Mabilis na lumayo si Vivian kay Ice nang makita ang Kuya Hendrix niya. Nagtataka siya kung paano ito nakapasok sa kuwarto ng kanilang ama. Marahil ay nahanap nito ang isa pang susi na itinago ni Daddy Herardo. "Get change," seryosong wika ng kapatid niya. Naglakad ito palapit sa kanila na parang walang nakita. Napalunok si Vivian nang mapatingin kay Ice na tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at seryosong tumingin sa kaniya. Mabuti na lang at iyon lang ang naabutan ni Kuya Hendrix at hindi ang nangyari sa kama sa kanina. "Nasaan na ang pagkain ng Ma'am Vivian mo na pinapadala ko sa'yo rito?" mayamaya ay baling ng kapatid niya sa kasunod nitong si Kathleen. "Ay, magdadala po ba ako ng pagkain, Sir Hendrix? Akala ko po kasi susunod lang ako sa inyo." Napakagat-labi si Kathleen at nahih