"Saan ba talaga tayo pupunta, Kuya Hendrix? At sino ang ililigtas natin?" paulit-paulit na tanong ni Vivian sa kapatid habang lulan sila ng mamahaling sasakyan na bagong-bago at hindi pa nagagamit. Ayon sa kapatid ay sinadya raw nitong bilhin iyon para sa kanilang misyon ngayong gabi. "Kuya, please... 'Wag mo naman akong pakabahin nang ganito. Na-te-tense na ako. Promise. Sasabak ako sa kamatayan na hindi handa." Pag-alis pa lang ng bahay ay tinanong na niya ang kapatid pero hindi ito sumagot. At ngayon na nakalabas na sila ng Maynila ay hindi pa rin ito nagsasalita. Pakiramdam nga ni Vivian ay napapanisan na siya ng laway. Hindi tuloy niya alam kung totoo bang may misyon sila o balak lang nitong patayin siya. Bagaman at sigurado naman siya na hindi iyon kayang gawin ng kapatid. Dahil ku