Akala ni Vivian ay mabilis na halik lang ang gagawin sa kaniya ni Stephen. Kaya nga mas nagulat siya nang maramdaman ang paggalaw ng mga labi nito sa ibabaw ng mga labi niya. Sa sobrang pagkabigla ay daig pa ni Vivian ang nagka-first kiss at hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. He just let Stephen kissed her. Para siyang tuod na hindi gumagalaw. O baka tamang sabihin na para siyang naengkanto at nakatulala lang. Nagkaroon lang siya ng reaksiyon nang maramdaman niya ang pagsipsip nito sa ibabang labi niya. Napasinghap ang dalaga, dahilan para magkaroon ng access ang dila nito papasok sa loob ng kaniyang bibig. Pakiramdam ni Vivian ay nalasing siya sa napakabangong hininga ng binata. Langhap na langhap niya ang ginamit nitong menthol toothpaste. Idagdag pa ang paraan ng paghalik nito sa k