Prologue
This story is a work of fiction. Names, characteristic, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events , or locales is entirely coincidental.
Warning: Contains Sensitive themes. Red Flag Male Lead at Marupok na Female
Hayes Empire Series
1. Unforgettable Love (Completed and Free)
Ethan Alistaire Hayes and Natalie Sophia Hernandez
2. Taming the Playboy's Heart (PTR and Completed)
Knox Lawrence Hayes and Isabella Lorraine Santillan
3. The Wife Misery (On–going)
Daniel 'ORION' Angelo Hayes and Zoey Kathryn Bustamante
4. The Billionaire's Legal Wife (Soon)
Rune Evander Hayes and Rosalie Gabriella Mangahas
Prologue:
Zoe POV
MALAKAS ang buhos ng ulan, kasabay ng malakas na pagkulog at pagkidlat.
Bumaba ako mula sa tricycle na aking sinasakyan. Sumilong ako sa ilalim ng puno ng accacia. Hinihintay kong bumukas ang malaking pintuan ng simbahan. Wala akong pagpipilian kundi ang gawin ang bagay na ito. Ayoko man, ngunit alam kong ito ang nararapat. Ang buhay sa kalsada ay hindi angkop sa kanya. Wala akong magandang buhay na maibibigay sa kanya.
Nanginginig na ako sa lamig pero sinisiguro kong balot na balot ang aking bitbit. Kahit napakasakit sa aking loob, kailangan kong gawin.
"Mahal kita, anak. Patawarin mo ako pero kailangan. Ayokong lumaki ka sa kalye at magpalaboy–laboy kagaya ko. Gusto ko lumaki ka ng maayos. Magkaroon nang maayos na masisilungan at matitirahan. Babalik ang Nanay kapag maayos na ang lahat pero ngayon iiwan muna kita sa simbahan," sabi ko sa sanggol na karga–karga, ang aking salita'y tila naririnig ng hanging umiiyak.
Parang nauunawaan niya ako habang hawak–hawak ng munti niyang daliri ang aking hintuturong nakahaplos sa kanyang pisngi.
"Patawarin mo ang Nanay," piping impit ko nang hindi umalpas ang mga paghagulhol ko. Ang luha kong tumutulo na halos sumasabay sa patak ng ulan.
Napa–angat ako ng ulo nang marinig ko ang paglagitlit ng senyales na bumukas ang pintuan ng simbahan. Isang naglalakihang hakbang ang ginawa ko.
Patungo na sa gate si Sister Ana para magtapon ng mga basura. Isang mahigpit na yakap at halik sa pisngi ang binigay ko sa aking anak sa pinakahuli–huling pagkakataon. "Sana matandaan mo kung gaano kita kamahal, anak."
Marahan nilapag ko siyang mabuti sa semento at mabilis akong tumalikod.
Naninikip at tila sasabog ang puso ko sa sobrang sakit sa bawat paghakbang. Ito ang pinakamasakit na desisyong gagawin ko sa buong buhay ko; ang iwan ang aking walang kamuwang–muwang na anak sa mga madre.
Kinubli kong mabuti ang aking katawan sa puno para hindi ako makita. Natutop ko ang aking bibig sa pag–iyak ng aking munting anghel.
Ang puso ko parang tumigil sa pagpintig sa pamamaraan ng kanyang pag–iyak.
Pinag–isipan kong mabuti ang aking desisyon bago ko ito ginawa. And mundo ay malupit, hindi ako nakakasiguro kung anong buhay ang kaya kong ibigay sa kanya.
Babalik ako, kapag maayos na ang lahat sa ngayon lalayo muna ako. Sa pagbabalik ko, pinatapang na ako ng panahon.
"Paalam, anak ko!"
Mabilis akong tumalikod noong makita kong karga–karga na siya ni Sister Ana. Binilisan ko ang aking paghakabang papalayo.
Ang ulan ay tila nagbigay-sulyap sa aking mga luha, at ang langit ay nagdurusa kasabay ng aking paglisan.
Ang lahat ng ito'y isang paalam na masakit, isang sagradong desisyon na hindi ko kayang baguhin.