Mabilis na nagmulat ng kaniyang mga mata si Vivian nang dalawin na naman siya ng kaniyang knight in shining armor sa panaginip niya. Matagal-tagal na rin nang huli itong magparamdam sa panaginip niya. Siguro, simula nang aminin niya sa kaniyang sarili na mahal na mahal niya si Ice. O siguro dahil hindi na rin naman na ito nagpakita sa kaniya sa personal kahit noong bumalik na siya rito sa Washington. Baka nakalimutan na siya nito... Hindi man aminin ni Vivian dahil ayaw niyang maging unfaithful kay Ice kahit sa isip lang, pero batid ng dalaga sa kaniyang sarili na nami-miss niya si Stephen. Na hanggang ngayon ay lihim itong hinahanap-hanap ng kaniyang puso. Bagaman at alam niyang unfair iyon para kay Ice. Lalo pa at enganged na sila ngayon. Humugot ng malalim na hininga si Vivian at n