Inis na hinarap ni Priya si Alken dahil hindi siya makapaniwala sa ginawa nito.
Nilakihan niya ang awang ng pinto upang palabasin ito na para bang pagmamay-ari niya ang buong mansyon.
Ayaw na ayaw niya sa lahat ang may pumapasok sa kwarto niya lalo pa at ito ay isang lalaki.
Nawala na sa kaniya ang lahat ng respito sa mga tao at ang kaniyang dignidad na lang ang tanging natira sa kaniya.
Nawala na sa isip niya ang katotohanan na kinupkop lamang siya dahil sa nagawa niyang kasalanan.
Alam niyang gusto lang siyang pahirapan ni Alken sa mga trabahong bahay.
Mabuti na lamang dahil sekreto siyang tinutulungan ni Lena sa tuwing nalilingat ang mayordoma at ang iba pa nilang mga kasamahan sa mansyon.
Natatawa si Priya sa kaniyang sinapit. Isang doctor na naging kriminal at ngayon naman ay isang alipin.
Hindi niya akalain na totoo ang lahat na mga nangyayari sa kaniyang buhay ngayon.
Akala niya kasi dati ay walang nag-e-exists na ganitong pangyayari sa totoong buhay.
Alam niya na pamamahay at pagmamay-ari ni Alken ang mansyon at kabilang na ang kwarto na tinutuluyan niya ngayon.
Pero naiinis pa rin siya dahil para sa kaniya ay wala itong karapatan na panghimasukan ang privacy niya.
Kahit na siya ay isa lamang alipin wala pa rin itong karapatan na pumasok sa kwarto niya.
Gabi na ngayon at ano na lang ang sasabihin ng iba kung mayroong makakakita sa kanila na nasa isang kwarto silang dalawa.
"Alken stop it! Hindi ka nakakatuwa kaya tigilan mo na ang birong ito!" reklamo ni Priya sa binata pero para walang narinig si Alken sa lahat ng mga sinabi niya.
Nagsasayang lamang siya ng laway at nasayang lang din ang kaniyang boses.
Wala itong imik at normal lang na naglalakad patungo sa kamang kasya lang sa kaniyang katawan.
Walang alinlangan itong umupo sa gilid ng kama at nagbubunyi ang puso dahil sa ganitong paraan ay nakikita niyang nakukunsimisyon si Priya.
"Kung galit ka sa akin at gusto mo akong gantihan, sige gantihan mo ako!" sabi niya kahit wala naman siyang kasalanan. "Pero, Alken huwag 'tong ganito!" patuloy na reklamo ni Priya at hindi na maipinta ang mukha niya ngayon.
Ipinikit ni Priya ang kaniyang mga mata dahil wala namang nangyari kahit pagsabihan niya si Alken sa dapat nitong gawin.
At pinilit niya ang kaniyang sarili na pakalmahin dahil sa nararamdaman inis at galit.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago ito nagpatuloy sa pagsasalita.
"Kung ayaw mong lumabas. Ako na lang ang aalis!" pinal niyang wika at tinalikuran na kaagad ang binata.
"You are stupid and just shut up! I will do what I want and you deserve to be treated like this!" malakas nitong sabi kaya siya napatigil si Priya nang paghakbang.
Hinarap siyang muli ni Priya at tiningnan ang binata na parang hindi siya makapaniwala.
"Hindi ko 'to deserve! Pagod na akong magpaliwanag sa 'yo! Kung tutuusin ako nga ang dapat na magalit sa 'yo. Kung hindi dahil sa 'yo ay hindi magkakaganito ang buhay ko," panunumbat ni Priya sa kaniya pero pinili pa ring maging mahinahon ang kaniyang boses.
Nakainom si Alken at sa palagay niya ay wala ito sa tamang katinuan ngayon.
Isang malakas na sampal ang sinagot ni Alken sa kaniya at halos matabingi ang mukha nito sa sakit.
"Ano ulit iyong sinabi mo?" tanong ni Alken kay Priya matapos niya itong sampalin.
Hinawakan niya ang mahabang buhok ni Priya at hinihila pababa at halos ilang pulgada na lang ang lapit ng kanilang mukha.
Nanggagalaiti ito sa galit at ang kaniyang mga bagang ay umiigting na.
"Hindi ka naman bingi 'di ba?" sarkastiko niya ring tanong kahit na hindi pa rin binibitawan ang buhok niya.
Tahimik na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata pero hindi niya ipinakita sa binata na siya ay mahina.
Kung tutuusin ay wala lang ito sa naranasan niya noon sa kulungan.
Normal lang naman sa isang tao ang umiiyak gaano man ito katapang.
Ngumiti si Alken na parang nang-iinsulto. "Paano ka nakakatulog ng mahimbing? At paano mo nagagawnag mabuhay na parang wala lang nangyari?!" sunod-sunod niyang tanong at ainadya pnag idiin ang bawat katagang binibitawan niya. "Paano mo nasasabi sa harap ko mismo na wala kang kasalanan!" dagdag nitong wika.
Sa tuwing nakikita ni Alken ang pagmumukha ni Priya ay gusto niya itong sakalin hanggang sa malagutan ito ng hininga.
Hindi niya rin maipaliwanag kung ano ang nangyayari sa kaniyang sarili dahil dati naman ay nagawa nitong palampasin si Priya.
Pero noong nakita niya ito ay dinala niya ito sa mansyon para tulungan dahil hindi niya pa alam na ito pala si Priya Mill.
Pero sa pagkakataong ito ay mas gugustuhin niya na lang na guluhin ang buhay nito gaya ng gulo na idinulot ni Priya sa kaniya.
Habang titig na titig si Priya sa mukha ni Alken ay nakaramdam siya kakaibang tingin sa kaniya si Alken.
Parang may balak itong gawin sa kaniyang masama.
Nanginig si Priya. Alam niya ang gagawin ng binata kung ano man ang naisin nito sa kaniya.
Pero sinikap niya ang sariling hindi magpahalata sa binata.
"Alken, lasing ka… bitawan mo ako," nasasaktan niyang wika at nagsusumamo na sana ay bitawan na siya ngayon.
Masakit sa loob ni Alken na saktan siya ng mga tao at lalong-lalo na si Alken dahil alam niya sa sarili niya na wala siyang ginawang mali.
Pero kung sasaktan siya nito, sana naman ay saktan siya ng umaga at hindi ganitong tulog na ang lahat ng mga tao.
Natatakot rin siya sa sarili niya dahil isa siyang babae.
At alam niya na halos lahat ng mga lalaki ay nauuwi sa karupukan at pagnanasa kapag nagagalit.
Iyon ang gawain at isa sa mga paraan ng mga lalaki para makuha nila ang gusto nila.
Kapag may gusto silang saktan ay pinipilit nila ang isang bagay na hindi naman dapat.
"Ako lang ang magsasabi kung kailan ko sasabihing tama na! Wala kang karapatan na magreklamo!" banta niya kay Priya at mas hinigpitan ang pagkapit niya sa buhok nito.
Dahil sa kaniyang narinig ay biglang tumaas ang kaniyang mga balahibo sa batok.
Nagbigay iyon ng sakit sa kaniyang nararamdaman na sagad sa kaniyang mga buto.
Napapadaing siya sa sakit dahil parang matatanggal na ang anit niya sa kaniyang ulo.
Maliban doon ay malamig pa ang gabi kaya kumikirot ang mga kamay niya.
Ito ang naging pinsala sa kaniya noong nasa kulungan pa siya.
Gustuhin man niyang bumili ng gamot pero wala siyang sapat na pera.