Tanghali na nang magising si Priya mula sa mahimbing niyang pagpapahinga. Wala siyang ideya kung ano'ng oras na ngunit hindi siya natataranta. Sa unang pagkakataon ay hindi siya bumangon kaagad gaya ng madalas niyang ginagawa. Hindi kagaya ng mga araw na para siyang ipo-ipo sa bilis sa tuwing nagigising siya. Inalis niya ang pangamba at takot na nararamdaman niya ngayon na baka mapagalitan na naman siya dahil hindi siya gumising at nagtatrabaho ng umaga. Mabigat ang nararamdaman niya sa kaniyang katawan at nararamdaman niya ang kirot at ang masakit na pakiramdam sa kaniyang ulo. Nakatulong ang mabangong amoy na nalalanghap niya ngayon para kahit papaano ay mawala ang stress niya sa nangyari kagabi. Bawat araw ay nadadagdagan ang mga taong galit sa kaniya at sumusugod sa kaniy