Chapter 11

1172 Words
"Is my touch angering you?" He whispered and Priya felt that something big was going to happen. Malakas ang pakiramdam niya sa ganitong mga bagay at natatakot siya na baka samantalahin ni Alken ang kahinaan niya bilang babae. Hindi malabong mangyari ang naiisip niya dahil sila lang ngayong dalawa. Hinaplos ni Alken ang pisngi ni Priya gamit ang mga daliri nito matapos siya nitong sampalin sa kaniyang mukha. Habang ang isa naman nitong kamay ay nakatukod sa gilid ng mukha niya at hindi niya magawang makaalis dahil naikulong na siya ni Alken sa pader. Nanginginig ang magkabila niyang mga tuhod at maging ang buo niyang kalamnan. Parang kumbinasyon ng pagkabalisa, pangamba, takot nang sabay-sabay. Ang kaniyang mga palad ay pawisan kahit na wala naman siyang ginagawa. Ang t***k ng kaniyang puso ay mainggay sa kaniyang pandinig. Alam niyang kinakabahan siya ngunit hindi niya akalain na ganito ang eksaktong mararamdaman niya. Nagdudulot ng pangamba at takot na humantong na ngayon sa nerbiyos. "Look at me, Priya Mill!" mando ni Alken Fortiche kay Priya at pinilit pa nito ang dalaga na harapin siya. Masyadong matigas ang boses ni Alken Fortiche at kung makautos ay parang pagmamay-ari niya si Priya. Umiwas si Priya na magkatagpo ang mga mata nila pero hinawakan ni Alken ang baba niya upang iharap ito sa kaniya. Magaspang ang kaniyang mga kilos at hindi na nakakatuwa. Nagtama ang kanilang mga mata at na nagawa ng binatang Fortiche na pasukin ang takot sa kaibuturan ni Priya. Priya feels the blood rushing away from her face and her heart speeds up furiously. Galit na galit ang puso niya sa mga oras na ito pero wala siyang magawa para sa kaniyang sarili. She feels useless. Sapagkat wala siyang kapangyarihan at kakayahan na ipagtanggol ang sarili niya. Ginawang impyerno ni Alken ang buhay ni Priya sa kulungan at hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang tigilan. Mas nagiging malupit siya ngayon dahil umabot na nga ito sa punto na siya na mismo ang nanakit ng pisikal kay Priya. Dumoble ang bilis ng t***k ng puso niya at para itong natuod ng ilapit ni Alken ang mukha sa kaniyang leeg. Nararamdaman niya ang mainit na hininga ni Alken at hindi niya gusto ang pakiramdam. Nakaramdam siya ng pandidiri sa binata kaya tinulak niya ito ng buong pwersa. Ngunit mas malakas si Alken sa kaniya kaya wala rin siyang napala. Nakitaan ni Priya ng konting gulat sa reaksyon ng mukha ni Alken pero kaagad ding nawala. Mas nangingibabaw ang hamon at pagkamangha sa nararamdaman ngayon ni Alken dahil wala pang kahit ni isang tao ang naglakas loob na labanan siya ng ganito. Siya si Alken Fortiche at siya ang batas sa buong Fortiche City. "Scared?" "Bakit naman ako matatakot sa 'yo? Wala akong ginawang mali!" Malakas niyang sabi kahit na nanginginig ang boses. Hindi na rin ni Priya namalayan ang lakas ng kaniyang boses. Nawala na siya sa kaniyang sarili at hindi na niya magawang maging mahinahon dahil para sa kaniya ay isa itong kabastusan. Kung tutuusin ay mas matindi pa ang mga kriminal na nakaharap niya at nakakasalamuha niya noong siya ay nasa kulungan pa. "Here you are again! Acting innocent!" He said with his signature smirk. "Wala na akong magagawa kung ayaw mong maniwala sa akin, Alken Fortiche! Pero nagsasabi ako ng totoo," sinsero niyang sagot at lakas loob siyang nakipagtitigan sa mga mata ng binata. Sinusubukan pa rin niya na sabihin ang katotohanan na siya ay walang kasalanan kahit na hindi naman siya pinapaniwalaan ng binata. Gusto niyang balewalain si Alken pero hindi niya magawa. Gusto na niyang mapag-isa pero ayaw siya nitong tantanan. Hindi pa rin siya nito binibigyan ng pagkakataon na makawala sa pagkakakulong niya gamit ang bisig ni Alken. Sinubukan ni Priya na makaalis pero hinawakan ni Alken ang braso niya ng sobrang higpit at nadama niya ang sakit at ang mga kuko nito ay bumabaon na sa kaniyang balat. Tiyak na madadagdagan na naman ang mga pasa na meron siya sa kaniyang katawan. "Alken, nasasaktan ako," napapaaray niyang reklamo at pilit na binabawi ang kaniyang braso mula sa binata. "Bitawan mo ako," patuloy nitong ani. Sa tuwing nagpupumiglas siya ay mas lalo lamang humihigpit ang kapit nito sa kaniya. "Pakawalan kita? And if I don't?" Nakangisi niyang balik tanong sa dalaga. He feels energised every time he sees pain from the lady she hates the most. "Kahit pakawalan man kita ngayon. Araw-araw pa rin kitang babalikan para makita kang nagdurusa!" paalala ni Alken kay Priya. Ang dami ng mga sinasabi ni Priya para sa sarili niya at lagi niyang tinatak sa isipan niya na kaya niya ang lahat ng ito. Kinukumbinsi niya ang sarili lalong lalo na sa utak niya na huwag magpapaapekto sa mga salita na naririnig niya mula kay Alken. Pero kahit ano man ang subok niya ay nasasaktan pa rin siya ng husto. Sumakit ang mga mata niya at kinakailangan na niyang umalis sa mga sandaling iyon. Bago pa siya mapahiya sa pamamagitan nang pag-iyak ng malakas sa harapan ng binata. Tumulo na ang mga luha niya kanina pero nagawa na niya iyong pahiran. Ayaw na niyang maging mahina sa harap ng mga taong hindi niya nagawan ng masama. Hindi siya dapat magmakaawa sa iba dahil alam niyang wala siyang nagawang mali. "Ang kagaya mo ay hindi dapat tinatrato nang maayos," asik na wika sa kaniya ni Alken. Matapang siyang hinarap ni Priya. "Mas masahol ka pa sa akin. Akala mo ba ikaw lang ang malinis sa ating dalawa! Nahatulan nga ako pero mas malala ka pa kaysa sa akin!" pahayag ni Priya na siyang dahalin kung bakit inipit ni Alken ang pisngi niya gamit lang ang isa nitong kamay. Hindi makontrol ni Alken ang galit na nararamdaman niya ngayon dahil sa narinig niya. He doesn't know how he could feel at this time, the fact that he really doesn't know anything. Hindi niya matanggap ang narinig niya galing kay Priya. Totoong wala siyang alam bukod sa mga testigo na nagsabing ito ang huli nilang nakita bago mawalan ng buhay ang kaniyang asawa. Pero hindi siya makakapayag na walang masisisi sa nangyari sa pinakamamahal niyang asawa. Hindi pwede sa kaniya na mamatay lang ito ng walang managot. Magsasalita pa sana si Priya nang bigla siyang pinatigil ni Alken. "Tumigil ka na!" saway nito sa dalaga at mas hinigpitan pa ang kapit sa kaniyang mukha. Sobrang sakit ang nararamdaman niya sa kaniyang pisngi dahil maliit lang ang mukha niya kompara sa kamay ni Alken. Mas malaki pa yata ang kamay nito sa buo niyang mukha. "Alam mo ba kung ano ang pagkakamali ko? Iyon ay hinayaan lang kita na makalaya," galit niyang wika. "Akala mo ba ikaw lang ang nagkamali? Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan. Babalik ako sa araw na iyon, Alken. At sana hindi ko na lang siya nilapitan! Sana hindi ko na lang siya sinubukang iligtas. Nagsisisi ako na nilapitan ko pa siya at buong buhay ko iyong dadalhin kahit hanggang sa aking kamatayan," sikmat ni Priya kay Alken at hindi rin siya nagpatalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD