Pagpasok pa lang ng grupo nina Lord Hare sa gate ng lumang gusali ay pinaulanan na ito ng mga bala ng mga tauhan ng The Mobster na nakakalat sa paligid. Ngunit hindi naman nagpatalo ang mga ito at bumawi rin. And Kuya Hendrix was right. Walang takot din kung makipaglaban ang mga ito. Bakbakan kung bakbakan. Kahit harapan pa. Kino-cover-an sila ng mga ito para makapasok sa loob. Ngunit mayamaya ay nanlaki ang mga mata ni Vivian nang makita niya sina Jigsaw at Tristan, at halos lahat ng mga tauhan ng Kuya Hendrix niya na kasama ng mga tauhan ni Joaquin Saturno at pinagpababaril sila. "Kuya, bakit nandito sila--" "Ako na ang bahalang humarap sa kanila," maagap na wika ng kapatid niya at pilit siyang itinataboy na sumibat na. "Puntahan mo na sa basement si Ice." "Pero binabaril ka ng mga