Chapter 04

1855 Words
Chapter 04 Zoe POV IMBES na sundin si Manang ay sumunod ako sa kanya sa loob ng mansiyon. At nakita ko si Senyora Danica na umiiyak habang yakap–yakap ang kanyang anak. Pinili ko na lamang na ikubli ang aking sarili sa gilid kaysa lumapit pa. Gusto ko sana silang damayan sa panahon na tulad nito. Ngunit sa pamilyang ito ay alam ko naman na hindi ako kabilang tulad ng laging sinasabi sa akin noon ni Senyora Danica na ako'y sampid lang at walang karapatan na kahit na ano rito sa hacienda. Napapaisip ako, kung ano ang mangyayari sa akin ngayon na wala na si Lola Cecelia. Tiyak, marami ng pagkakataon si Senyora na saktan ako pero hindi ko papayagan ang bagay na iyon. Nangako ako na hindi ako aalis rito. Kahit na ano man ang mangyari. Hindi ko siya naiintindihan kung bakit galit na galit siya sa akin. Naalala ko noon, may inutos siya sa akin na kunin ko sa wardrobe niya ang bago niyang mamahalin na gown na gagamitin niya sana noon sa anniversary nilang mag–asawa. Ang galit na nakikita ko sa mga mata niya ay parang sumusunog sa akin. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero alam ko maayos ang gown ng ipatong ko sa ibabaw ng mesa bago ako nagpunta sa kusina para uminom ng tubig, pagbalik ko may punit–punit na ang gown tila sinadya. Nakatayo ako ngayon sa harap ni Senyora Danica, nanginginig sa takot at walang lakas ng loob na humarap sa kanya. Ang mga mata ko'y nakatutok lang sa sementong sahig. Sa peripheral vision ko nakita ko ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Shasha. Nasa mga mata niya na tila inaasar ako. "Magsalita ka ngayon. Ano ang ginawa mo sa gown ko?" Nangangalaiti na tanong niya sa akin sabay duro sa noo ko habang isa–isang pumatak ang mga luha ko. "Boba ka talaga, wala kang kasing boba. Hindi ko alam, kung bakit inampon ka ni Papa at Mama." "P–paumanhin po, Senyora Danica," halos pabulong na sabi ko kasabay nang pagsinghot sa sipon ko. "Wala kang ginawang tamang bata ka. Alam mo ba, kung magkano ang halaga ng gown na ito?" Dinuro–duro niyang muli ang noo ko at muntik na akong matumba–tumba sa kinatatayuan ko, "mas mahal pa sa buhay mo kahit na kailan salot ka sa buhay ko. Bakit hindi kapa nasamang namatay ni Teresa?" sigaw niya, ang boses ay parang kidlat na sumaksak sa akin. Hindi ko siya maunawaan, kung ano ang ikinagagalit niya sa Mamang ko. Bakit galit na galit siya rito? Ang bait nang Mamang ko, walang kaaway pero siya kulang na lang isumpa niya ang aking ina. Gusto ko siyang sagutin. Ngunit, hindi ko alam kung paano at kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko. Dahan–dahan akong napa–angat ng ulo, at doon ko nakitang hawak–hawak niya ang pilas ng nasirang damit. Ang galit sa kanyang mukha ay hindi ko kayang tingnan. "T–talaga pong hindi ko sinasadya. Nasa maayos po 'yan, noong nilapag ko sa ibabaw ng mesa," halos pabulong kong sabi, ang boses ko ay mahina sa takot ko sa kanya. "Sinadya man o hindi, wala akong pakialam. Nasira mo ang pinakamahalaga kong gown!" Sigaw niya, at biglang itinapon niya ang mga pilas ng gown sa aking mukha. "Oops! Sapul! Wawa naman, Zoe!" Ang mahinang pambubuska sa akin ni Shasha na sinabayan ng paghagikhik. Nanginig ang buong katawan ko sa takot kay Senyora. Iniwas ko ang tingin ko kay Senyora, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at poot. "Umalis ka sa harapan ko," bulyaw niya sa akin. Hindi ko mapigilan na umiyak ng araw na iyon. Kung hindi pa dumating si Lola Cecelia ay hindi pa siya titigil sa kakatalak sa akin. "Zoey," ang pagtawag sa akin ni Manang ang bumasag sa aking pagbabalik–tanaw. Humarap ako sa matanda at mahina na ngumiti. "Dito lang po ako, Manang , hindi po ako aalis," pagmamatigas ko. Napabuntong–hininga si Manang Lagring. "Paano kung magmamaldita na naman, sayo?" Nagkibit ako ng mga balikat. "Hayaan mo siya, Manang. Basta hindi ako aalis." Sumulyap si Manang sa kinaroroonan nila. "Maganda ang umiwas ka muna. Tulungan mo na lang ako sa kusina at nagpagawa ng Tea ang impakta. Kapag ako naubusan ng pasensiya lalagyan ko talaga lason ang iinumin niya," pabirong sabi ni Manang habang naglalakad kami patungo sa kusina. Tanging mahina na ngiti lang ang itinugon ko kay Manang. "Ano ngayon ang plano mo, Zoey?" Tanong ng matanda sa akin habang gumawa kami ng tea. "Hindi ko alam, Manangl Lagring," malungkot na tugon ko. Hindi ko alam ang dapat gawin. Kung aalis ako rito sa mansiyon, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napamahal na sa akin ang mga tao sa buong hacienda, ang mga tauhan sa Farm at sa distelyera. Isa pa ang pangako ko kay Lolo Vladimir. Hindi ko maintindihan ang matandang lalaki, lagi niyang sinasabi sa akin noon. "Ang lahat nang maabot ng mga mata ko ay akin." Minsan nakita ko si Lola Vladimir, hawak–hawak niya ang larawan ng Mamang ko at nakita ko pang niyakap–yakap niya ito habang nangingislap ang mga mata niya sa luha. Sa totoo lang, ang gaan ng loob ko kay Lolo Vladimir. Napabuntong–hininga ako. "Narinig ko, kanina itong si Filipe. Hindi pa nga nalilibing ang matanda. Aba, ang mamanahin na niya ang kanyang iniisip," may inis sa tinig ni Manang. "Mukhang pera talaga ang taong iyon. Hindi na lang nahiya wala naman silbi rito sa mansiyon," dagdag sabi ni Manang na hindi mawala ang inis. Hinila ko ang bar stool at naupo. "Tiyak, kay Orion ipapamana ang lahat. Dahil siya ang nag–iisang apo." Nagkibit ng mga balikat si Manang. "Siguro pero hindi tayo sigurado diyan. Narinig ko kay Attorney, may kondisyon bago makuha ni Orion ang mana niya---" "Anong kondisyon, Manang?" Napalunok ako nang biglang lumitaw si Señyora Danica sa likuran namin. Sa mga mata niya'y makikita ang pagkalito at galit. Ang kanyang presensiya ay nagdulot ng tensyon sa aming tatlo. Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib, at tila bang tumigil ang mundo habang nagpapalitan kami ng tingin ni Manang. Isang masamang tingin ang pinukol niya sa akin. "At ikaw, ano ang ginagawa mo rito?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin, alam kong kailangan kong maging maingat sa mga salita. "Siguro naman ngayong wala na ang Mama ay maisipan mo nang umalis dito sa mansiyon. H'wag kang masyadong ipokrita na manatili pa rito." Napaangat ako mula sa aking upuan, naglakas–loob na humarap sa kanya. Subalit bago pa ako makapagsalita, biglang nagsalita si Manang Lagring, "Hindi aalis si Zoey sa hacienda, kahit noong nabubuhay pa ang iyong ama at ina ay mahigpit nilang habilin na mananatili rito si Zoey." Pagtatanggol sa akin ni Manang. Tumaas ang dalawang kilay ni Danica. "Wala na ang Mama, Manang , kaya walang dahilan para manatili sa hacienda ang babaeng 'yan." Nakagatj ko ng bahagya ang ibabang labi upang huwag makapagsalita ng hindi mabuti kay Danica. Pinilit ko magpakatatag sa harapan niya, ay tahimik na nagpasya na huwag patulan ang mga panunuyang salita mula kay Danica. Isang mahinang ngiti ang pinakawalan ko. "Hindi po ako aalis sa hacienda. Nangako po ako kay Lolo Vladimir na pangalagaan ko ang hacienda at magiging tapat ako sa pangako ko sa kanila." Mariin ang bawat salita na lumabas sa aking bibig. Naningkit ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Nais kong manatiling matatag, kahit pa ang loob ko ay naglagablab sa takot. Alam ko na hindi ito ang huli namin pagtatalo, ngunit ngayon , ito ang sandaling kailangan kong ipakita ang aking tapang at determinasyon na hindi niya ako basta matakot–takot lang. Nang humakbang si Señyora Danica patungo sa akin, napalunok ako nang malalim, ngunit nanatili akong nakatayo sa harap niya, may galang at determinasyon sa bawat hakbang niya. "Ipokrita kang babae ka," sigaw niya. Bago pa ako makapagreact, biglang nadama ko ang bigat ng kanyang kamay na dumampi sa aking pisngi, sinundan ito ng isang matinding sampal. Isang masakit na sampal ang binigay niya sa akin, at kahit na ang sakit ay tumagos sa aking balat, nanatili akong nakatayo nang may dignidad. Taas noo akong humarap sa kanya habang hawak ang aking nasampal na pisngi. "Kahit ano ang sabihin mo. Hinding–hindi ako aalis sa hacienda, Señyora Danica..." mariin kong sabi na may conviction sa aking tinig. Nakita kong nanlilisik ang mga mata niya sa galit at muling itinaas ang kamay niya upang sampalin akong muli. Pero bago makalapat sa aking pisngi, mabilis ko itong sinalag ito at mahigpit na hinawakan sa pulso. "Ayoko po ng gulo kaya 'wag niyo po akong simulan. Kahit papano, may respeto parin ako sa inyo," mahinahong sabi ko sa kanya. Nagpumiglas siya. "H'wag mo akong hawakan," sigaw niya sa nanlilisik ang mga mata sa galit at pilit hablutin ang kamay niya. "Bitawan mo, Zoey," udyok sa akin ni Manang. At dahil masunurin ako kaya binitawan ko siya. Dahil siguro mataas ang heels na suot nito, hindi ko inaasahan na mawawalan siya ng balanse. Natapilok at umikot siya bago tuluyang bumagsak sa sahig. Narinig ko ang sigaw ni Señyora Danica sa galit habang naririnig ko ang pagtawan ni Manang Lagring. Bigla na lamang pumasok si Daniel. Naguguluhan ang mga mata niya habang lumilipat–lipat sa amin. Nang biglang umiyak ang kanyang ina ng makita ang binata. "Anong nangyayari rito?" Malamig niyang tanong. "Oh, Daniel!" She cried. "Sinampal at itinulak ako ng babaeng iyan!" Yumukod si Daniel upang itayo ang kanyang ina. "Hindi kita sinampal," depensibo kong sinabi. Masamang tinitigan ako ni Daniel. Lumapit siya sa akin at hinaklit ang braso ko. "Who are you to hurt my mother?" Galit na tanong nito. Napasinghap ako ng maramdamang bumaon ang mga daliri nito sa braso ko. "Kapag sinaktan mo ulit ang Mommy makakatikim ka sa akin." May babala ang kanyang tinig. "Walang kasalanan si Zoe---" "Shut up, Manang!" Putol niya sasabihin ni Manang Lagring. Masama akong tiningnan ni Daniel. Ang mga mata niyang galit sa akin. "Kapag ginawa mo pa ito kay Mommy, makakatikim ka sa akin. Lakas ng loob mo, umakto ka na naaayon sa posisyon mo rito sa mansiyon." Naglakas–loob akong lumapit sa kanya. "Daniel, patawarin mo ako kung nasaktan ko ang iyong ina. Pero maniwala ka, hindi ko intensiyon na gawin iyon," mariing sabi ko. Ngunit ang mga mata ni Daniel ay nanatiling malamig ang titig sa akin. "I don't need your explanation sapat na ang nakita ko. You hurt my mother," he said with convictio. Ang tinig ay puno ng pagdududa at hindi pagtanggap. Nanginginig ang aking kamay sa tensyon at pag–alala. "Daniel, please..." "Zoey..." narinig kong awat sa akin ni Manang. Lumapit siya sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "H'wag kang magpaliwanag kung ayaw makinig," saway niya sa akin. Isang nakakamatay na tingin ang binigay ni Daniel sa aming dalawa ni Manang bago tumalikod. "C'mon, Mom!" Malumanay na sabi niya sa kanyang ina nang akayin palabas sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD