Malalim ang iniisip ni Ice habang nakatingin sa hagdan. Nag-aagaw ang loob niya kung susundan ba o hindi sa kuwarto si Vivian. Napabuntong-hininga siya at kapagkuwan ay napayuko na lang habang nakakuyom ng mga kamao. Akmang itataas na ni Ice ang isang paa niya paakyat sa hagdan nang marinig niya ang pagkahulan ng mga aso na nasa bakuran. Agad na naging alerto si Ice. Dali-dali niyang kinuha sa drawer ang nakatago roon na kuwarenta y singko na baril at isinuksok sa likuran niya. Pagkatapos ay nagmamadali na tumungo siya sa bakuran para alamin kung sino ang estranghero na kinakahol ng mga aso. Sa bungad pa lang ng pintuan ay natanaw na ni Ice ang isang pamilyar na lalaki kaya agad siyang ngumiti nang ngumiti rin ito sa kaniya. Kahit ilang taon na silang hindi nagkikita nito ay kilalang-ki