CHAPTER 3

2427 Words
"Tamang-tama ang dating mo at katatapos ko lang magluto," masayang wika ni Vivian kay Jessica pagkatapos nilang magkumustahan. "Tamang-tama rin dahil gutom na talaga ako, girl." Humawak sa tiyan nito ang kaibigan niya. "Hindi ako makakain kanina kakahanap nitong bahay mo. Tapos ang bigat-bigat pa nitong mga dala ko. Mabuti na lang talaga at madaldal ang driver ng taxi na sinakyan ko kaya hindi ako gaanong nabagot." Pakiyeme itong ngumiti. "At..." Natawa lang si Vivian. "At guwapo, 'di ba?" tukso niya rito na ikina-blush nito. "Hindi ko alam. You know me naman. Bihira ako maguwapuhan sa isang lalaki." "Don't tell me na hanggang ngayon ay NBSB ka pa rin?" Nagkagat-labi si Jessica na parang nahihiya. "Gano'n na nga, girl. Ang hirap hanapin ni Mr. Right, eh." "Seriously?" Pinandilatan niya ito ng mga mata. "O baka naman dahil pihikan ka pa rin until now?" "Hindi ko lang talaga siguro bet ang mga manliligaw ko na parang walang ibang nakikita sa'kin kundi ang katawan ko," kibit-balikat na sagot nito. "Nakaka-turn off ang mga gano'n." Kahit noong high school pa lang talaga sila ay pihikan na si Jessica. Medyo may pagkamanang din ito kung manamit hanggang ngayon. Buti nga at hindi na ito kasing hinhin ng dati na parang hindi makabasag pinggan. Pati pananalita nito ay mahinhin din. Kahit kasi may kaya naman ang pamilya na pinanggalingan ni Jessica ay laking probinsiya ito at palaki pa ng mga tita na puro old maids at mahihigpit pa. Pero noon pa man ay maganda at sexy na talaga ang kaibigan niya. Iyon ang hindi kayang itago ng pagiging manang nito. Kaunting transformation lang at siguradong magagandahan pa siya nito. Lalo na at hindi hamak na mas maganda ang body figure nito kumpara sa kaniya kahit mas maputi siya kaysa rito. Jessica stands five feet and nine inches with a body measurement of thirty-six-twenty three-thirty five inches. Samantalang si Vivian ay thirty-four-twenty five-thirty five inches at may height lang na five feet and seven inches. Pero ni minsan naman ay hindi siya na-insecure sa iba, lalo sa mga kaibigan niya. "Malay mo dito mo na makikita sa Washington ang Mr. Right mo," tukso niya rito. "Katulad ko..." Nangislap ang mga mata ni Vivian nang maalala si Clinton. "Bahala na ang tadhana sa'kin, girl. Hindi naman ako gano'n kapihikan. Basta ba kaya niya akong respetuhin ay okay na sakin 'yon. Lalo pa at ano pa ako..." Kiyeme itong nag-ayos ng buhok. "Alam mo na... virgin pa." Nginitian lang niya si Jessica. Hindi na niya sinabi rito na virgin pa rin naman siya. Baka kasi hindi ito maniwala. Alam mo naman sa Pilipinas. Porke't nakatira ka sa ibang bansa ay liberated na rin ang tingin sa iyo. "Akin na nga pala iyang mga maleta mo at ihahatid ko na sa magiging kuwarto mo," kapagkuwan ay sabi niya rito. "Kung gusto mo ay sumama ka na para makita mo na rin..." "Sige..." pakiyeme na sagot ni Jessica at pinagtulungan nilang dalhin sa second floor ang dalawang travelling bag nito. "Ang laki naman nitong kuwarto ko, girl. Nakakahiya sa'yo." Inilibot ni Jessica ang paningin nito sa buong kuwarto. "Ano ka ba? Parang kasing laki lang naman ito ng kuwarto mo sa Pinas. Natataandaan ko pa 'yon. At saka dalawa lang talaga ang room dito. Sa'kin naman 'yong katabi lang nito." "'Yong dating room ko, malaki. Pero 'yong bagong nilipatan namin, baka wala pa sa kalahati nito," malungkot na saad ng kaibigan niya. Kumunot ang noo ni Vivian. "Lumipat na kayo ng bahay?" Tumango ito. "Bungalow na lang ang bahay namin simula nang mamamatay si Papa. Na-bankrupt ang karamihan sa business niya. You know mo naman si Mama, pareho kaming walang hilig at alam sa pagma-manage ng business. Kaya makipagsapalaran na lang ako dito." Nakaramdam ng simpatiya si Vivian para sa kaibigan. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" "Dahil nahihiya ako. At ayaw kong kaawaan mo ako." Nilapitan niya at niyakap si Jessica. "Don't worry. Tutulungan kitang maghanap ng trabaho. May friend ako dito na may-ari ng isang ospital. Baka need pa nila ng nurse." "Thank you, girl. Nakakahiya man pero i-ga-grab ko na. Sobrang kailangan ko lang talaga at ayokong umuwi sa'min na walang narating. Alam mo naman ang mga tita ko." Nang dahil sa nalaman kaya lalong lumambot ang puso ni Vivian para kay Jessica. Tama pala talaga ang desisyon niya na patirahin muna ito sa bahay niya. "Let's go downstairs. Baka lumamig na iyong inihanda kong pagkain. Mamaya pa kasi darating si Clinton," yakag niya sa kaibigan. "Mamaya na natin ilagay sa cabinet ang mga gamit mo." "Clinton? Sino 'yon?" baling sa kaniya ni Jessica. Tumigil pa talaga ito sa pagsusuklay ng buhok. "'Yong fiance ko na ikinukuwento ko sa'yo dati. Limot mo na?" "Ah okay." Nagkibit lang ito ng balikat. "Graduate ka na nga pala sa pagiging NBSB." Nagtawanan silang dalawa bago lumabas na ng kuwarto. Katatapos lang nilang kumain nang magboluntaryo si Jessica na ito na raw ang magliligpit at maghugas ng mga pinggan na pinagkainan nila. Kahit ayaw ni Vivian ay nagpumilit ito. Iyon na nga lang daw ang magagawa nito bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagpapatira niya rito. Dahil marami naman siyang kailangang tapusin at magsusundo pa siya mamaya kay Clinton kaya pumayag na rin si Vivian. "Nasa office room lang ako, ha?" paalam niya sa kaibigan. "Katukin mo lang ako kapag may kailangan ka. Kung gusto mo naman magpahinga na, umakyat ka na lang sa kuwarto. Feel at home, girl." Nakangiti pa niyang sabi. "Tayo-tayo lang rito kaya 'wag kang mahiya." "Thank you uli nang marami, girl, ha? Sige na. Mag-work ka na. Ako na ang bahala rito." Iniwanan na nga niya sa kusina si Jessica at tumungo na sa opisina niya. Nawala sa isip ni Vivian na naiwan pala niya sa kuwarto ang kaniyang cellphone. Hanggang sa nawili siya sa pagdidisenyo at hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Mag-aalas dos na ng madaling araw nang matapos siya. Noon lang niya naalala na hinihintay nga pala niya ang tawag ni Clinton at baka magpasundo ito. "Sh*t!" Nagmamadali na iniligpit ni Vivian ang mga gamit niya. Nag-alala siya na baka magmaneho nang lasing ang kaniyang nobyo. Ganoon pa naman iyon kapag hindi nasundo. Dali-daIi na lumabas ng kaniyang opisina si Vivian para kuhanin sa kuwarto niya ang cellphone at susi ng kaniyang sasakyan. Para lang magulat nang sa pagdating niya sa sala ay naabutan niya si Jessica na akay-akay si Clinton. Nagtataka na kumunot ang noo ni Vivian. Aktong tatanungin niya ang kaibigan nang biglang sumuka ang nobyo niya at sa dibdib pa mismo ni Jessica. "Hon!" tili ng dalaga at nagmamadaling inalalayan si Clinton palayo kay Jessica. Pinasandal niya ito sa sofa at muntik pa siyang madaganan dahil sa sobrang bigat nito. Pagkatapos ay hiyang-hiya na humingi ng pasensiya sa kaibigan. "Sorry talaga, ha? Ganiyan kasi 'yan kapag nalalasing, eh. Nagsusuka." "It's okay. Sino ba siya?" Napansin ni Vivian na titig na titig si Jessica sa boyfriend niya. "May nag-doorbell Kasi kaya binuksan ko tapos bigla na lang niya akong niyakap at tinawag na 'hon'. Siguro napagkamalan niya ako na ikaw." Kung si Vivian iyon ay hindi siya basta-basta magbubukas ng pinto porke't may nag-doorbell lang. Lalo na kung nasa ibang bahay siya. Gusto sana niya iyong sabihin sa kaibigan. Dahil paano kung masamang loob pala iyon? May door viewer naman, eh. Pero unang araw pa lang naman nito sa bahay niya at sa Pilipinas naman ay hindi uso ang door viewer kaya nanibago pa lang siguro si Jessica. At isa pa, nakakahiya naman kung sesermunan pa niya, eh, nasukahan na nga ni Clinton. Pagsasabihan na lang niya sa susunod na araw. "Pasensiya ka na uli, ha? First night mo dito pero nasukahan ka na agad ni Clinton." Kumuha siya ng wet tissue at ibinigay sa kaibigan. Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ng boyfriend para asikasuhin at siguradong magsusuka uli ito. "Magpalit ka na lang muna. Ako na ang bahala sa kaniya. Mahimasmasan din 'to mamaya kapag napainom ko ng malamig na tubig at napulbuhan ko." "Siya pala si Clinton? Ang fiance mo?" parang wala sa sarili na tanong ni Jessica. Titig na titig na naman ito sa boyfriend niya. Pero dahil abala siya sa pag-aasikaso sa binata kaya hindi na niya iyon napansin. "Oo, siya ang sinasabi ko sa'yo na fiance ko." She looked up at her friend. "Sorry kung ganito ang first meeting n'yo kaya bukas ko na kayo ipakilala sa isa't isa." "Okay lang, ano ka ba?" Kumisap ito at nag-iwas ng tingin nang mapansin niya ang pagtitig nito sa nobyo niya. "Hindi mo naman sinabi sa'kin na dito pala nakatira ang boyfriend mo. Baka makaistorbo ako sa inyo." "Of course not! And besides, hindi siya nakatira dito. Dito lang siya dumidiretso kapag ganitong lasing dahil mas malapit dito ang mga bar na pinupuntahan nilang magkaibigan," she explained. Magsasalita pa sana silang dalawa nang umakto na naman si Clinton na susuka. Dali-daling tumakbo sa kusina si Vivian at kumuha ng palanggana. Samantalang naiwan naman si Jessica. Sa pagbalik niya ay nasa tabi na ito ni Clinton at nakasahod ang suot nitong T-shirt sa harapan ng boyfriend niya at nakasandal naman ang ulo nito sa balikat ng kaibigan niya. Sandali lang natigilan si Vivian sa naabutan. Dahil kaibigan na tumutulong lang ang tingin niya kay Jessica nang mga oras na iyon kaya hindi niya binigyan ng malisya. "Sayang kasi ang sofa kung masukahan lang," paliwanag ni Jessica at aktong tatayo para umalis sa tabi ni Clinton. "Dito ka na. Ako na ang hahawak niyang batya. At saka ipagtitimpla ko rin siya ng kape. Mas okay kasi iyon kumpara sa malamig na tubig." "Pero mas gusto niya ng malamig kapag lasing, eh. He hates coffee." "Trust me. Mas magiginhawaan siya sa kape," giit ni Jessica na pinaniwalaan naman niya dahil nurse ito at mas may maalam sa ganoong mga bagay. Sumuka nga uli si Clinton kaya isinahod ni Jessica ang hawak nitong batya at si Vivian naman ang umalalay sa lalaki habang sumusuka. Wala siyang pakialam kahit natatalsikan na siya ng suka, pati ang mahabang buhok niya. "God, I can't believe it!" kapagkuwan ay bulalas ni Jessica habang nakatingin sa kaniya. "Ang alin? Na nagsusuka ang boyfriend ko?" Jessica shook her head. Nasa mukha pa rin nito ang parang hindi makapaniwala. "Hindi ako makapaniwala na ang prinsesa ng mga Mejica sa Pinas ay nag-aalaga ng boyfriend na lasenggo." She just laughed at her. "Girl, gano'n talaga kapag in love ka sa isang tao. Walang esta-estado sa buhay." "Sabagay, uso na nga ngayon ang agawan, eh. Masunod lang ang itinitibok ng puso," pabirong sagot naman ni Jessica na tinawanan lang nila pareho. "Sige na. Ako na ang magtitimpla ng coffee niya. Hayaan mo lang muna siya na magpahinga diyan," bilin nito sa kaniya. Pumayag na rin si Vivian dahil baka nga totoo na mas mabilis um-okay ang pakiramdam ni Clinton kapag kape ang pinainom. Although ilang beses na itong tumanggi sa tuwing ipinagtitimpla niya. Kahit nga sa umaga ay ayaw nito ng nagkakape. Dahil hindi naman nila kayang buhatin paakyat sa kuwarto niya si Clinton kaya hinayaan na lang nila ito na sa sofa magpahinga. Iyon lang naman talaga ang ginagawa ni Vivian sa tuwing nalalasing ang nobyo. Saka na ito lilipat kapag nahimasmasan na. Minsan ay doon na inaabutan ng umaga. Pero mukhang mas effective nga rito ang kape gaya nang sabi ni Jessica kaya mabilis lang itong nahimasmasan. Mas napasarap pa nga ang tulog ng kaibigan niya. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakikita ni Clinton. Hiyang-hiya ito pagkatapos niyang ikuwento ang mga nangyari. "I'm really sorry, Hon. Napadami lang talaga ang nainom namin dahil ayaw paawat ng mga kaibigan ko." "Sorry din dahil hindi kita nasundo. Nawili kasi ako sa trabaho." Kapagkuwan ay piningot niya ito sa tainga. "Didn't I tell you not to drive when you're drunk? Eh, bakit nag-drive ka pa rin?" "I'm sorry na, please?" Naglalambing na niyakap siya ng nobyo. "Gusto kasi kitang makasama kaya pinilit kong umuwi dito." "Sus, nambola ka pa." Pinisil niya ang dulo ng ilong ni Clinton at pinanggigilan naman nito ang pisngi niya. Hanggang sa mauwi sila sa harutan. Naihiga siya ni Clinton sa sofa at kumubabaw naman ito sa kaniya. Hanggang sa mahuli nito ang leeg niya at iyon naman ang pinanggigilan nitong halikan. Panay naman ang tili ni Vivian dahil nakikiliti siya. Nasa ganong sitwasyon sila nang may tumikhim nang malakas. Si Clinton ang unang tumigil sa ginagawa at natigilan ito nang mapatingin sa gawi ng tumikhim. "Who is she, Hon?" Nang marinig ang nagtatakang tanong ng nobyo ay saka lang siya lumingon. At nang makita si Jessica na nakatayo sa gilid nila ay bumangon siya at bahagyang itinulak si Clinton para makaalis sa ibabaw niya. "Good morning, Jes. Gising ka na pala," bati niya rito. "Sorry kung naistorbo namin ang pagtulog mo. Ang harot kasi nitong boyfriend ko." "Hindi naman. Ako nga ang nahihiya dahil tinanghali ako ng gising," medyo nahihiya nitong sabi at saka tumingin sa nobyo niya. Nang mapansin ni Vivian ang pagtitinginan ng dalawa, lalo na ang pagtataka sa mukha ni Clinton ay kaagad niyang ipinakilala sa isa't isa ang mga ito. "Hon, please meet Jessica. She's my high school best friend. Siya ang ikinukuwento ko sa'yo kanina na sinukahan mo." Natawa muna si Vivian sa naging reaksiyon ni Clinton bago ipinakilala rito ang kaibigan. "Jes, si Clinton nga pala. Ang fiance ko na lasenggo," biro niya. Tumayo si Clinton at nahihiya na naglahad ng kamay sa harapan ni Jessica. "Hi, Jes. Nice meeting you. Sorry for what I did earlier." Tipid na nginitian lang ito ng kaibigan ni Vivian bago tinanggap ang pakikipagkamay. "Nice meeting you, too." "Dito pala muna titira sa'kin si Jessica habang wala pa siyang work, Hon," aniya pagkatapos mag-shake hands ng dalawa. "Pero kung magustuhan niya rito ay okay lang naman kahit may work na siya." "Sana okay lang sa'yo." Kiyemeng ngumiti si Jessica kay Clinton. "Kay Vivian naman ang bahay na ito kaya nasa kaniya ang desisyon kung sino ang gusto niyang patirahin dito." Ngumiti rin si Clinton. "But for me, mas okay nga kung nandito ka. Para may kasama ang girlfriend ko. Lalo na kapag wala ako sa tabi niya para alagaan siya." Kinikilig na napangiti si Vivian sa narinig kaya napatingin siya kay Jessica sa pag-aakalang tuksuhin sila nito. Pero tahimik lang ito at parang walang reaksiyon. O marahil ay naiilang lang ito kay Clinton. Baka tulad pa rin ito ng dati na hindi sanay humarap sa mga lalaki. "Thank you to both of you." Jessica smiled at them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD