“So, how’s your day?” tanong ni mama, we’re currently eating dinner.
Kapag kumakain lang din talaga kami nakakapag-usap. Busy na kasi siya, hindi katulad dati no’ng bata ako na bantay-sarado siya sa akin. Ngayon na 4th year na ako kahit papaano hindi na siya mahigpit sa akin although she always reminds me about “those” things. Kung gusto ko mang tumakas o lumabag sa mga gusto niyang gawin ko o utos niya ay hindi ko magawa, gano’n kataas ang respeto ko sa kanya, well, she’s my mom.
“Kilala na ako sa buong school, pinakilala kami ng principal dahil kami ang mataas no’ng entrance exam,” ani ko.
“Kami? May kasama ka?” tumaas ang isang kilay niya.
“Yeah, he’s from section B, don’t worry,” hindi gusto ni mama na may taong mas magaling sa akin. Palagi niyang sinasabi na dapat ako ang nauuna dahil sa kakayahan kong ‘to.
“Hmm, okay. Always be mindful, hindi natin alam baka maging kalaban mo siya. Ikaw dapat ang mananalo,” heto na naman siya sa mga paalala niya na dapat ganito, gan’yan.
Napatango na lang ako sa sinabi niya. Baka kung saan pa ‘to mapunta, hindi ko na siya sinagot.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto. Gano’n na ang routine ko palagi, kahit malaki ang bahay namin mas gugustuhin ko sa kwarto dahil do’n mag-isa lang ako. Pumasok na ako sa banyo para makapag-half bath, pagkatapos dali-dali akong sumalampak sa kama. Mabuti na lang wala pa kaming klase, isang linggo ay orientation lang.
Hindi pa ako inaantok kaya naisipan kong magbasa muna para dalawin ako ng antok. Kinuha ko na ang novel book ko na nakatago sa drawer na nasa gilid ng kama. Sumandal na ako sa unan ko saka sinimulan ng basahin ang libro.
Mayamaya pa ay may kumatok sa pinto. Napatingin ako ro’n, si mama ang iniluwa nito. Dati, si papa ang pumupunta rito, ngayon si mama na. Hindi ko pa rin matanggap na hanggang alaala na lang si papa.
“Oh, you’re reading, akala ko tulog ka na,” sabi niya at nilapitan na ako.
Muli ko tuloy naalala si papa, no’ng gabing ‘yon. Mga sinabi niya na hindi ko pa rin nakakalimutan. Hindi talaga ako mabilis makalimot lalo na’t kung importante ‘to, thanks to my mom. She trained me a lot.
“Can’t sleep,” tugon ko naman.
Tumabi siya sa akin at hinalikan na ang noo ko. ”Matulog ka na mamaya dahil baka ma-late ka na naman ng gising bukas.”
Tumango ako. “Goodnight, mom.”
“Goodnight, Silvina,” at tumayo na siya.
Bago pa man siya nakalabas sa kwarto ay muli akong nagsalita. “Mom, gusto kong dalawin ulit si papa.”
“Soon,” sagot niya at binuksan na ang pinto saka lumabas na.
Napabuntong-hininga na lamang ako at napatingin sa bintana kung saan nakikita ko ang mga bituin. “I miss you, dad,” bulong ko.
Kinabukasan, hindi ako na-late ng gising. Same routine, si mama pa rin ang naghatid sa akin. At dahil maaga pa muli akong nag-ikot sa school. This time, sa labas naman. Madaming puno ang nakapaligid sa school kaya sariwa ang hangin. Nakaka-relax din habang naglalakad ka.
Napadpad na lamang ako sa soccer field ng school kung saan may mga naglalaro na. Hindi ko naman inaasahan na makikita ko siya, naglalaro rin. Si Rico lang naman na palaging napapansin ng mga mata ko simula nang magtagpo ang landas namin sa hallway. Hindi ko rin maiwasang mamangha sa galaw niya, I think player talaga siya. Gamay niya ito at sa bawat pagsipa niya sa bola ay pumapasok ito sa net.
Tuwang-tuwa naman ang mga kasamahan niya. Magaling talaga siya kaya pinanood ko na lang siya, napaupo na ako sa bleachers na nasa labas ng soccer field kung saan p’wede manood ang mga audience.
Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makita rin ang Luiz na ‘yon. Kakapasok niya lang sa soccer field, sinalubong siya ni Rico. I guess, magkakilala sila.
Muli silang naglaro, parehas silang magaling! I can’t believe this kapag nagsama silang dalawa, para silang magkapatid. I mean, on point ang bawat galaw nila pati na rin ang mga paa nila kapag napupunta ang bola sa kanila. Napansin ko rin na close silang dalawa.
The one is intimidating while the other one is kinda arrogant. Both are cool, very interesting.
Bumalik na lang ako sa classroom nang magta-time na, hinayaan ko na sila ro’n.
Ngayong araw makikilala ang iba’t ibang magiging teacher namin. Unang pumasok ang adviser namin na magtuturo ng Literature. Sumunod ay science teacher namin, babae.
“Good morning, class!”
Tumayo na kami at bumati rin sa kanya. “Good morning, ma’am!”
Nandito na rin si Rico, hindi siya na-late kahit naglaro sila.
Pagkaupo namin ay nagpakilala agad siya at ipinaliwanag ang mga expectations niya sa klase lalo na’t section A kami. Hindi talaga mawawala ang mataas na expectations ng tao sa’yo lalo na kapag matalino ka o kilala ka bilang magaling na mag-aaral.
“Let’s have some diagnostic test, don’t worry this is not recorded. Gusto ko lang malaman kung may enough knowledge na kayo para sa magiging lessons natin,” sabi naman niya at isa-isa na kaming binigyan ng papel na sasagutan. “Naka-shuffle ang mga tanong kaya hindi niyo magagawang mangopya,” dagdag pa niya.
“Grabe naman, ma’am!” reklamo ng isa naming kaklase.
“Awet, walang mangongopya! Lagot kayo kay Lord,” sabi pa ng isa.
Natawa naman ang iba, gano’n din si ma’am.
Nang maibigay na sa akin ang papel ay sinagutan ko na ‘to dahil sinabi na rin ni ma’am na sagutan na agad. Pagkatapos ko ay pinasa ko na, bahagya pang nagulat sa akin si ma’am. Ten items lang naman kasi saka madali pa kaya tapos ko na agad.
“Iba talaga kapag matalino, sana all!”
“Patulong naman, Silvina,” komento pa ng isa.
“Class, quiet na,” singit naman ni ma’am.
Natawa na lamang ako sa kanila.
Pagkatapos magpasa ng lahat ay nagawa pa itong i-check ni ma’am dahil may oras pa naman. “Okay, may dalawang naka-perfect,” sumilay ang ngiti sa labi niya. “The rest ay isa lang ang mali o dalawa,” ani niya.
“Alam ko na kung sino naka-perfect,” narinig ko namang sabi ng isa naming kaklase.
Syempre, ako.* sa isip-isip ko naman.
“Congrats,” ngumiti naman ako nang tingnan ako ni ma’am. “Miss Ramos and Mister Lim,” hindi naman ako nagulat na perfect din si Rico, alam ko namang matalino rin siya, ako lang ‘tong grabe kung husgahan siya no’ng una naming pagkikita. Ngayong hindi na ako naiinis sa kanya, nakikita ko na ang tunay niyang pagkatao.
“Thank you, Ma’am,” tugon ko.
Nagkatinginan naman kami ni Rico. “Well, congrats,” inunahan ko na siya.
“Thanks, congrats din,” ani niya saka tipid na ngumiti.
Bahagya naman akong napaubo nang mapatagal ang pagtitig namin sa isa’t isa, hindi rin ako makapaniwala sa mga nabasa ko sa kanyang isipan. Totoo kaya ‘yon o may problema na ‘tong mga mata ko?
Napailing na lang ako at ibinaling na ang atensyon sa mga kaklase ko. Mabuti na lang nagpaalam na si ma’am para sa susunod na teacher.
Pagkatapos ay dumiretso na ako sa cafeteria, naisipan kong hindi kumain do’n dahil nakita kong balak na naman sumabay sa akin ni Rico, medyo naiilang na ako. Alam ko namang hindi niya sinabi ‘yon pero kasalanan ng mga mata ko! Nababasa ko kaya, duh?
Sometimes, I wonder, paano maging normal tipong wala kang tinatago?
Matapos kong bilhin ang paborito kong sandwich ay nagtungo na ako sa pinakataas na parte ng school, ang rooftop na p’wede rin sa aming mga estudyante. Pagbukas ko ng gate ay napunta kaagad ang atensyon ko sa taong tulog sa bench chair. Dahan-dahan kong isinara ang gate baka magising kasi siya sa tunog.
Kakain lang naman ako, hindi ako manggugulo.
May isa pang bench chair, doon ako pumwesto. Hindi gano’n ka-init dito dahil sa parteng mauupuan ay may bubong. P’wede ngang mag picnic dito, nakakatuwa.
Binuksan ko na ang sandwich bag, nagsimula na akong kumain habang nakatingin sa mga ulap. Tahimik lang ako at pa-minsang sumusulyap sa lalaking tulog, hindi ko siya mamukhaan kasi may nakatakip na tuwalya sa kanyang mukha.
Napasulyap na lang ako sa kanya nang makita ko sa aking peripheral vision na bumangon na siya at nalaglag na ang tuwalya sa mukha niya. What a coincidence* Siya naman ngayon, si Luiz.
“Umm, hi?” sabi ko naman nang magtama ang mga mata namin.
Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya. Ngunit, ang nasa isipan niya. Hindi ko maintindihan, it’s blank. May gano’n ba? O sadyang wala lang siyang iniisip?
“Hi,” malamig na tugon niya. Parang ayaw niya akong kausapin.
“I didn’t mean to wake you up,” muli akong nagsalita kaya napatingin ulit siya sa akin. Siya kasi ‘tong umiiwas, eh. “Kumain lang naman ako rito, sinubukan ko lang since tahimik,” sabi ko pa. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa kanya.
“It’s fine,” sagot niya. Ibinaling niya ulit ang tingin sa harapan. Nakaupo na rin siya ng maayos.
“Thanks,” ang awkward, ah.
Natahimik naman kami. Hindi ko alam pero may kung anong nagsasabi sa akin na kausapin ko siya. I’m curious, lalo na ‘yong nilalaman ng isipan niya.
“You’re from section B, right?” tanong ko. I know, it’s crazy. Kahapon lang kami nagkakilala tapos ganito itatanong ko.
“Nakalimutan mo na? Kahapon tayo nagkakilala sa stage.”
Yeah, he’s really intimidating. Pero nakakangiti naman siya katulad kanina, siguro kapag close niya lang ‘yung tao? Gosh, why am I even doing this? Para akong nag-iimbestiga sa pagkatao niya. Kung si Rico, madali lang kilalanin. Itong si Luiz, mukhang mahihirapan ako.
“Yeah, I know. Wala na kasi akong masabi,” ani ko. I’m being honest here.
“Then, don’t speak.”
“Okay, rude,” napatakip na lamang ako sa’king bibig nang marinig ko ang aking sinabi. Dapat sa isipan ko lang ‘yon!
Napatingin ulit siya sa akin. Now, he’s smirking. What?
“I didn’t mean to—“ natigilan na lang ako nang tumayo siya at nagtungo sa harapan ko.
Nakapamulsa niya akong pinagmasdan. Magsasalita pa sana siya nang may tumawag na sa kanya. Naibaling ko ang tingin sa babae na papalapit na sa amin. “Nandito ka lang pala, Vincent,” ani niya. Napatingin naman siya sa akin. “Oh, Silvina, right? I’m Richy!” at inilahad niya ang kamay sa akin.
May bago na naman akong nakilala. Tumayo na ako at kinuha ang kamay niya. “Yeah,” sabi ko.
“See you later!” sabi niya at hinatak na si Luiz, hindi na ako nakapag-react. Pinagmasdan ko na lang sila hanggang sa makaalis na sila.
At napatingala na lamang ako sa kalangitan saka malalim na napaisip. “Gusto ko ng umuwi,” wala sa sariling nasambit ko at saka napabuntong-hininga.