Nang ma-settled ni Ice ang problema sa Customs ay dumaan muna siya sa isang payphone booth para gumawa ng importanteng tawag. Isinuot niya ang hood ng kaniyang jacket, at pati na rin ang kaniyang sunglasses. Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago pumasok doon. Nang masigurong walang ibang tao at wala ring ano mang camera na puwede siyang mahagip ay pumasok na siya sa booth at may tinawagan. Wala pang limang segundo ay natawagan na ni Ice ang dapat na tawagan at lumabas na siya roon na halos nakatago pa rin ang mukha. Dumaan muna siya sandali sa grocery store para mamili ng mga kailangan niya. Ilang sandali pa ay bitbit na niya ang mga iyon papasok sa kaniyang condominium unit sa Ortigas. Pagkapasok ay agad na ch-in-eck ni Ice ang mga hidden camera na patagong nakakalat sa paligid n