Sa malawak na bakuran ng mga Mejica ginanap ang party. Kung gaano kalaki ang mansiyon ni Hendrix ay doble niyon ang laki ng bahay ng ama nitong si Herardo Mejica o mas kilala sa tawag na President H. Sa bahay na iyon lumaki ang magkapatid. Minsan na siyang nakarating at nakatulog doon noong mga bata pa lang sila. Pero ngayon na may kaniya-kaniyang buhay na ang dalawa, solo na iyon ng matandang Mejica at tanging mga pinagkakatiwalaan na tauhan na lang ang kasama nito. Paminsan-minsan ay nananatili roon ng ilang araw si Hendrix. Kasama pa kung minsan si Ice. Dahil kahit may hindi man pagkakaunawaan ang mag-ama tungkol sa negosyo, pagdating naman sa pagiging magpamilya ay solid ang dalawa. Lalong-lalo na kapag si Vivian ang pinag-uusapan. Naunang bumaba ng sasakyan si Ice para siguruhin