Chapter 2

1249 Words
Simula sa araw na iyon ay hindi na nakausap ni Priya ang mga magulang niya. Nawalan siya ng koneksyon rito nang makulong siya sa lungsod ng Fortiche City. Walang nagpapagamit sa kaniya ng telepono at lahat ng tao na na doon ay sinasaktan lang siya araw-araw. Napakalaking tao at maimpluwensiya ang nabangga niya at lahat silang nasa kulungan ay gustong magpasikat kay Alken Fortiche. Ang lalaking tinitingala ng lahat at tinatratong prinsepe. Ginagawa nila ang lahat ng gusto nilang gawin kay Priya para mapansin ni Alken at upang maambunan din ng grasya sa loob. Araw-araw nilang pinaparusahan si Priya sa kasalanang hindi niya naman ginawa. Gustong makilala ni Priya si Alken Fortiche dahil umaasa niya na makukumbinsi niya itong maniwala sa kaniya na wala siyang kasalanan. Pero lagi na lang bigo si Priya dahil sa pagkakaalam niya ay wala pang nakakakilala ng totoong mukha ng Alken Fortiche na ito dahil isa itong masekretong tao. Hindi niya alam kung saan niya ito hahagilapin dahil kahit na isang beses ay hindi pa siya nito kinompronta sa kulungan. Masyado itong pribado sa kaniyang buhay at kilala lamang siya sa kaniyang pangalan. Kung mayroon mang nakakakilala sa kaniya ay tanging malalapit lang na kaibigan at pamilya. Alam niyang hindi niya kaya si Alken dahil ito ang namumuno ng buong syudad. Kaya nakaapelido sa angkan nila ang syudad dahil nagpapahiwatig lang na ito pinakamayaman sa lungsod ng Fortiche. Noong nasa kulungan siya ay walang kaibigan na dumalaw sa kaniya kahit na isa. Doon niya napatunayan at nalaman kung sino ang mga taong totoo sa kaniya. Walang pamilya na tumulong sa kaniya dahil takot silang madamay sa kasalanan niya. Kinalimutan niya ng lahat na para bang wala kaming mga pinagsamahan. Umapila siya sa kaso niya kahit na nasa loob siya ng bilangguan. Pero matibay ang ebidensiya laban sa kaniya kaya nahatulan pa rin siya ng pagkakakulong ng labing dalawang taong pagkakabilanggo. Mayroon ring mga witness na nagsasabi na suya ang kasama ng asawa ni Alken bago ito mamatay. Ipinaliwanag niya sa korte ang lahat ng mga nangyari pero walang nakinig sa kaniya. Simula sa araw na iyon ay wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang kaniyang tadhana. Napagod na siyang ipaglaban ang sarili niya dahil wala rin namang nangyayari at walang silbi ang pakikipagtalo niya sa harap ng korte. Napansin rin ni Priya na ang abogadong hawak ng kaso niya ay walang pakialam sa pinaglalaban niya. Mabuti na lamang ay binigyan nila ng parole si Priya dahil nagpakabait ito sa loob ng kulungan. Kaya bumaba ang sentensiya niya at nakulong na lang ng anim na taon sa loob. Nang makalabas siya sa kulungan, pamilya niya ang una niyang naisip na tawagan. Anim na taon rin silang hindi nagkukumustahan at sa tingin niya ay hindi naman lingid sa kaalaman nila ang mga nangyari sa buhay niya. Habang nagri-ring ang telepono sa bahay nila ay kinakabahan si Priya ng husto. Miss na miss na niya ang mga magulang niya at gusto na niyang marinig ang mga boses nito ngayon. Gusto niyang makita ang mga magulang niya at walang mapaglagyan ang kaniyang pagkakasabik. “Hello, sino ‘to?” Biglang humapdi ang sulok ng kanyang mga mata at naging emosyonal. Para siyang nasamid sa sarili niyang mga laway dahil hindi siya kaagad nakasagot sa tanong ng ama niya. “Hello... Dad?” tanong niya sa kabilang linya at kahit kilala ni Priya ang boses ng ama ay gusto pa rin niyang makompirma. “Buhay ka pa pala? Bakit ka pa tumawag dito? Ano’ng gusto mo?” sunod-sunod na tanong ng ama nito sa kaniya at inaamin niya na nagulat siya dahil sa narinig. Hindi ganito ang ugali ng Daddy niya. Kaya nasaktan siya ng lubos dahil sa trato ng ama niya sa kaniya. “Dad, gusto ko lang makausap kayo at ipaalam na nakalabas na ako ngayong araw,” naiiyak niyang sabi para ipaalam sa kanila. Ang akala niya ay masasabik ang mga magulang niya sa kaniya pero totoo nga ang sinasabi nilang expectations versus reality. At ang katotohanan ay napakasakit para kay Priya. Dahil pamilya ang dapat niyang nasasandalan pero malayo ito sa inaakala niyang katotohanan. Hindi lang mga kaibigan niya ang itinakwil siya dahil pati ang ama niya. “Simula ngayon ay huwag ka na ulit tatawag dito! Wala na akong kinalaman sa buhay mo dahil pinuputol ko na ang ugnayan ko sa ‘yo! Isa kang kahihiyan sa pamilyang ito, Priya! Hindi ka lang mamatay ng ibang tao dahil pati nanay mo ay pinatay mo!” matigas nitong ani at suklam na suklam ito sa kaniya. Nabigla si Priya sa sinapit ng ina niya. Hindi niya kayang tanggapin ang nalaman niya sa kaniyang ina. Parang kulog ang boses nito sa kabilang linya na sobrang nakakatakot pakinggan. Namatay ang Mommy niya dahil nakulong siya at siya ang sinisisi ng tatay niya. Inatake raw ito sa puso dahil sa sobrang pag-aalala sa kaniya. Pero ang Daddy niya ay sobrang galit na galit sa kaniya dahilan kung bakit hindi na niya ito matanggap bilang anak. “Dad, ano’ng kasalanan ko? Pagpatay sa taong hindi ko naman kilala… ano’ng motibo ko para gawin iyon sa kaniya? Kahit pangalan niya ay hindi ko alam hanggang sa mangyari na lang ang lahat ng mga ‘yon! Tinulungan ko siya dahil nakunan siya. Pero masyado ng maraming nawala sa kaniyang dugo kaya hindi na niya kinaya. Napagbintangan lang ako, Dad!” Umiiyak niyang paliwanag sa kaniyang tatay pero sobrang tigas ng puso nito. Nagmakaawa si Priya na pakinggan siya pero kahit na anoman ang gawin niyang paliwanag at ayaw siya nitong pakinggan. Parang hindi anak ang turing ng Daddy ni Priya sa kaniya. Ito na yata ang pinakamasakit sa lahat, iyong sarili mong pamilya ay inaakusahan ka. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay at napaangat nang tingin sa kawalan bago pinatay ang tawag. Para kay Priya ay isang sumpa ang paglapit niya sa babaeng iyon. Dahil sa kaniya ay sinilyuhan siyang ng mga taong na isang mamatay tao. “Isa akong Doctor... nagliligtas ako ng buhay at hindi pumapatay,” may diin niyang anas sa sarili. “Pinagsisisihan kong niligtas ko siya. Kung hindi dahil sa kaniya at ng asawa niya ay hindi sana magkandaletse-letse ang buhay ko ngayon. Kinuha nila ang lahat sa akin at ang pag-asa na maabot ang aking mga pangarap. Pinagkaitan nila ako ng kalayaan at pangarap na para bang gusto nila akong mamuhay ng puno ng pasakit,” mahaba kong reklamo kahit wala naman akong kausap at walang nakikinig. “Hindi pa ba sapat ang paghihiganti niya sa akin? Kung namatayan siya ng anak at asawa ay namatayan din ako ng ina!” Matapos ang pag-uusap ni Priya at ng Daddy niya ay naglakad lang siya na parang wala sa sarili. Walang destinasyon. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga paa niya. Pero ang masasabi niya lang ay nandito siya ngayon sa tuktok kung saan tanaw niya ang kalahating parte ng lugar sa buong lungsod. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya at gusto niyang ilabas ang nararamdaman niyang galit sa mundo. Kaya para mabawasan ang nararamdaman niyang pighati ay sumigaw siya nang sobrang lakas at sinisi sa isang lalaking na naging dahilan ng pagdurusa niya. “Alken, gago ka! Wala kang kasing sama!” Galit na sigaw nito at nilabas ang lahat ng sama ng loob niya sa tao. “Sino ka para gawin ‘to sa akin? Diyos ka ba?” panunumbat niya na para bang akala niya sa ganitong paraan ay mababawasan ang pighati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD