Same routine kapag first day of class. Magpapakilala sa harapan, ipapaliwanag ang bawat rules ng paaralan, at subject na mga ituturo. Iyon ang alam ko at tama nga ako simula nang ibuka na ni sir ang bibig niya upang ipakilala ang sarili pagkatapos kami na ang sunod.
Tumayo na ako at nagtungo sa harapan nang ako na ang magpapakilala. Isa-isa ko silang tiningnan, they’re all waiting for me. “I’m Silvina Emerald Ramos, Em for short. I love to—“ napatingin na lamang ako sa pintong bumukas. Nasira ang moment ko!
“Oh, there you are!” ani sir. Hindi man lang siya nagalit kahit late na ‘yung student.
Mas lalong nag-init ang ulo ko nang mapansin kung sino ‘yon, hindi ko akalain na magiging kaklase ko siya. Muli ko tuloy nasilayan ang ekspresyon niya lalo na’t napatitig pa siya sa’kin. Inirapan ko na lang siya saka ibinaling na ang tingin sa mga kaklase ko.
“Good morning, sir,”
Walang good sa morning!*
Nang makaupo siya ay ipinagpatuloy ko na ang pagsasalita. “I love to—explore things,” sa dinami-daming pumasok sa isipan ko na dapat sabihin ay ‘yon lamang ang lumabas sa bibig ko!
Inis naman akong bumalik sa upuan. Dahil sa kanya, nawala ako sa sarili. Ang kapal pa ng mukha niyang tumabi sa akin kaya siya na ang sunod na nagpakilala. Hindi siya pumunta sa harapan, tumayo lang siya at nagsimula na. “I’m Rico Dewill Lim,” iyon lang ang sinabi niya at umupo na.
Mukhang kilala na siya ng lahat. Nabasa ko rin sa isipan nila na anak ng may-ari ng school si Rico kaya pala ang yabang, kaya niyang gawin lahat. Well, hindi ako magpapatalo kahit pinagkakaguluhan siya ng mga tao rito.
Wala akong naging problema sa mga kaklase ko dahil mukhang mababait naman, ‘yon din ang nababasa ko sa kanilang isipan. Gusto nga nilang maging kaibigan ako, I just smiled at them. Wala akong plano na makipagkaibigan, all I want is to finish this school year. I have my priorities and befriend with them is not my thing.
Matapos ang maiksing activity para raw mas makilala namin ang isa’t isa ay pina-break time na kami. Isang oras kaya magagawa ko pang ikutin ang school pagtapos ko kumain.
Pagdating ko sa cafeteria ay pumila na ako para bumili ng pagkain. Pinagmasdan ko ang paligid at muli kong nakita si Rico, ang lalaki na ‘yon na hanggang ngayon kinaiinisan ko pa rin. Ayoko nga siyang makita pero itong mga mata ko traydor. Pagkatapos kong bumili ay naghanap na ako ng mauupuan, napa-pwesto tuloy ako sa taas ng cafeteria dahil wala ng bakante sa baba. Okay lang din naman dahil unti lang ang tao rito.
Napaawang na lamang ang labi ko nang umupo siya sa harapan ko, si Rico. Hindi siya nagsalita, nakatuon lamang ang atensyon niya sa pagkain.
“Excuse me? May tao rito, sa iba ka umupo,” sabi ko naman. Ayoko siyang makasama.
“Mind your own business.”
Napahigpit naman ang paghawak ko sa kutsara dahil sa kanyang sinabi, gusto ko pa sanang magsalita ngunit pinili ko na lang tumahimik dahil tama rin naman siya. Hindi niya naman ako pinakialaman so I should do the same.
Tahimik lang kaming kumain, ni-isa walang nagsalita sa amin. Akala ko mag-iingay siya, hindi pala. Napakunot na lamang ang noo ko nang mapansing tapos na siyang kumain pero hindi pa siya umaalis. “Why are you still here?” nagsalita na ako.
“It’s rude to leave you alone while you’re still eating,” sagot niya saka humalukipkip.
“I don’t mind,” tugon ko.
“Well, I want to be here..With you,” sinserong sabi niya.
Dahilan para mabulunan ako at inabutan niya naman ako ng tubig, kinuha ko na ‘to saka ininom. “What?” parang mali yata ang narinig ko ngunit ‘yon din ang lumalabas sa kanyang isipan. He’s being straightforward.
Hindi ko akalain na gano’n siya.
“I want—“ hindi ko na siya pinatapos dahil ‘yon lang din ang lalabas sa kanyang bibig.
“Fine,” nasabi ko na lang, hinayaan ko na siya.
Magiging cycle lang naman ang usapan namin kung pilit ko siyang papaalisin kaya minabuti ko ng ubusin kaagad ang pagkain ko.
Pagkatapos ay tumayo na ako at akmang tatalikuran na siya nang hawakan niya ang braso ko. Muli akong napaharap sa kanya. “What?” ani ko.
“Where are you going?”
“Mag-iikot.”
“Sama ako,” para na siyang bata kung magsalita, gustong-gusto niya talagang sumama. Hindi ko akalain na matapos niya akong murahin at sabihan ng maganda ng palihim sa kanyang isipan ay mag feeling close siya sa’kin.
“Bakit? Wala ka bang mga kaibigan?” tanong ko.
“Meron—“
“Yun naman pala, ‘wag ka ng sumama sa akin,” napabitaw na siya sa braso ko. “Hindi mo kailangan ng taong katulad ko para maging kaibigan mo,” dagdag ko pa at tinalikuran na siya.
Nakita ko rin kung paano nagbago ang ekspresyon niya at ang pagkagulat sa kanyang isipan. Mas gugustuhin kong hindi mapalapit sa taong katulad niya dahil delikado para sa akin.
Sa loob ako ng gusali nag-ikot dahil mainit sa labas. Umakyat ako sa 4th floor kung saan doon makikita ang iba’t ibang club rooms na maaaring salihan. Sumisilip lang ako sa bawat kwartong madadaanan ko, wala namang tao kaya malaya akong nakakatingin. Mayroon silang literature, writer’s, art, dance, singing, music, sports club, at iba pa na p’wede kong salihan. Laganap din sa paaralang ito ang quiz bee kung saan ‘yong mga mananalo ay ilalaban sa iba’t ibang school, nakaka-excite.
Oras na malaman ni mama ang tungkol dito paniguradong isasali niya ako kahit saan, hindi ko nga alam kung kailan ako nakapagpahinga, ‘yong pahinga talaga. Pahinga kung saan makakahinga ako ng maluwag. Nasa isipan ko lang ‘yung mga gusto kong gawin sa buhay na alam kong hindi mangyayari dahil hindi niya ako papayagan.
Sunod kong pinuntahan ang library, naisip kong magbasa na lang. Ayoko pa kasing bumalik sa classroom. Pagpasok ko ay naghanap kaagad ako ng libro na babasahin ko saka umupo sa isang pwesto na malapit sa bintana, a table for two people. Abala lang ako sa aking binabasa nang may umupo na naman sa harapan ko, walang iba kundi siya.
“Rico,” tinawag ko siya habang nakatuon ang mga mata ko sa libro.
“What? I’m just here to read,” tugon niya. Wala pa nga akong sinasabi.
Tuluyan ko na siyang tiningnan at isinara ko ang libro. “What are your intentions?” tanong ko. Sinimulan ko na ring basahin ang isipan niya.
/Kailangan ba talagang may intensyon para kausapin o samahan ka?/ Iyon din ang lumabas sa bibig niya. Walang ibang lumabas sa isipan niya kundi ‘yon lang, he’s honest.
“Well, yeah? ‘yon din naman ang punta mo, ‘di ba?”
“Sorry to burst your bubble, I’m not like that. If I have intentions to you, it will be pure.”
Bahagya naman akong natawa. I mean, he’s right. Wala rin akong ibang nakikitang masama sa kanyang isipan. I hate to say this but he’s nice. Unti-unti na ring nawala ang pagkainis ko sa kanya, masyado akong naging judgmental sa pagkatao niya. Sorry.*
“Okay,” tanging nasabi ko at ibinalik na ang atensyon sa libro. Hindi na rin siya nagsalita.
Mayamaya pa ay tumunog ang bell, pinalabas kami ng librarian dahil magkakaroon daw ng “welcome ceremony” sa auditorium na para lang sa aming high school students dahil bukas pa ang college students. Sabay na kaming nagtungo ni Rico sa auditorium, kahit pinagtitinginan na kami, parehas kaming walang pakialam. Mas gusto ko nga ito dahil sanay na akong mapansin lahat ng tao lalo na’t gano’n ang gustong mangyari ni mama.
Nang makita kami ng adviser ay pinaupo niya na kami sa upuan kung saan doon ang designated area namin. Katabi ko pa rin si Rico, pumwesto ako sa dulo ng upuan para mabilis makalabas.
“Good morning, Louisians!” sabi ng coordinator ng high school nang makaakyat siya sa stage. Nag-ingay naman ang mga kaklase ko at schoolmates.
Ang school na ito ay tinatawag na St. Louis Academy.
Napabuntong-hininga na lamang ako, matagal-tagal pa ‘to. Iba’t ibang perspective na naman ang mababasa ko sa kanilang isipan, mahaba-haba na naman ang speech na sasabihin nila kung saan makikita ko sa kanilang isipan kung gaano sila kinakabahan.
“You can sleep,” narinig kong sabi ni Rico.
“Don’t mind me, Rico,” sagot ko naman.
“I prefer Dewill or Wil. I don’t like Rico, it’s too old for me,” seryoso niya namang sabi, mukhang naiinis siya.
Natawa tuloy ako sa kanyang reaks’yon. “Okay, Dewill,” ani ko.
“As you can see, this ceremony is for all of you who give chance to this school to enhance your knowledge and abilities,” ani ng Principal. Hindi na siya nagpakilala dahil kitang-kita naman ang pangalan niya sa white screen na nasa baba ng stage sa gilid na nagmumula sa projector.
Nagpalakpakan naman ang lahat.
“Let’s all welcome your teachers for this school year,” ito na nga isa-isa na silang nag-akyatan sa stage at saka nagpakilala na rin.
Pagkatapos, binigyan kami ng principal ng speech tungkol sa pagpapalakas ng loob namin para mapabuti ang performance namin dito sa school. Madami talaga silang offer na curricular activities maski sa labas ng school like fieldtrips, camping, at community engagement. Mayaman din talaga ang school na ‘to lalo na’t nagbibigay rin sila ng scholarship. I can say this school is fair enough. Mukhang okay naman pala ang magulang ni Rico since sa kanila ito, ibang school kasi ay pa-pera lang ang nais.
“And now, let’s all welcome!” sa mga oras na ‘to, alam kong isa ako sa tatawagin. Hinanda ko na ang aking sarili. “Our two role models for high school department. Miss, Silvina Emerald Ramos who got a perfect score in entrance exam from section A and Mister, Vincent Luiz Bervara who got 90 percent in entrance exam from section B,” ani ng principal kaya napatayo na ako.
Nagkatinginan pa kami ni Rico. “Congrats,” sabi niya at ngumiti na lang ako.
Tuluyan na akong pinaakyat sa stage pati na rin ang lalaki na makakasama ko. Ngayon ko lang siya nakita. Nagtungo na kaming dalawa sa gitna at bahagya pang nagdikit ang braso namin kaya napalayo ako sa kanya.
Nagpalakpakan naman ang lahat.
Ipinaliwanag pa ng principal kung bakit kami naging role model, nagkatinginan pa kami. Medyo napaiwas ako sa kanyang mga mata, he’s very intimidating. Sayang nga hindi man lang siya napunta sa section ko, nakikita ko kasing matalino rin talaga siya lalo na sa score niya, sadyang 95 ang kinukuhang grade para maging section A ka.
Pagkatapos, inilahad niya na ang kamay sa akin dahil utos na rin ng principal. “Luiz,” pagpapakilala niya pa kahit na kilala ko na siya.
Kinuha ko na ang kamay niya. “Em short for Emerald,” sabi ko naman.
At bumitaw na kami saka muling humarap sa lahat. Nagpalakpakan ulit sila matapos kaming kuhanan ng litrato. Matapos ang eksena ay bumaba na kami.
Nang makabalik ako sa aking upuan ay nakita kong wala na si Rico, napakunot na lamang ang noo ko. Na-bored siguro. Nang makaupo ako ay nagsimula silang kausapin ako, mga kaklase kong tuwang-tuwa sa akin dahil nai-represent ko raw ang section. Walang halong inggit sa kanilang mga mata.
I guess, this is kinda fun. I don’t feel any pressure at all, hindi katulad dati.