bc

Deep Desire

book_age18+
2.1K
FOLLOW
11.6K
READ
forbidden
possessive
sex
arrogant
dominant
drama
heavy
humiliated
addiction
seductive
like
intro-logo
Blurb

Warning: SPG!!!

Si Priya ay nakulong sa isang kasalanan na hindi niya ginawa. Tinawag siyang kriminal dahil mabigat ang naging ebidensiya sa kaniya.

Isa siyang mabuting Doctor na nagliligtas ng buhay ngunit naging masama sa kaniya ang kapalaran.

Iniligtas niya ang babaeng nakunan at wala siyang kaalam-alam na ang babaeng iyon ay asawa ng pinakamakapangyarihang tao sa Fortiche City. (Not a real place)

Dahil hindi niya naligtas ang buhay ng babaeng iyon kaya pinatawan siya ng parusa.

Nang makalabas siya sa kulungan ay nagtagpo muli ang landas ng dalawa. Hindi nila inaasahan na paglalaruan ulit sila ng tadhana at darating sa punto na iibigin siya ni Alken Fortiche.

Nagpahiwatig ito ng pag-ibig at walang sinayang na oras para manligaw.

Naging mabait ito sa kaniya ngunit natatakot siya na baka pinaghihigantihan lang siya. Kaya kahit na may kakaiba siyang napapansin ay ayaw n'yang bigyan ito ng ibang kahulugan.

May pag-asa pa kaya si Alken sa panliligaw sa dalaga? Gayong hindi naman ito naging mabuti sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Kalayaan... Isang salita na madaling sabihin, pangarap ng lahat pero hindi ito basta-bastang nakakamit at nahahanap lang sa kung saan. Habang nasa apartment si Priya ay wala siyang ibang mapaglibangan. Nalulungkot siyang mag-isa sa lugar na walang kasama pero sa tuwing nakakaramdam siya ng pangungulila sa mga magulang niya ay ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para malibang. Nakatuon ang kaniyang atensiyon sa dahan-dahang pagpasok ng mahabang patpat sa kaniyang bukana na pinapangarap niya at hindi mapigilan ang sariling mapadaing sa sarap. Isang mahinang bayo sa umpisa hanggang sa naging malakas ang ulos na ginawa nito at malapit na sana siyang labasan. Ngunit biglang natigil ang lahat dahil sa isang malakas na katok. Tiniklop niya ang librong binasa niya at kahit gusto niyang tapusin ang kaniyang nasimulan ay wala siyang magawa kundi itabi ito at pagbuksan ng pinto kung sino ang nasa labas. Sa tuwing wala siyang trabaho at masyado na siyang stress ay nagbabasa siya ng mga pocketbooks para pampalipas oras. Tamad siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan dahil ngayon lang ulit siya nakakapagpahinga sa ilang buwan niyang serbisyo sa hospital. Isa siyang Heart surgeon Doctor at masasabi talagang magaling siya at dedicated sa kaniyang trabaho. Kahit na baguhan lamang siya ay mayroon na siyang naging successful operation. Gusto niya ang kaniyang trabaho kahit na nakakapagod. Pero noon pa man ay hindi na niya maalis ang hilig niyang magbasa ng mga pocketbook novels. Hindi pa siya nakakaranas na magkaroon ng nobyo pero sa tuwing nagbabasa siya ng mga ito ay para bang nararanasan na niya. Kaya lang sa tuwing inilalarawan ang mga character sa libro ay mas lalo ring tumataas ang expectation niya sa isang lalaki. Iyong mala-prince charming ang dating at almost perfect na pinapangarap ng lahat. Natatawa na lamang siya minsan kapag naiisip niya ang taas ng hinahanap niyang standard sa isang lalaki. Pero nagbago ang paniniwala niyang iyon noong dalagita pa siya dahil ngayon ay mas matured na siyang mag-isip. Alam na niya ang realidad ng mundo na walang ganoon sa totoong buhay. Pero para sa kaniya ay hindi naman nasayang ang effort niya. Kahit alam niyang hindi totoo ang lahat sa mga nababasa niya. Pero kontento na siyang napapasaya siya ng kathang isip na mga librong nababasa niya. Kahit noong high school pa siya ay tinitipid niya ang kaniyang sarili para makabili ng mga top seller books at mga libro na galing sa paborito niyang mga Author. Nasa magandang part na siya nang binabasa niya ang libro pero kailangan niyang tigilan dahil sa dumisturbo. Nang mabuksan niya ang pintoan ay nagtataka niyang tiningnan ang dalawang lalaking nakatayo sa harap ng kaniyang pintoan. Base sa mga kasuotan nila ay nalaman niya kaagad kung ano ang kanilang mga tungkulin sa syudad. Sila ay mga pulis at ang isa ay may bibtbit na papel sa kaniyang kamay. Kung hindi siya nagkakamali, sa tingin niya ay isa iyong warrent of arrest. Pero ang tanong, para saan ang warrant of arrest? “Magandang umaga po. Kayo po ba si Doctor Priya Mill?” Tumango ako ng may pagtataka sa tanong nila. “Ako nga po. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” magalang kong tanong sa mga opisyales. “Iniimbitahan ka namin sa presento para magpaliwag. Mayroon din kaming warrant of arrest upang patunay," tugon nito sabay abot kay Priya ang papeles na dala bilang patunay na siya ay nagkasala. "Bakit po, Sir? Ano po ang nagawa ko?" “Hinuhuli po namin kayo sa salang pagpatay.” Nang sabihin ng pulis ang sadya nila ay nanlaki ang mga mata ni Priya. “Pagpatay?” nalilito niyang tanong sa mga pulis dahil wala itong alam sa mga pinagsasabi nila. Tinanggap niya ang papeles at tiningnan ang nakalagay sa papel. Nanginginig ang mga kamay kahit na wala naman siyang nagawang kasalanan. Isa nga itong kasulatan na pwede siyang arestuhin sa salang pagpatay. Magsasalita pa sana si Priya para depensahan ang sarili niya nang bigla siyang naunahan ng isang pulis na may bilog na tiyan at ang mukha ay parang inaantok pa. “Kung may reklamo po kayo ngayon ay sa presento na lang po kayo magpaliwag. Ikaw ay may karapatang manahimik at kumuha ng sarili mong abogado. Kung wala kang kakayanang kumuha ng abogado mo ay bibigyan ka ng ating gobyerno,” mahabang salaysay ng pulis. Wala ng nagawa si Priya sa sinabi ng mga pulis dahil kailangan niyang harapin ang akusa sa kaniya. At nang makarating siya sa presento ay bigla siyang natulala nang ilagay siya kaagad sa kulungan ng hindi pa nakakapagpaliwanag. Walang alam si Priya sa pamamalakad sa loob ng presento. Ang alam niya ay dadaan pa siya sa isang imbestigasyon at dadalhin sa detention center. Pero nagkamali siya dahil sa selda kaagad ang bagsak niya. “Sino ang may gawa nito sa akin? Sino ang complainant ko?” Nagsisigaw ako sa loob ng selda pero walang kahit sino man ang gusto akong sagutin. “Wala akong ginawang krimen? Bakit ako nakakulong?” umiiyak niyang tanong pero para silang walang mga puso. Hindi naman sila bingi pero hindi nila siya marinig. Lalong-lalo namang hindi sila bulag pero nila makita si Priya. Hanggang sa napagod na siyang sumigaw dahil kahit na napapaos na siya ay wala pa rin silang pakialam dito. Gulong-gulo ang utak niya ngayon at gusto niya lang na magpahinga para kahit papaano ay makaisip siya ng tamang gagawin. Kinalma niya ang sarili niya para makapag-isip siya ng tama pero kahit na ano'ng subok niya ay wala pa rin siyang maisip. Hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya. Dahil iyon sa pagod at sa kakaiyak niya buong araw hanggang umabot ng gabi. Kahapon ay isa pa siyang Doctor na nirerespito ng lahat ng nakakasalubong niya kahit na hindi naman niya kailangang respituhin ng iba. Pero ngayon ay isa na siyang preso. At mula sa malalim na pagkakahimbing ay bigla na lang siyang nagising ng may biglang sumabunot ng buhok niya. Sa lakas nang paghatak ng buhok niya ay para ng matatanggal ang anit niya. Nanlaki ang mga mata niya nang tingnan niya ito dahil nanlilisik ang mga mata nito. Napapalibutan rin siya ng mga kasama nito habang nakangisi. Tuwang-tuwa sila at halatang nagpupugay ang mga mata nila dahil natutuwa silang nasasaktan si Priya ngayon sa kaniyang sitwasyon. “Ano’ng ginagawa niyo?” nanginginig niyang tanong dahil sa takot na ipahamak siya. Tumawa ito na para bang sa panaginip niya lang nakikita ang mga ngisi at tawa ng mga ito. Nakakapanindig balahibo pero hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi nila. “Ikaw pala ang Doctor na si Priya Mill. Sabi nga nila magaling ka kahit na baguhan ka lang. Pwes, pagalingin mo ang sarili mo pagkatapos nito!” Sinampal siya nito nang malakas sa kaniyang mukha at para siyang mawawalan ng malay. Pero tinapangan niya ang sarili niya dahil gusto niya pang mabuhay. Napadaing ito nang bigla na lang siyang sinipa sa puson at hindi pa ito nakontento dahil sinampal siya ng ubod nang lakas Gusto niyang makawala sa mahigpit na hawak nito sa kaniyang buhok. Pero kahit na ano pa man ang gawin niyang laban ay wala siyang magagawa. Hindi siya makakatakas dahil mahuhuli at mahuhuli pa rin siya. Habang iniiwas niya ang kaniyang mukha ay mas lalo lamang itong naging agresibo sa pananakit. "Ayaw mong patamaan kita sa mukha? Sige gagawin ko na lang baldado ang mga kamay mo. Tutal naman ay hindi na ito mahalaga sa iyo ngayon!" Umiling ako at nagmamakaawa pero tinawanan lang nila ako. Mas lalo lamang nagalit ang babaeng lider ng selda dahil sa kaniya kaya mas dumami ang hampas nito at suntok sa kaniyang katawan. Napadaing siya sa sakit pero parang hindi ito nakokontento. Pinagtulungan nilang lahat si Priya at mahigpit ang hawak nila sa kaniyang mga kamay at paa para hindi ito makawala. Malakas ang hiyaw niya dahil sa sakit pero parang walang kahit sino’ng tao man ang nakakarinig sa kaniyang sigaw. Dinadaanan lang siya ng warden at hindi man lang naglakas loob na sawayin ang gumawa nito sa kaniya. “Bakit niyo ba ito ginagawa sa akin? Ano ba ang kasalanan ko sa inyo?” tanong nito sa kanila at nagmamakaawa na tumigil na sila sa pananakit. Pero sa tuwing nagsusumamo siya upang tigilan siya ay mas lalo lamang silang ginaganahang saktan at pahirapan siya. “Nagbibiro ba ‘to?!” tanong ng babaeng lider sa selda habang dinuduro siya. “Hindi niya alam ang kasalanan niya?” nang-iinsulto nitong tanong. Nagtawanan ang mga tao sa paligid at bigla na namang hinaklit ulit ang buhok ni Priya. Malapit na malapit ang mukha nito sa kaniya at para na itong kumakain ng taong buhay. “Isang Doctor na mamatay tao! Ang dapat sa ‘yo ay pinuputulan ng mga daliri!” “Wala akong alam sa mga pinagsasabi niyo. Hindi ako mamatay tao at wala akong ginagawang masama!” natataranta niyang sagot nang bigla siyang pinagtulungan upang ilagay ang mga kamay niya sa sahig. Isa-isa nilang inapakan ang kamay niya at pinitpit hanggang sa tumunog ang mga buto sa kaniyang daliri. Alam niyang nabalian ito ng mga buto at rinig na rinig niya ang pag-crack nito. Sobrang sakit at hindi niya napigilan ang pagsigaw nang malakas. Hindi nila tinigilan ni Priya hanggang sa hindi sila nagsawa. Halos maubos na ang dugo ni Priya ng gabing iyon pero wala silang awa. Para silang naglalaro lang ng hayop dahil isa-isa nilang tinanggal ang mga kuko niya. Sa labis na panggugulpi nila sa dalaga ay lumabas ang mga dugo nito sa bibig, ilong at mga tenga. Kaya para kay Priya iyon ang pinakamasalamuot na nangyari sa buhay niya. Isang pangyayari na kahit kailan ay hindi niya makakalimutan sa parte ng kaniyang nakaraan. Ang Fortiche City ay lugar kung saan akala ni Priya ay magkakaroon siya ng kalayaan. Malayo sa mga magulang niya sa Leonardes City na walang ginawa kundi ang pakialam ang buhay niya. Mag-isa lang siya sa inuupahan niyang apartment at ilang buwan pa lang siyang nagtatrabaho sa isang sikat na hospital sa Fortiche City. At dahil maganda ang record niya sa Leonardes Hospital ay kaagad siyang nabigyan ng pagkakataon sa bago niyang pinapasukan. Nakatulong din iyon sa kaniyang pinagtatrabahuan kaya naging madali sa kaniyang nakapasok sa hospital na in-apply-yan. Ang hospital na pinagtatrabahuan niya ay isang pinakasikat na hospital sa Fortiche City na kahit mayaman ay hindi makakapag-confine. Maliban na lang kung sobrang mayaman na ang mga pasyente at ito ay nasa VIP's list.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook