Nakatulog si Vivian sa biyahe habang pabalik sila ng Maynila. Kotse ni Kuya Hendrix ang gamit nila at isa sa mga tauhan naman nito ang nag-drive ng kots ni Ice. Nasa front seat ang dalawa habang nasa backseat naman si Vivian. Ngunit kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng dalawa. Hindi rin siya gaanong kinakausap ng mga ito kaya hinila tuloy siya ng antok. Nagising na lang ang diwa ng dalaga nang maulinigan niya ang boses nina Ice at Kuya Hendrix na nag-uusap. "Katulad nang sinabi ko sa'yo, hindi ko puwedeng iuwi si Vivian sa bahay ko at sa bahay ni Dad. Kaya isama mo na muna siya at ikaw na ang bahala sa kaniya," narinig niyang wika ni Kuya Hendrix na lihim na nagpakunot sa noo ng dalaga. "Walang problema, Boss," sagot naman ni Ice. "Alam mo naman na lahat ay gagawin ko maprotektahan