Habang hinihintay na matapos maligo si Stephen ay hindi alam ni Vivian na nakaidlip pala siya sandali sa sofa. Nagising na lang ang diwa niya nang maramdaman niyang may masuyong humahaplos sa pisngi niya. "Natulog ka na basa ang buhok mo. Baka sumakit ang ulo mo niyan," komento nito habang hinahaplos pa rin ang pisngi niya na nagdulot na naman sa kaniya ng kakaibang sensasyon. Bahagyang dumaing si Vivian na halatang kagigising lang at saka naghikab pa. Ininat niya ang mga braso bago iminulat ang mga mata at pilit na inaninag ang mukha ng binata.. "S-Stephen... t-tapos ka na pala. Sorry at nakaidlip ako. Hindi na kita nahintay na matapos." "It's okay." Naramdaman niyang tumayo ito sa harapan niya mula sa pagkakaluhod sa sahig para siguro magpantay ang mukha nilang dalawa kanina. "Ang hin