Ipinikit ni Vivian ang kaniyang mga mata habang walang patid sa pagdaloy ang kaniyang mga luha. Halo halo ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. She admit na animo'y may malalim na tinik ang nabunot sa dibdib niya dahil sa kaalaman na kahit kailan ay hindi naman pala niya pinagtaksilan sa isipan niya si Ice. Dahil sa tuwing iniisip at napapanaginipan niya si Stephen ay ito naman pala ang totoong naging laman niyon. Hindi naman pala siya nagkakasala sa nobyo sa tuwing si Stephen ang pinapantasya niya. Pero nagmukha pa rin siyang tanga sa loob ng ilang taon. Pati tuloy ang baklang si Stephen noon ay pinaghinalaan pa niya sa sobrang desperada na niya na makaharap ang totoong Stephen. Parang may pumiga sa puso ni Vivian. Ngunit pilit niyang iwinaksi ang sakit at pilit na binalikan