Habang nakaharap si Priya sa tapat ng maliwanag na buwan ay hindi niya mapigilang maging emosyonal.
Sa tuwing pinagmamasdan niya ito noon ay lahi siyang napapangiti.
Pero ngayon ay ibang-iba na sa kaniyang dating nararamdaman.
Gusto niyang manisi ng maraming tao. Isa na roon si Alken Fortiche na sumira sa buhay niya.
At ang mga testigo na dumiin para makulong siya.
Alam ni Priya na kapag idiniin siya ng mga witness ay mapapansin ang mga ito ni Alken Fortiche.
Maraming mga oportunidad na maiaalok sa kanila kaya ayos lang kahit na magsinungaling ang mga ito para sa pera at kasikatan.
“Ano nga ba ang gusto ko sa buhay?” tanong ni Priya niya sa kaniyang isipan.
Simula ng nalaman niyang namatay ang Nanay niya ay para na rin siyang pinatay sa sakit.
Nakulong siya ng maraming taon at ni minsan ay hindi pa nakita ni Priya ang Alken Fortiche na ito buong buhay niya.
Bukod sa bago pa lang siya sa syudad ay talagang malihim itong tao.
Marami ang nakakakilala sa kaniyang pangalan ngunit hindi lahat alam ang kaniyang mukha.
Sa tagal niyang nasa bilangguan ang dati niyang pisikal na ganda na inaalagaan niya ng husto noon ay hindi na niya pinapahalagahan ngayon.
Para bang nawalan na siya ng interes sa pagpapaganda.
Para sa kaniya ay hindi na ito importante pa.
Nawalan na siya ng pakialam sa kaniyang hitsura dahil pakiramdam niya ay wala na ring saysay.
Isa na siya ngayong dating preso at wala ng rerespito at hahanga sa ganda niya kahit kailan.
Alam na ng lahat ng mga taga Leonardes at Fortiche City ang lahat ng tungkol sa kaniya.
Wala siyang maitatago na kahit isang lihim dahil kayang ungkatin ng mga ito ang tungkol sa kaniyang nakaraan.
Ang dati niyang mga kamay na napakalambot lambot at para lang sa pag-o-opera ng taong may sakit, ngayon ay napuno na ng mga kalyo.
Ang ilang taon niyang ginugol sa bilangguan ang sumira sa kaniyang makinis na balat.
Nagkaroon siya ng mga peklat dahil sa pangbubugbog sa kaniya sa loob.
Isa siyang kaawa-awa at katatawa sa loob ng bilangguan dahil wala siyang naging kaibigan.
Wala ni isa ang dumalaw sa kaniya at tinalikuran na lang siya na para bang wala siyang natulungan kahit na isa noong siya ay nasa labas pa.
Noong malaya pa siya ay marami siyang naririnig na mga papuri galing sa iba.
Pero nang makulong siya ay ro’n niya lang napagtanto na iyon ay isang peke… pakitang tao.
Hindi lahat ng taong nagsasabi ng magandang mga salita ay nagsasabi ng totoo.
Marami ang mapagkunwari at nalaman niya ngayon kung sino ang taong tapat at hindi.
Kung hindi siya nakulong baka hanggang ngayon ay bulag pa rin siya sa katotohanan at sa mga taong kinilala niyang kaibigan.
Hindi alam ni Priya kong saan siya pupunta ngayon.
Wala siyang mapapatunguhan at wala siyang kapera-pera sa bulsa.
Sa kabilang banda may isang lalaking na kanina pa pinagmamasdan si Priya.
Gusto nitong magpahinga sa magulong syudad at hindi niya inaasahan na may makikita siyang babae sa tambayan niya at ang nakakagulat pa ay sinisigaw ang pangalan niya.
Ito ang lugar kung saan niya palaging dinadala ang dating asawa.
Presko ang hangin at tanaw na tanaw mula sa itaas ang ganda ng syudad.
Wala pang sino man ang naglapastangan sa pangalan ni Alken sa mismong harapan niya.
Sa isip niya ay ngayon niya lang ito nakita at hindi pa nagtagpo ang kanilang mga landas.
“Young Master, ano po ang gusto mong gawin sa babaeng iyan?” tanong ni Mang Jose na Driver ni Alken ng ilang taon na.
Hindi ito umimik sa tanong ng driver at pinagmamasdang mabuti ang babae.
“Hayaan mo siya!” malamig nitong tugon kay Mang Jose.
Napansin ni Mang Jose mula sa salamin na titig na titig ang Young Master niya sa babaeng sumisigaw.
Nanatili siya sa kotse niya habang ang bintana ay nakabukas.
Si Alken naman ay nasa gilid lang ng pintuan at sumasandal.
Sa nakikita ni Alken ay wala namang espesyal sa babaeng iyon.
Simple lang pero maganda ang mga mata at mga labi niya. Pero mukhang pulubi sa suot niya.
Mukhang baliw ito at walang pakialam sa paligid.
Kaya siguro habang nagsisigaw ito ay hindi napansin ni Priya na may ibang mga tao.
“Bakit kaya pinalampas lang ni Young Master ang babaeng ito?” tanong ni Mang Jose sa kaniyang isipan.
Wala sa ugali nito ang pagiging pasensyoso, simula ng mawala ang asawa at magiging anak niya ay para na itong naging demonyo.
Nakakatakot ito kapag nagagalit.
Habang titig na titig si Alken sa babae ay may napansin siya.
Para itong walang buhay at ang mga mata niya ay walang emosyon.
Isa lang ang ibig sabihin ng mga nakikita niya. Wala na itong pag-asa sa mundo.
Naiintindihan kaagad ni Alken ang nararamdaman nito dahil pareho silang dalawa.
“Dahil sa ‘yo, Alken Fortiche nasira ang buhay ko!” umiiyak na panunumbat ni Priya at wala siyang kaalam-alam na nakikinig sa kaniya ang lalaking sinisigaw niyang pangalan.
Kinakabahan si Mang Jose dahil baka ano pa ang magawa ng Young Master niya kapag nagpatuloy pa ito.
“Hindi niya ba mahal ang kaniyang buhay?” mahinang anas ni Mang Jose at siniguro niyang siya lang ang makakarinig.
Hinayaan na lang ni Mang Jose ang babae at ilang saglit lang ay tumigil na ito.
Paglingon niya ay nahimatay ito at ang kaniyang amo ay nakatingin lang sa babae.
“Young Master, gusto niyo na po bang umuwi? Mukhang hindi maganda ang araw na ito,” wika ni Mang Jose at halatang hindi alam kung ano ang sasabihin niya sa kaniyang Young Master.
Inaya na lang ito ni Mang Jose na umalis upang maiwasan ang pag-init ng ulo ng kaniyang boss.
Walang imik si Alken na pumasok sa shotgun seat na ikinalaki ng mga mata ni Mang Jose.
Pero wala siyang karapatan na kwestiyunin ito dahil wala siyang lakas na loob.
Binuksan lang ni Mang Jose ang pinto ng driver seat at umupo.
Pero bago pa man niya masara ang pinto ay biglang nagsalita ang prinsipe ng Fortiche City.
“Dalhin mo ang babaeng ‘yon!” utos ng Young Master.
Napalingon kaagad si Mang Jose sa boss niya at nagtaka.
Pero ilang saglit lang ay tumango siya at sinabing. “Oo nga Young Master. Nakakaawa siya at baka mamatay siya rito sa lamig.”
“Walang dahilan kaya ko siya tinulungan. Ang mga mata niya ay gaya ng sa akin,” sagot ni Alken Fortiche kay Mang Jose na para bang walang pakiramdam.
Ang driver ay walang maintindihan sa mga pinagsasabi ng boss niya.
Pero isa lang ang alam ni Mang Jose ngayon. Kaya niya binakante ang upuan ng Young Master sa likod dahil para iyon sa babaeng pulubi.
‘Hindi ba nag-aalala si Young Master na baka madumihan ang sasakyan niya?’ tanong nito sa kaniyang isipan.
Pero dahil kagustuhan ng isang Alken Fortiche. Lahat ay nasusunod.