Pagbabalik

1233 Words
Tahimik akong nakatingin sa karagatan. Malalim din akong nag-iisip. Hindi ko alam kung ano ang magyayari sa akin oras na makabalik na ako sa lugar na kung saan hinusgahan ako ng sarili kong mga magulang. Siguro'y kailangan kong madaliin ang hawak kong kaso. Ayaw kong magtigil ng matagal sa lugar na iyon. Hindi naglaon ay nakarating ang barkong sinasaktan ko sa Calapan. Nagmamadali akong bumaba ng barko. Naghahanap ako ng masasakyan upang makarating sa lugar kung saan ako isinilang at itinakwil. Parang kailan lang noong umalis ako lugar na ito. Sobrang bilis ng panahon. Hindi naman siguro ako makikilala ng mga tao rito. Lalo at iba ang itsura ko. Medyo pinaitim ko rin ang balat at nakasuot ako ng malaking salamin sa mata, nakalong-sleeve rin ako at mahabang palda. Sobrang laki na pala nang pinagbago sa lugar na ito. Nagbuntonghininga na lamang ako. Sa bayan na lang ako bumaba at doon ko balak na maghanap ng mauupahan. Naglakad-lakad ako baka makakita ako ng room for rent. Laking pasasalamat ko nang mamataan ko na isang karatula na room for rent ang nakasulat. Kaya agad akong lumapit sa isang babae upang magtanong. "Ate, puwede po bang magtanong?" sabi ko agad rito. Bumaling naman sa aking ang babae. "Ano ang iyong itatanong, Miss?" "Itatanong ko po sana kung available pa po ba itong room for rent?" Sabay turo ko sa karatulang nakalagay sa pinto ng isang kwarto. "Ay! Oo available pa iyan. Ikaw ba ang mangungupahan?" "Opo, ako lang mag-isa. Itatanong ko rin po kung magkano ang rent sa isang buwan?" "Apat na libo sa isang buwan hija. 1 month deposit at 1 month advance ang hinihingi ko. Maganda naman ang loob may sariling CR at gripo hindi ka na mahihirapang mag-igib ng tubig," paliwang nito. "Puwede ko po bang makita ang loob, ate?" "Oo naman. Sumunod ka sa aking at ipapakita ko sa 'yo." Pagyaya niya sa akin. Binuksan nito ang pinto ng silid na paupahan. Agad kaming pumasok sa loob. Pansin kong malinis ito at mayroon din papag na pang-isahan lamang ang puwedeng matulog. Tama lang din ang laki ng lababo at ganoon din ang loob ng banyo. Para lang talaga sa iisang tao. "Ano kukuhanin mo ba, hija?" "Sige po, kukunin ko po ang kwartong itong. Saka okay naman po siya para sa akin," anas ko. "Eight thousand ang ibabayad mo sa akin ngayon. Pagdating sa ilaw at tubig ay ikaw pa rin ang magbabayad, hija." "Sige po, ate," saad ko. Agad akong kumuha ng pera sa wallet ko at pagkatapos ay inabot ko rito ang eight thousand. "Tawagin mo na lang akong Ate Medi. Saka maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" tanong niya sa akin. "Hmm! Tasya po aking ang aking pangalan, ate Medi." "Sige Tasya, maiiwan na muna kita rito. Kung may kailangan ka ay tawagin mo na lang ako, nandoon lamang ako sa itaas. Saka mayroon akong isang electric fan na hindi na ginagamit ipapahiram ko muna sa 'yo," anas ni ate Medi. "Marami pong salamat." Tumango lamang ito sa akin at tuluyan nang lumabas. Ibinaba ko ang aking bag sa papag at pagkatapos kinuha ko ang aking dalang kumot at isang unan at basta na lang nahiga. Mabuti na lamang ay may nakalagay na karton. Mamayamg gabi ako mag-iikot sa buong bayan. Kailangan ko munang magpahinga upang may lakas ako mamaya. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang kumatok si Ate Medi. "Tasya! Itong electric fan, oh! Mainit diyan sa loob!" pagtawag nito sa labas ng pinto ng inuupahan kong silid. Nagmamadali ko naman kinuna ang aking salamin sa mata. Lumakad ako patungo sa pinto upang buksan ito. Nakangiting kinuha ko ang electric fan sa babae at agad na nagpasalamat dito. At muli kung sinarado ang pinto. Medyo lumamig sa loob ng silid nang bukas ko ang electric fan. Mamaya na lamang ako maglilinis ng katawan, hindi naman makati ang inilagay kong kaunting pampaitim sa aking mukha. At tuluyan ko na ngang ipinikit ang aking mga mata. Kasarapan ng aking paghihilik nang biglang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Hindi pa sana ako babangon dahil inaantok na pa ako. Ngunit kailangan ko nang kumilos para matapos ko na agad ang misyon ko. Ayaw kong magtagal sa lugar na ito. Nagmamadali akong bumangon upang maligo. Mabuti na lang talaga at may CR itong nakuha kong paupahang bahay. Hindi naman ako nagtagal sa loob. Mabilis akong nagbihis. Kulay black na t-shirt at itim rin na pantalon ang suot ko. Kinuha ko ang aking sombrero ganoon din ang maliit na kutsilyo. Ngunit hindi ito basta-basta patalim lamang dahil ang nasa loob nito'y isang mahabang katana. Agad kong inilagay sa likuran ko ang aking sandata. Kinuha ko rin ang face mask na aking dala. Ang sabi kasi ni boss Zach ay tuwing sasapit ang gabi ay roon lamang na aamaoy masang-sang na amoy. Humakbang ako papalabas ng silid, bago tuluyang umalis ay inilock ko muna ang pinto. Siguro'y maghahanap muna ako ng nakakainan ko kanina pa kasi nagwawala ang mga alaga ko sa aking tiyan. Laking tuwa ko nang mamataan ko ang isang restaurant. Agad akong pumasok doon upang kumain muna. Umikot ang mga mata ko upang maghanap ng bakanteng table. At nang may makita ay malalaki ang hakbang na lumapit ako rito. May lumapit naman kaagad sa aking waiter upang itanong kung ano ang order ko. Hindi naman nagtagal ay dumating din ang mga pagkaing inorder ko. Magana akong kumain nang may biglang umupo sa bakanteng silya. Ngunit hindi ako lumingin kung sino ito. Nagpatuloy lamang ako sa pagkain. Inayos ko rin ang suot kong sombrero upang hindi makita ang aking mukha. "Makiki-share ako ng table, Miss. Wala na kasing ibang mapwestuhan." Biglang napaunat ang aking likod nang marinig ko ang boses na 'yon. Kailan ko ba huling narinig ang tinig na iyon? Noong ipagtabuyan ako sa bahay nito at sinabihan na maruming babae. Naikuyom kong bigla ang aking isang palaf. "Frank Acosta," mahina kong bulong. Hindi ako nagsalita. Patuloy lamang akong kumakain. Kahit ang lumingon dito ay 'di ko ginawa. At nang matapos na ako'y agad akong tumayo at tuloy-tuloy na naglakad. May naisip akong plano sa aking utak. Tamang-tama ang aking gagawin sapagkat wala ang lalaki sa bahay nito. Hindi ako sumakay ng sasakyan papunta sa bahay nito 'di naman kalayuan ang bahay ng lalaki. At nang makarating ako harap ng bahay ni Frank ay umikot ang mga mata ko upang maghanap nang daraanan para makapasok sa loob. Nakita ko ang pader kaya agad akong lumapit dito. Walang takot na umakyat ako roon at tumalon sa lupa na walang ingay. Mukang sobrang lungkot ng bahay ni Frack. Umikot ako sa likod bahay upang maghanap nang madadaanan papasok sa loob. Napangisi ako nang mamatan mo ang isang bintana na bukas. Mabuti na kamang at mababa ito kaya madali ko lamang naakyat ito. Walang kahirap-hirap na nakapasok ako sa loob ng silid. Hindi mo alam kung kaninong kwarto ito. Nakapatay ang ilaw kaya madali akong makakilos. Medyo maliwanag naman ang buwan na tumatagos sa bintanang nakabukas. Lumapit ako sa cabinet at dahan-dahan ko itong binuksan. Baka mayroon akong makita ritong pwedeng maging clue kung na saan ang anak nito. "Sino ka?" Napatigil ako aking paghahalungkot sa loob ng cabinet nang narinig ko ang boses na kilalang-kilala ko. Peste! Hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok nito sa silid. "Huwag kang gagalaw! Sinasabi ko sa 'yo butas ang tagiliran mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD