"Hindi ako bayarang babae!" galit na asik ni Priya sa bisita at wala siyang pakialam kahit na saktan siya ni Alken mamaya dahil sa inasal niya. Hindi siya papayag na hayaan lang na bastusin siya nang ganoon-ganoon lang ng kahit sino at kahit bisita pa ito ni Alken. Wala ng ibang magtatanggol sa sarili niya kundi siya lang. Lalong-lalo na kung tungkol ito sa dignidad ng p********e niya. Iyon na lang ang meron siya at wala ng ibang natitira sa kaniya kundi ang kaniyang sarili at puri. Nagpupuyos sa galit na bumalik si Priya sa kusina dahil pinaalis siya ni Alken. Lalo lang siyang nainis dahil pakiramdam niya ay mas kinakampihan ni Alken ang bisita niya kahit alam naman niyang mali naman talaga ito. Pero sino ba naman siya para pangaralan ang amo niya? Kaya pinilit na lang niy