bc

Behind those Peculiar Eyes

book_age16+
433
FOLLOW
1.3K
READ
arranged marriage
independent
brave
confident
drama
bxg
highschool
school
slice of life
affair
like
intro-logo
Blurb

[BOOK 2] [PREQUEL]

Muling tunghayan ang kwento ng isang babae na nakakabasa nang isipan ng tao. Siya si Silvina Emerald Ramos, ang babaeng may angking kagandahan lalo na ang kanyang mga mata at kakayahan kung saan hindi limitado, magagamit niya ito sa kahit anong paraan. Ngunit, hindi niya p'wedeng ipagmalaki sa lahat ang sikreto niya at angkan ng pamilya niya.

Maaga siyang namulat sa mundo ng reyalidad sa pamamagitan nang tinuturo ng kanyang Ina na kung saan bantay-sarado siya. Sa bawat araw na lumilipas, napagtanto ni Silvina na mas mabuting maging normal na lang.

Makakamit niya pa kaya ang kalayaan? Kung saan hindi niya na kailangang patunayan ang sarili niya sa mundo. May tao kayang tatanggap at magmamahal sa buong pagkatao niya?

Isa lang naman ang nais ni Silvina kundi ang maramdaman ang tunay na kasiyahan.

---

Credits to the book cover, Inah Armado

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Silvina, always keep in mind that your ability is a secret that no one should know except for us, do you understand?” sabi ni mama habang sinusuklayan ang buhok ko. “Yes, mom,” napatango pa ako habang pinagmamasdan ang aking mga mata sa repleksyon ko sa salamin. “My eyes are so beautiful, right mom?” from the right eye, it was blue like the color of an ocean while my left eye shows the clarity of green like an emerald. “It is, Silvina.” “But, why am I keeping this a secret? My eyes are wonderful, hindi naman nila malalaman na nababasa ko ang isipan ng mga tao. I will keep it a secret,” natigilan naman siya at naramdaman ko ang pagbuntong-hininga niya. Pinaikot niya ang upuan upang paharapin ako sa kanya saka siya lumuhod para makapantay ako. “Anak, monsters are everywhere. We can’t let everyone see your eyes, you must listen to me because it’s for your own good.” “O-okay, mom,” sabi ko at napayakap na sa kanya. “This is our only option for now. Maybe, when that time comes you’ll be able to show the world how wonderful your eyes is.” Noon pa man, palagi nang ipinapaala sa akin ni mama kung gaano kaganda at ka-importante ang mga mata ko at kakayahan na dapat hindi mabunyag dahil ako na lang ang nakakuha nito mula sa angkan nila. Nai-kwento pa sa akin ni mama ang mga nangyari noon sa pamilya niya at kung gaano ako ka-swerte kaya labis ang pag-aalaga nila sa mata ko at kakayahan para sa mga susunod na henerasyon, sa pamamagitan ng genes ko ay maaari kong maipasa ang kulay ng mga mata ko at kakayahan sa magiging anak ko at kung hindi man, maaaring mapunta ito sa magiging apo ko kung saan nangyari na sa pamilya ni mama dahil imbis na siya dapat ang may kakaibang kulay na mga mata na galing kay lola ay ako ang nakakuha non. Nakakulong lang din ako sa bahay no’ng bata ako, si mama lahat ang nagtuturo sa akin na dapat sa paaralan ko natututunan. At the age of 5, I’m starting to learn how to fight. Palagi talagang si mama ang nakakasama ko dahil si papa, minsan lang umuwi dahil sa trabaho. Hindi ko maintindihan kung bakit nagta-trabaho pa siya, eh madami naman kaming pera lalo na ang pamilya ni mama. Wala silang maitatago sa akin dahil alam ko lahat, pasalamat na lang talaga ako na nakuha ko ang kakayahan ni lola pero may pagkakataong gusto ko rin maranasang maging normal. “From now on, you need to know how to fight, walang ibang tutulong sa’yo kundi ang sarili mo lang, Silvina,” sabi pa ni mama habang patuloy ako sa pagsipa sa iba’t ibang anggulo ng kahoy na nasa harapan ko. Hindi naman nagkamali si mama dahil tama siya. Bandang huli, ang sarili ko lang din ang makakatulong sa akin. Hindi siya nagkulang sa pagpapaala sa akin. Natuklasan ko rin na ang mga halimaw na palaging sinasabi ni mama ay ang pumatay kay lola na ayaw niyang mangyari sa akin dahil sa kulay ng mga mata ko at kakayahan. Malaki ring advantage sa akin na makapagbasa ng isipan ng tao dahil maaari kong matuklasan ang totoo nilang hangarin.  At the age of ten, mas namulat ako sa reyalidad na mundo. Sa pamamagitan ng impluwensiya ni mama, madami akong natutunan at mas napatibay ko ang aking kakayahan. Ngunit hindi pa rin ako pinapayagang lumabas, ang mga bata na nakakalabas at nakakapaglaro ay sa bahay ko lang din nagagawa kung saan iba ang laro na nakasanayan ko. Halos lahat ng mga laruan ko ay para sa aking utak at lahat yata ay alam ko ng gawin. Ang magpinta, kumanta, sumayaw, tumugtog ng instrumento, maglaro ng iba’t ibang board games. At makipaglaban na magagamit ko raw balang araw. Kalahati ng buhay ko ay naranasan ko lamang sa loob ng bahay namin. It’s like I’m Rapunzel, the princess who’s locked up in the tower. “Hindi mo pa rin ba papapasukin sa paaralan ang anak natin?” napasilip ako sa pintong nakabukas ng kaunti nang marinig ko ang boses ni papa na kausap si mama. “Not yet, love. May kailangan pa siyang matutunan,” narinig kong tugon ni mama. “You’re pressuring her, hindi robot ang anak natin, Selina.” “This is for her own good, Samuel.” “Matagal ng tapos ang nakaraan ng pamilya mo, love. Hindi mo kailangang matakot para sa anak natin, we’re here to protect her at saka pumayag na nga ako na itago ang mga mata niya, hindi pa ba sapat ‘yon?” Napahawak ako sa aking dibdib, hindi ko alam pero nasasaktan ako sa mga naririnig kong salita na lumalabas kay papa, parang..Parang tama siya. “Hindi normal ang anak natin, Samuel. Alam mo kung gaano kalala ang mga taong nasa labas.” Sa pagkakataong ito, hinihiling ko na dapat normal na lang ako. “It’s all in the past, tumigil ka na, Selina. You should let it go dahil nadadamay ang anak natin.” “Hindi mo na naman ako maintindihan. Palagi kang wala rito kaya wala kang karapatan na sumbatan ako, Samuel.” “Pag-aawayan na naman ba natin ‘to?” ramdam kong nagsisimula nang mainis si papa. “Kaya nga makinig ka na lang sa akin at hayaan mo kami ng anak mo!” tuluyan nang napasigaw si mama. “Our child is not happy, Selina! Hindi mo ba nakikita ‘yon?  Sinasakal mo ang bata!” Hindi ko na nakayanan ang sagutan nila kaya bumalik na ako sa kwarto. At sa halip na matulog, nagtungo ako sa balkonahe para magmuni-muni nang marinig ko ang pagkatok mula sa pinto kaya muli akong pumasok sa loob upang papasukin ang taong ‘yon. Bumungad sa akin si papa na ngayon ko na lang ulit makakausap. Kaagad akong napangiti nang makita siya, niyakap niya ako ng mahigpit. “Hindi ka pa pala tulog, anak. How are you?” tanong niya nang makahiga na ako sa kama. Nabasa ko kasi sa kanyang isipan na papatulugin niya ako. “I’m fine, dad,” sagot ko nang makumutan niya ako. “Really? Anong ginawa mo buong araw?” “Hmm, reading.” “Sobrang talino naman ng anak ko, gusto mo bang mamasyal bukas?” Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko. “Makakalabas na ako, papa?” umaasa na totoo ang sinasabi niya. “Oo naman, anak,” at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Ngunit nakita ko ang katotohanan sa kanyang mga mata, napawi ang pag-asa na namumuo sa aking puso. “You’re lying.” “Oh!” napabuntong-hininga siya nang mapagtantong nabasa ko ang isipan niya. “Anak—“ hindi ko na siya pinatapos. “No need to lie, dad. Alam ko naman na bawal pa talaga ako. Huwag na tayong tumakas bukas, magagalit lang si mama,” at napaiwas ako ng tingin sa kanya. Kahit anong gawin ko, maski si papa wala rin siyang magawa dahil kay mama. Nakikita ko na mas nasusunod si mama, she’s really powerful. Siya na lang dapat ang nakakuha ng kakayahan ko, hindi siguro mangyayari ‘to kung naging normal ang mga mata ko. Muli akong napatingin kay papa nang haplusin niya ang pisngi ko. “Intindihin mo na lang ang ‘yong mommy, anak. Lahat ng ‘to ay para sa kinabukasan mo, you’re more powerful than you think. Magagamit mo rin lahat ng mga itinuro sa’yo ng mommy mo kung saan hindi ka nila magagawang saktan, rerespetuhin ka ng lahat, anak.” Napatango na lamang ako sa kanyang sinabi. “Huwag kang mag-alala, anak,” muling ngumiti sa akin si papa. “Makakamit mo rin ang kasiyahan, unting tiis na lang.” “I hope, dad,” nagsalita na rin ako. Nang matapos ang gabing ‘yon, ang mga salitang binitawan ni papa ay tumatak sa puso’t isipan ko. Ginawa ko ‘yong inspirasyon at sa bawat araw na lumilipas hinayaan ko na lang ang sarili ko na sumunod ng sumunod kay mama hanggang sa dumating na ang araw kung saan makakalabas na ako sa bahay. Totoo ngang nakamit ko ang kasiyahan ngunit pandalian lamang. Napagtanto ko na kahinaan ko ang pag-ibig. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.9K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
40.8K
bc

Game of Love (Buenaventura Series #3)

read
31.3K
bc

TEARS OF LOVE: Amy's Endeavor

read
8.5K
bc

Third Castillion

read
103.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
316.8K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook