Dinala ni Alken si Priya sa guest room na ilang hakbang lang ang layo mula sa master bedroom niya. Ang bigat ng pakiramdam niya ngayon habang binubuhat si Priya. Naguguluhan siya kung bakit niya ito binubuhat ngayon? Kanina ay kusa na lang siyang humakbang at binuhat si Priya ng hindi nag-aalangan. Ang kasalukuyan niyang nararamdaman ngayon ay pagiging kampanti dahil nailayo niya si Priya kay Kathy at bukod doon ay buhat-buhat niya ito ngayon. Maililigtas niya si Priya kung nasa kaniya ito. Ngunit hindi niya mapigilan ang sakit sa puso. Ilang beses na niyang tinanong ang sarili niya kung bakit ang sakit-sakit pa rin kahit ang tagal na? Sa tuwing naghihiganti siya ay parang may kulang pa rin ang lahat. Hindi napunan ng paghihiganti niya ang kasiyahan na gusto niyang makamit