Napabuntong hininga na lamang si Priya dahil sa tingin niya ay para siyang tanga.
Iyon ang naging definition niya sa kaniyang sarili dahil pumayag siya na tumira sa pamamahay ni Alken Fortiche kahit alam naman niyang matindi ang galit sa kaniya ng binata.
Hindi biro ang galit nito sa kaniya pero wala na rin siyang ibang mapupuntahan.
Anumang oras ay pwede siyang umalis dahil hindi naman siya nito kinukulong.
Malaya siyang makakalabas sa mansyon nito ng walang pipigil sa kaniya.
Naisip ni Priya na kahit makaalis man siya sa puder ni Alken ay magagawa pa rin nito ang gusto niya dahil kaya siya nitong hanapin kahit saang lupalop man ng mundo.
Hindi rin siya makakaalis dahil wala siyang kapera-pera sa bulsa.
Dinaig pa yata siya ng mga ligaw na daga sa kalsada.
Mabuti pa ang mga ito dahil nakakain sila kahit na hindi kailangan na kumayod ng husto.
Ngayon niya napagtanto na mas swerte nga pala talaga ang mga hayop kaysa sa mga tao.
Sa pagkakataong ito ay kailangan niyang maging matatag para sa sarili niya.
Naniniwala siya na malalampasan niya ang lahat ng mga pinagdadaanan niya ngayon sa buhay.
Sa ngayon ay pansamantala na muna siyang nandito sa bahay ni Alken hangga't hindi pa naman siya pinapalayas nito.
Pero mukha namang wala naman itong balak na palayasin siya dahil nagsisimula pa lang itong matuwa sa kaniyang presensiya.
Ngayon ay may mga bisita siyang mga kaibigan at nagkakatuwaan sila.
Nandito sila ngayon lahat sa malawak na sala at hindi alam ni Priya kung ano ang meron at ano ang okasyon.
Pero halatang masaya ang lahat maliban kay Alken na paminsan-minsan niyang nasusulyapan.
Isa siya sa mga tagapagsilbi ng kanilang inumin, ng mga pagkain at pulutan na kailangan nila.
At hindi inaasahan ni Priya na paglalaruan siya ng tadhana.
May nakita siyang lalaki na nambastos sa kaniya noon sa isang party na dinaluhan niya.
Kinabahan si Priya na baka makilala siya nito. Kaya nagpanggap siya na parang wala lang kahit ang totoo ay natatakot siya na baka hilingin nito kay Alken na kunin ang kaniyang p********e gaya ng gusto nitong mangyari noon.
Matagal na itong may gusto sa kaniya at alam ni Priya kung gaano ito nagnanasa sa kaniyang katawan.
Tahimik na nakatingin ngayon sa kaniya ang lalaking bisita ni Alken.
Kakaiba ang mga titig nito kaya pinagdarasal niya na sana ay hindi siya nito mamukhaan.
Malaki na ang pinagbago ng katawan niya simula nang makalabas siya sa kulungan.
Hindi na siya gaya ng dati na makinis at malambot ang balat.
Magaspang na ang kaniyang mga palad at napuno ng pasa ang kaniyang mga braso.
Ang iba namang parte ng katawan niya ay mayroon pa ring peklat na nahahalata tanda ng pagpapahirap sa kaniya ng mga kasamahan niya sa kulungan.
Naiilang siya sa tingin ng lalaki at nang tingnan niya si Alken ay nakatingin din ito sa kaniya ng masama.
Para bang pinagbantaan siya sa mga titig nito na bawal siyang lumandi.
Naiinis siya dahil sa pinaparamdam ng binatang Fortiche dahil wala naman siyang ginagawang masama.
Kung tutuusin para kay Priya ay siya itong dehado sa sitwasyon.
Kahit kasi ayaw sabihin ni Alken kung ano ang gusto niyang sabihin ay sapat na ang mga titig nito para maintindihan niya ang lahat.
Nang akma na siyang aalis pabalik ng kusina upang kumuha sana ng ibang pulutan nila ay bigla na lang siyang napatigil sa kaniyang paghakbang ng may magsalita.
Kinabahan siya dahil ang lalaking nagtanong ay ang lalaking iniiwasan niya ngayon.
"Hindi ba Doctor ka?" tanong nito kay Priya dahilan kung bakit siya napalingon muli.
Sasagot na sana siya sa tanong nito pero bigla itong nagpatuloy sa pagsasalita kaya hindi na nabigyan ng pagkakataon si Priya na magsalita at magpaliwanag..
"Dati!" may diin nitong sabi kasabay nang pagngisi niya sa nakakapang-insulto na paraan. "Dati kang Doctor," ulit nitong turan.
Kinuha ng lalaking bisita ang baso niyanna nasa ibabaw ng mesa na mayroong lamang alak at sinimsim ito ng hindi tinatanggal ang tingin niya sa dalaga.
"Kanina ko pa iniisip kung sino ka ba? And finally I remember you now!"
"Kilala mo ba siya Miguel?" tanong ng katabi niyang babae na kung hindi nagkakamali si Priya ay girlfriend nito ng lalaking nagngangalang Miguel.
"Not totally. Pero siya iyong mayabang na babae na pinagalitan ako noon kahit na gusto ko lang naman siyang pasayahin," natatawa nitong anas.
"You said she used to be a Doctor. But how come she's just a maid now?" nagtatakang tanong ng babae na mukhang wala ring ideya kung ano ang pagkatao niya at nangyari sa buhay niya.
Halatang wala itong muwang kung sino si Priya Mill.
"Hindi na ako 'to. Hindi na ako ang Doctor na kilala mo. Ang dami ng nagbago sa akin at binago na ako ng panahon at karanasan ko sa buhay. Kung wala ka ng sasabihin aalis na po ako," pormal na paalam ni Priya sa binata.
"Bakit naman ganiyan ka makipag-usap sa mga bisita ng amo mo? Hindi ba kabastusan itong ginagawa mo sa akin?" sunod-sunod niyang tanong at may diin pa ang bawat pagkakasabi.
Halatang gusto lang siya nitong gantihan dahil sa ginawa niya noon sa binata.
"Sa tingin ko ay hindi mo na kailangan marinig ang kwento ng buhay ko. Sa palagay ko mukhang alam mo naman yata lahat," kalmado niyang tugon at alam niya na naiinis niya ang binata.
"Ang yabang mo pa rin kahit isa ka na lang katulong," ani nito na halatang naaasar na kay Priya.
"Honey, hayaan mo na lang siya," saway sa kaniya ng nobya niya sabay hawak sa kaniyang braso. Nilalambing niya ang binata sa pamamagitan nang haplos niya. "Syempre nakulong siya ng matagal 'di ba? Kaya asahan na lang natin ang magsapang niyang ugali. Ganiyan talaga ang mga ex-convict," sabat naman ng nobya niya na parang bruha kong makapagsalita.
Talagang gusto niya pang ipagsigawan sa buong mundo kung ano siyang klaseng tao.
Pero ang binata ay parang walang pakialam sa sinabi ng girlfriend.
Base sa kaniyang mukha ay wala siyang plano na tigilan sa pang-aasar niya kay Priya.
Gusto ni Miguel na insultuhin ang pagkatao ni Priya para maramdaman nito ang naramdaman niya noong pagkapahiya dahil tinanggihan siya ng dalaga sa harap pa mismo ng mga kaibigan niya.
Wala pang sino mang babae ang tumanggi sa kaniya gaya ng ginawa ng babae.
At ang mas kinaiinisan ni Miguel ay nagkataon pang nandoon ang kaniyang mga barkada.
"Ano kaya kung uupahan kita ng isang gabi? Babayaran kita ng malaking halaga. Mas malaki pa sa isang buwan mong sahod dito," nakangisi niyang alok kay Priya at wala siyang ideya na para ng hindi makahinga si Priya sa naging alok niya.
Sabay-sabay namang nagtawanan ang mga barkada niya maliban kay Alken ang babaeng katabi ni Miguel.