CHAPTER 26

1316 Words

Natapos ang hapunan nina Vivian at Ice na halos wala silang imikan. Kahit gustong-gusto na niyang sabihin dito na masarap ang mga pagkaing niluto nito ay hindi niya nagawa. Hanggang ngayon kasi ay parang hindi niya kayang paniwalaan na si Ice, Ice baby na nga itong kaharap niya ngayon. Hindi niya maiwasang balikan sa isip kung gaano kasaya ang kabataan nilang apat noon. Lalo na si Vivian. Sobrang natutuwa siya noon kapag nagkikita sila ni Ice. Kahit kasi si Kuya Hendrix ang best friend nito pero siya palagi ang may pasalubong dito kapag pumupunta ito sa kanila. Mas gusto rin ni Ice na silang dalawa ang magkasama palagi o partner sa tuwing naglalaro sila na kailangan ng kapareha. Lagi rin itong nakaalalay sa kaniya sa halos lahat ng oras. Animo'y isa siyang babasaging bagay na kailangang i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD