaw naman ng lalaking mahaba ang buhok. Bigla rin akong tumingin sa paligid at nakita kong sa amin nakatingin ang mga tao. Agad naman nagsitakbuhan ang tatlong lalaki. Kaya lumapit ako sa lalaking halos hindi makatayo. Duguan din ang mukha nito. "Are you okay? Dadalhin na ba kita sa hospital?" tanong ko sa lalaki. "No, thanks! Ayos lang ako," sagot nito at marahang tumayo. Aalalayan ko sana ito ngunit tinabig lamang ang kamay ko. Kaya hinayaan ko na lamang. Umiiling na lamang ako dahil ito pa ang masungit. Siya na nga ang tinutulungan. Nagagalit siguro dahil ang nagligtas sa kanya ay isang babae lamang. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Tumingin pa nga ako sa kaliwa at kanan ko baka kasi may makita akong kakaiba. Ngunit nagulat ako lalo na ang aking katawan nang may mabangga ako sa aking harapan. Mas lalo akong nabigla nang mahigpit akong hinawakan sa aking beywang upang hindi ako bumagsak sa malamig semento. Nalanghap ko ang pamilyar na pabango na kailanman ay hindi ko malilimutan ang amoy. Kaya dahan-dahan akong tumingala upang makasiguro ako kung tama ang aking hinala. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang bumungad ang mukha ni Frank Acosta. Seryosong nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo. At tila kinakabisado ang aking mukha. "Stkk!" iyong lang ang aking narinig mula sa bibig ng lalaki. Sabay bitaw sa aking beywang at umalis sa aking harapan. Peste! Dahil sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi pwede ito. Wala na siya sa aking puso. Galit lang ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD