"Mauna ka na," wika ni Stephen nang makarating sila sa rest house at nagtanong si Vivian kung sino sa kanilang dalawa ang mauunang magbanlaw sa banyo. "Ladies' first," dagdag pa nito. Mula sa madilim na kinatatayuan nito ilang hakbang mula sa kaniya ay nilingon ni Vivian ang binata. "Pero baka lamigin ka na rin. Mas nauna kang nagbabad sa tubig kaysa sa'kin." "Yeah, right. I'm getting cold. Pero ang tanong, okay lang ba sa'yo na sabay tayong maligo?" he asked in a teasing voice. Napalunok si Vivian. Ramdam niya ang pagragasa ng kaba sa dibdib niya. "M-masiyadong maliit ang banyo para sa dalawang tao." Wala naman siyang narinig na sagot mula rito. Nakarinig lang naman siya ng mga yabag na palapit sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya ang presensiya ni Stephen sa harap niya. Amoy na amoy