Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ang isip ni Vivian na iproseso ang nalaman tungkol sa kaniyang bodyguard. Nakatitig lang siya sa mukha ni Ice habang mataman pa rin na nakatitig din sa kaniya. Kaya pala sa umpisa pa lang ay pamilyar na ito sa kaniya. Kaya pala sa una pa lang ay iba na ang nararamdaman niya rito. Kaya pala sa unang paghaharap pa lang nila ay galit na ito sa kaniya. At kaya pala nasabi nito na matapobre siya... "Are you sure, Kuya? Na si Ice itong bodyguard ko ngayon?" paniniguro pa rin niya sa kapatid. "But he seems different," pabulong iyon at natatakot siya na baka marinig ng binata. "It's a very long story. I think si Ice na ang dapat na magkuwento niyon sa'yo," anang kapatid. "Basta from now on, siya na ang magiging bodyguard mo. And don't be stubborn, little