CHAPTER 1: FIRST MEET

1517 Words
Tuluyan na akong bumangon sa higaan nang marinig ang alarm clock, paulit-ulit na ‘tong tumutunog kaya kinuha ko na ‘to at pinatay dahil naririndi na ang tainga ko hanggang sa nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makita kung anong oras na. Kumaripas ako ng takbo pababa sa hagdan nang mahuli ako sa paggising, bibilisan ko na lang kumain. First day of class bilang fourth year high school. Ayoko namang mahuli lalo na’t bagong paaralan ang papasukan ko. Dapat nga hindi ako lilipat ng school ngunit napaaway na naman ako sa dating school kaya wala akong nagawa kundi ang lumayo. Everytime na napapasama ako sa gulo, lumilipat ako ng school kapag tapos na ang school year. I know for a fact that I can do anything, isa na ang hindi magpaapi. Ngunit, sabi ni mama hangga’t maaari lumayo na lang ako kaya nasa bagong paaralan na naman ako. Humalik muna ako sa pisngi ni mama bago umupo sa upuan at kumain. Inilapag niya ang dyaryo sa lamesa saka ako sinulyapan. “You’re late,” napabuntong-hininga siya. Uminom muna ako ng gatas bago siya sagutin. “I’m sorry, mom. Late na kasi ako natulog kagabi dahil sa pagbabasa,” madaling araw na talaga ako nakatulog dahil tinapos ko pang basahin ang libro namin tungkol sa literature, nag advance reading na kasi ako dahil ‘yon ang gusto niya. Maski math naming subject, ilan sa mga sasagutan do’n ay sinubukan ko ng gawin. Wala akong nilabag sa kahit anong utos ni mama, mabuting anak ako. Nasanay na ako simula no’ng bata pa ako. “That’s good. Bilisan mo na dahil ako na ang maghahatid sa’yo.” Napatango na lang ako at kumain na. Gusto ko sanang mag-isa na lang pero hindi na ako nag-abala pang sabihin sa kanya dahil alam kong hindi naman siya papayag. Si papa na lang sana, mas gugustuhin ko pa na siya ang kasama ko. Ngunit, hindi na p’wede. Pagkatapos kong maligo at nagbihis ay humarap na ako sa salamin para ayusan ang sarili ko, sinimulan ko ng suklayan ang buhok ko nang mapatulala na lang dahil sa mga mata ko. Gustong-gusto kong ipakita sa lahat kung gaano kaganda ang mga mata ko. Pero, sabi nga ni mama hindi pa p’wede. Hinihintay ko na lang araw kung kailan ako magiging malaya. Umaasa pa rin ako. Pagkatapos, bumaba na ako. Nagpaalam muna ako kanila manang bago nagtungo sa garahe kung saan naghihintay na si mama sa loob ng sasakyan. Sumakay na ako at ikinabit ko na ang seat belt. “I’m ready,” nakangiti ko namang sabi. Bahagya namang hinawakan ni mama ang baba ko upang paharapin ako sa kanya saka mapanuri niyang tiningnan ang mga mata ko. Kitang kita ko tuloy ang tumatakbo sa kanyang isipan. “Be confident, Silvina,” paalala niya at binitawan niya na ang baba ko saka pinaandar ang sasakyan. Naka-contact lens na ako, both eyes nilagyan ko. Hindi naman naaapektuhan ang kakayahan ko dahil kahit may takip nababasa ko pa rin ang isipan ng mga tao hindi katulad nila lola. Depende talaga ito kung hanggang saan ang kakayahan namin, may iba’t iba kasing kondisyon ang kakayahan namin na makapagbasa ng isipan ng mga tao. Hindi ko alam ang kabuoang kwento pero nasabi sa akin ni mama na nanggaling talaga sa mga mata namin ang kakayahan na makapagbasa ng isipan ng mga tao at wala ‘to sa kakaibang kulay ng mga mata namin, halimbawa na lang sa great great grandfather ko na hindi naman magkaiba ang kulay ng mga mata pero nakakabasa siya ng isipan ng mga tao, nag-asawa lang siya na kakaiba ang kulay ng mga mata para mas lalo itong mapaganda at masuri kung maaaring makuha o maipasa ang kakayahan at kagandahan ng mga mata sa pamamagitan ng genes nila na nagtagumpay naman. Si lola na pangalawang anak nila na Ina ni mama ang nakakuha ng kakaibang kulay na mga mata, blue at yellow ang sa kanya at nababasa niya lang ang isipan ng mga tao kapag maaraw, pagdating ng gabi ro’n mawawala ang bisa ng kakayahan niya. May kapatid naman si lola na pinaghalong green at yellow ang mga mata, sobrang ganda nang makita ko ang picture niya ngunit hindi niya nakuha ang kakayahan, sinabi pa sa akin ni mama na sa pamilya ni lola magka-kaaway silang magkakapatid at isinusumpa nila ang kakayahang ‘yon. Madami silang pinagdaanan dahil lang sa kanilang mga mata at kakayahan. Kakaiba talaga ang angkan na pinaggalingan ni mama, may iba’t iba silang kakayahan o kagandahan na makikita sa kanilang pagkatao. Habang ako ay nagagamit ko ang aking kakayahan kahit kailan. Kaya si mama, alagang-alaga niya ang mga mata ko dahil ako pa lang ang may kakayahan na gamitin ito sa kahit anong paraan. Sabi pa nga ni papa, I’m special, a powerful being. “Huwag mong kakalimutan lahat ng mga tinuro at sinabi ko sa’yo, Silvina. Kapag alam mong delikado ang tao, lumayo ka na sa kanya,” napatango na lamang ako sa sinabi niya at bumaba na. Nakatatak na lahat ng mga tinuro at sinabi niya sa isipan ko kaya minsan naiinis na lang ako dahil malaki naman na’ko. Alam ko na ang gagawin ko, kaya ko na ngang mag-isa, eh. Taas-noo akong naglakad papasok sa gusali habang ang takong ng sapatos ko ay gumagawa ng ingay dahilan para mapatingin ang mga tao sa akin. I have this aura that reveals confidence and authority, halos lahat ng mga nakakasalubong kong estudyante ay napapatungo at tumatabi para makadaan ako. Ito ang tinuro sa akin ni mama, kailangan kong ipakita sa tao kung gaano ako kaganda at kagaling sa iba’t ibang larangan kahit hindi nila makikita ang tunay na kulay ng mga mata ko. Napatigil na lamang ako sa paglalakad nang mapadpad ang mga paa ko sa harap ng information board. Halos lahat ng estudyante ay nandito upang tingnan kung saang section sila kabilang. “Excuse me,” ani ko para mabigyan nila ako ng space. Napatingin sila sa akin, sumilay na lamang ang ngiti sa labi ko nang umusog sila sa gilid para makita ko ang kabuoan ng board. Ako na lang tuloy ang mag-isa sa harap ng board, hinayaan ko lang sila at kahit may naririnig ako, wala akong pakialam. Sanay na ako sa mga salitang binibitawan nila dahil puro naman ‘to papuri ngunit alam ko na iba ang ipinapahiwatig ng kanilang isipan, iyon ang katotohanan dahil halos lahat ng lumalabas sa bibig nila ay kasinungalingan. Well, my ability helps me a lot. Dahil din sa kakayahan ko, wala ako masyadong naging kaibigan. Oras na makasama ko sila at mabigyan ng tiwala, ro’n ko nakikita ang tunay nilang ugali. Halos lahat sila ay naiinggit dahil sa akin. Hindi ko naman sila masisisi, ganito ako pinalaki ni mama. Natuto ako sa lahat ng bagay. “Hmm, section A,” wala sa sariling nasambit ko. Section A means I’m one of those students who topped the entrance exam.  Sulit lahat ng pinag-aralan ko, hindi na tuloy mawala-wala ang ngiti sa aking labi. Ngayong alam ko na kung saan ako pupunta ay tinalikuran ko na sila at naglakad na patungo sa kabila ng gusali nang makita ko ang mga estudyanteng nagku-kumpulan, hindi ko akalain na kailangan kong makipagsabayan sa kanila para makapunta sa kabila. Napakaingay nila, hindi ko alam kung anong mayroon. Napailing na lamang ako at ginamit ang lakas ko para makadaan, tinutulak ko pa ang ilan kapag mababangga na nila ako o maapakan ang paa ko, hindi ko naman hahayaang saktan nila ako. Napabuntong-hininga na lamang ako nang makalabas na sa mga nagku-kumpulang estudyante, bahagya ko pang inayos ang uniform ko hanggang sa may narinig na lang ako. “Ano ba ‘yan! Epal naman.” “Sino ba ‘yan?” “Bago lang yata, eh.” Hindi ko naman sila pinansin at taas-noo muling naglakad para makalayo na rito dahil nalaman ko na kaya sila nandito dahil lang naman sa isang lalaki na akala mo’y artista pero hindi naman. Nilampasan ko lang ang lalaking pinagkakaguluhan nila, nagtama pa nga ang mga mata namin ngunit wala lang sa akin ‘yon. “What the f**k?” Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya. Nilingon ko siya at laking gulat ko na lang nang makitang nakatingin din siya sa akin. Ako nga talaga ang minura niya. “Anong sabi mo?” “What the f**k,” talagang inulit pa niya. “Minura mo ba ako? Bakit? Ano bang ginawa ko sa’yo?” nanatili ako sa aking kinatatayuan kahit na lumapit siya sa’kin. Hindi naman ako takot sa kanya. “Why? Are you going to punch me?” nakangisi niya ng sabi. Naghahamon ang mga mata niya, kung ano ang nasa isipan niya gano’n lang din ang nalabas sa bibig niya. First day of class, ganito ang mangyayari sa akin? Ang malas ko naman. “Well, if you want. I can do that,” nginisian ko rin siya. Hindi ako magpapatalo sa taong katulad niya na ang alam lang ay magpa-pogi sa mga taong nakapaligid sa kanya. “Hmm, you’re interesting,” magsasalita pa sana ako ngunit natameme na ako nang mabasa muli ang nasa isipan niya. /And beautiful./  “See you around,” dagdag niya pa at tinalikuran na ako. “What was that?” wala sa sariling nasambit ko at napailing na lang. Umalis na rin ako dahil ako na lang ang natira sa hallway. Ngayon ko lang naramdaman ang hiya dahil kapansin-pansin kami kanina. Sana nga hindi kami magka-klase. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD