Ilang araw na rin ang lumipas simula nang mangyri ang insidente sa bundok noon. Dalawang araw lang at inilibing na nina Manang Delia si Stephen, na hanggang ngayon ay hindi matanggap ang kasamahan ng anak. Nagsisisi raw ito na ipinadala pa noon sa ama nito si Stephen. Hindi ito nagalit sa kanila ni Ice. Sa halip ay hiyang-hiya pa ito qat gusto na ngang umalis ng pamilya nito sa poder ng binata. Pero hindi pumayag si Ice. Naniniwala daw kasi ito na walang kinalaman ang pamilya ni Manang Delia sa ginawa ng anak. At ganoon din ang paniniwala ni Vivian. Nasa kulungan naman na sina Jaja at ang lover ni Stephen. Nasa ospital pa rin si Emman pero nagpapagaling na. Mabuti na lang at wala naman palang tinamaan ng bala na maselang parte ng dibdib nito. Lahat sila ay tinanong na nina Ice at Viv