CHAPTER 57

3618 Words

Araw ng libing ng ama ni Vivian. Umaga pa lang ay punong-puno na ang kanilang bakuran ng mga bisitang gusto silang samahan sa paghatid kay Daddy Herardo sa huling hantungan nito. Pero umaga pa lang din ay walang patid na sa pagdaloy ang mga luha ng dalaga. Ngayon pa lang ay sobrang nami-miss na niya ang ama. Lalo na siguro kapag hindi na talaga niya ito nakita. "Ssshh. Stop crying..." pagpapatahan sa kaniya ni Kuya Hendrix habang dahan-dahan nang ibinababa sa hukay ang kabaong ni Daddy Herardo. Katatapos lang din nilang maghagis ng pabaon nilang bulaklak. "We will be alright. At siguradong magiging happy na rin si Dad kung saan man siya mapupunta," dagdag pa ng kapatid ni Vivian habang yakap siya. Kahit hindi ito umiiyak, ramdam ng dalaga na katulad niya ay sobrang nalulungkot din ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD