Nang magising si Priya ay bigla siyang napabalikwas nang bangon sa takot at gulat.
Napakadilim ng buong paligid at wala siyang makita na kahit na anomang liwanag kahit na konti.
Pero alam niya at nararamdaman niyang nakapatong siya sa isang malambot na kama.
Ang huli niya lang natatandaan ay nagsisigaw siya sa galit niya sa taong naging dahilan kung bakit siya nakulong.
Bukod doon ay wala na siyang naaalala pa.
Kinalma niya ang kaniyang sarili at nang medyo nasasanay na ang kaniyang mga mata sa dilim ay may napansin siyang pintoan.
Kinakabahan siya kung ano ang makikita niya sa labas. Pero naglakas loob siyang bumaba sa kama.
Mahina ang pagkakaapak niya sa sahig upang hindi makagawa ng anomang inggay.
Ang kaniyang mga hakbang ay inggat na inggat.
Dahan-dahan niyang pinihit ang saradora at sa wakas ay nabuksan niya ito ng walang kahirap-hirap.
Nakahinga siya ng maluwag nang makalabas na siya sa kwarto na walang kahit sino'ng bantay.
At nang nilibot niya ang kaniyang tingin ay namangha siya nang makita ang paligid.
Isa itong mansyon at wala siyang ideya kung paano siya napadpad sa lugar na ito.
"Nanaginip ba ako?" mahina niyang tanong sa kaniyang sarili.
Ang mga mata niya ay parang hindi makapaniwala.
"Dahil ba ito sa gutom?" tanong niya ulit sa kaniyang sarili kahit na alam niyang hindi niya iyon masasagot.
"Saan mo balak pumunta?" biglang tanong ng tao sa kaniyang likod.
Ang kaniyang boses ay nakakapanindig balahibo na para bang aatakihin ako sa puso.
Kinurot niya ang kaniyang kamay upang bumalik ang kaniyang diwa.
May pakiramdam siya na siya ay naghahalusinasyon dahil sa gutom.
Napadaing siya sa sakit dahil sa lakas nang pagkakakurot niya.
At bago niya lingunin ang nasa likod ay mayroon ngang nakatayong lalaki na napakagwapo.
Kulang ang salitang gwapo para ilarawan ang kaniyang mukha.
Kahit na hindi masyadong maliwanag ang ilaw sa pasilyo. Alam ni Priya na ito ay nakakabighani.
Sinaway ni Priya ang kaniyang sarili at tinanong ito.
"Sir, gusto ko na pong umuwi..." mahinang untag ni Priya.
Magsasalita pa sana siya ulit pero bigla siyang natigil dahil naunahan na siya sa tanong nito.
Ang kaniyang tayo ay napakakisig habang nakatitig sa mga mata ni Priya.
Para bang kinakalkal niya ang emosyon na meron ang dalaga.
Seryoso itong nakatayo at nakapamulsa habang ang mga panga ay umiigting ng hindi alam ni Priya kung ano ang dahilan.
"Umuwi? Gusto mong umuwi?" sarkastiko nitong tanong at tunog mayabang.
Sa tono ng kaniyang pananalita ay halatang wala itong pakialam sa iba.
"Base sa nalaman ko ay wala ka ng mauuwian!" prangka nitong sabi at halatang sinadyang idiin ang mga sinabi.
Natahimik si Priya dahil sa kaniyang narinig. Hindi siya tanga para hindi malaman kung bakit alam ng lalaking kaharap niya ngayon na wala siyang mauuwian.
"Pinaiimbestigahan mo ako? Bakit mo ako pinaiimbestigahan?" diretsahang tanong ni Priya at sunod-sunod ito pero hindi ito sumagot.
Tumaas lang ang gilid na sulok ng kaniyang labi at sininyasan ang kaniyang mga tauhan na hulihin si Priya.
Hindi man lang namalayan ni Priya Mill na may mga bantay na pala sa kaniyang likuran.
Mabilis na hinuli ang kaniyang mga kamay at mahigpit na hinawakan.
Nataranta si Priya sa takot. "Bakit? Bakit ako nandito?" natatakot at nanginginig niyang tanong sa binata pero si Alken ay hindi pa rin nagsalita.
Kahit na isang salita ay wala siyang sinabi at hinayaan lang siyang tanggayin ng mga tauhan nito.
"Huwag! Huwag niyo akong hulihin! Wala akong ginagawang masama!" pagsusumamo ni Priya sa mga lalaking nakaitim ang mga kasuotan.
Pero tila sila ay walang mga pandinig dahil kahit na halos mabingi na siya sa sariling boses ay walang pinapakitang reaksyon ang kanilang mga mukha.
Nagpupumiglas si Priya sa takot at nakawala sa kapit ng mga ito.
Tumakbo siya nang mabilis patungo sa binatang kausap niya ilang saglit lang ang nakalipas.
Ginawa na niya ang lahat ng pagmamakaawa pero hindi iyon gumana.
Halos lumuhod na rin siya sa harapan nito pero kasing tigas ang puso nito ng bakal.
Ang pagmamakaawa ni Priya na sana ay pakawalan siya ay nasayang lang dahil wala itong nararamdamang awa sa kaniya.
Sa halip ay tinitigan lang siya nito na parang walang kabuhay-buhay at pakiramdam.
May iritasyon sa kaniyang mukha at para bang nawawalan na ng pasensiya.
"Bigyan mo ako ng dahilan para hayaan kitang umalis!" matigas nitong wika.
"Wala akong kasalanan sa 'yo... bakit... bakit ako nandito?" nahihirapan niyang untag sa kausap at ang mga luha ay domoble na sa bilis.
Natawa ito ng pagak at tiningnan siya mula ulo hanggang sa paa.
"Hindi mo naibigay sa akin ang gusto kong sagot!"
Iyon lang ang sinabi niya at umalis na kaagad sa kaniyang harapan.
Habang umiiyak at nagmamakaawa si Priya ay naikuyom naman ni Alken ang kaniyang mga kamay.
Nang makita niya itong nagsisigaw at galit na galit habang sinisigaw ang pangalan niya ay hindi siya apektado.
Wala siyang nararamdaman dahil wala siyang pakialam.
Pero may napansin siya sa mga mata nito at iyon ang nagtulak sa kaniya upang dalhin ito sa kaniyang mansyon.
Kung iyon man ay tulong ay hindi niya rin alam.
Halos tatlong araw na itong hindi gumigising kaya pinaiimbestigahan niya kung sino ito.
Nalaman niya na ito ang dahilan kung bakit namatay ang asawa niya.
Pati na rin ang anak niyang nasa sinampupunan pa.
Gusto niya itong sumbatan at magpakilala na kaagad pero pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil may iba siyang binabalak.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang gabing sinabi sa kaniya ni Jose na ito si Priya Mill.
Ang pangalang kinamumuhian niya sa lahat.
"Young Master Alken, ang babaeng pinagmamasdan mo ngayon ay si Priya Mill. Siya po ay nanggagaling sa kulungan dahil sa kasalanan niya sa iyong asawa. Siya rin ay wala ng ibangmatutuluyan dahil itinakwil siya ng kaniyang ama. Sa katunayan nga po, Young Master ay kakalabas lang niya ng kulungan nang makita natin siya ilang araw na ang nakakalipas. Utusan niyo lang po ako, Young Master at ipapakaladkad ko siya palabas."
"Priya Mill..." ulit niyang anas sa pangalan ng dalaga na siyang dahilang sa lahat ng paghihirap niya.
Kaagad niyang inutusan si Mang Jose na iwan siya dahil gusto niyang mapag-isa.
"It turned out to be fun!"
Simula ng mamatay ang pinakamamahal na asawa ni Alken ay hindi na niya ulit naranasang maging masaya.
Kahit ang kaniyang mga ngiti ay peke at ngayon na lang ulit siya natawa ng nakakaloko dahil sa kapalarang ipinagtagpo sila ng tadhana.
Si Alken na naghahanap ng katanungan at hustisya sa pagkamatay ng anak niya.
At ang babaeng kriminal na walang kaalam-alam na ang lalaking nakita niya kanina ay asawa ng babaeng namatay dahilan kung bakit siya nakulong.
Para kay Alken ay napaka-imposible na magawa ng kapalaran ang paglaruan siya.
Muntik na niyang hindi mapigilan ang sarili at mabuti na lamang dahil nagawa niyang pigilan ang sariling patayin si Priya.
Galit na galit siya sa babae at gusto niyang mawala ito gaya ng pagkawala ng kaniyang asawa at magiging anak.
Pero gusto niya itong magdusa muna bago ito dumating sa punto na siya na mismo ang hihiling para sa kamatayan niya.
Sa kabilang banda si Priya ay walang ginawa kundi ang umiyak.
Inubos na niya ang kaniyang lakas sa pag-iyak at namumutla na dahil wala pa siyang kain.
Kumakalam na ang kaniyang tiyan pero wala siyang magawa para sa kaniyang sarili.
Hanggang sa nakatulog na lamang siya at kinabukasan na nagising.
Pakiramdam ni Priya ay naubos na ang lahat ng takot niya dahil sa lahat ng mga nangyayari sa buhay niya.
Maraming beses na siyang napagod at gusto nang bumigay sa lahat ng problema pero hindi niya ginawa.
Pagod na pagod na siya pero lumalaban siya sa pangalan ng hustisya.
Wala nagawa si Priya kundi angmaghintay na lang kung sino man ang makaisip na may tao silang kinulong sa silid.
Uhaw na uhaw na siya na kahit sarili niyang laway ay hindi niya magawang kunin at lunuking muli para kahit papaano ay mabasa ang kaniyang lalamunan.
Sinusubkan ni Priya na lawayan ang kaniyang dila pero hindi pa rin sapat ang kaniyang pagsisikap.
"Hindi ko hahayaang mamatay sa ganitong dahilan... mabubuhay ako hanggat kailan ko gusto," nanghihinang anas ni Priya.
Hindi na alam ni Priya kung ano na ang oras. Bukod sa wala siyang orasan ay wala rin siyang nakikitang liwanag.
Pero rinig niya ang inggay sa buong mansyon na sa tingin niya ay may salu-salong nagaganap.
"Tulong! Tulongan niyo ako!" sigaw ni Priya upang matulungan.
Kahit na alam niyang maliit lang ang pagkakataon na marinig siya sa kakasigaw ay sinubukan pa rin niya.
Nagbabakasakali siya na magkaroon ng konting pag-asa.