CHAPTER 75

3307 Words

Pagpasok pa lang ng lahat ng matataas na miyembro ng The Mobster sa conference room ay naramdaman na ni Ice ang tensiyon. Inaasahan na nila na hindi magiging maganda ang pagpupulong na iyon kaya naniguro na sila. Bawat sulok ng conference room ay may nakabantay. At mukhang may kutob na rin ang mga miyembro. Dahil dumating ang mga ito na may kaniya-kaniyang bitbit na bodyguard. "Hendrix, Hijo!" Napalingon si Ice nang marinig ang boses ni Joaquin Saturno na matalik na kaibigan ng yumaong si Herardo Mejica at ninong ng kaniyang boss. Sa lahat ng dumating ay ito lang ang nagpakita ng pagkagiliw kay Hendrix. Ang lahat ay seryoso at mukhang atat nang simulan ang meeting. "Masaya akong makita ka na kasama namin ngayon. Siguradong matutuwa ang ama mo kung nasaan man siya ngayon. You know this

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD