Dahil hindi mahanap ni Vivian sa ibaba sina Jessica at Clinton kaya umakyat siya sa itaas sa pagbabakasakaling makita ang mga ito roon. Baka parehong nagpapahinga. Si Jessica sa kuwarto nito at si Clinton naman ay sa kuwarto niya. Binigyan na kasi niya ng permiso ang kaniyang nobyo na gumamit ng kuwarto niya kapag nasa bahay niya ito kahit wala siya. Una niyang madadaanan ang kuwarto ng kaibigan kaya kumatok muna siya. Pero nang makitang nakabukas iyon at wala pa ring sumasagot ay pumasok na si Vivian. Subalit hindi pa rin niya natagpuan ito. "Nasaan na kaya ang babaeng iyon?" Lumabas na si Vivian at dumiretso sa kuwarto niya. Pagpasok niya ay wala rin doon si Clinton kaya lalo siyang nagtaka. Hindi maipaliwanag ni Vivian kung bakit bigla siyang kinabahan. Ang lakas ng kabog ng dibdib