Chapter 05
Zoe POV
HULING araw na ni Lola Cecelia sa hacienda. Sa kinahapunan ay dadalhin na ito sa family mausuleo. Mas pinili ko na lamang ang umiwas kay Señyora Danica para walang mamagitan na tensiyon sa aming dalawa.
Nakatitig ako nang tahimik habang ang buong hacienda ay abala sa mga paghahanda para sa pag–alis ni Lola Cecelia. Natagpuan ko ang kapayapaan sa isang sulok ng sala grande at malayo sa karamihan at natatakpan ng malaking piano. Malayo sa mga mapanirang mata at bulung–bulungan na tila sinusundan ang bawat kilos ko.
As the sun dipped low on the horizon, casting long shadows across the courtyard. Lumabas ako sa mansiyon, I stole a moment of peace by the garden fountain. Ang mahinang lagaslas ng tubig ay nagbigay ng kapanatagan sa aking mga iniisip, pansamantalang nakakalimot sa kaguluhan ng araw.
Subalit, hindi ko parin mapigil ang mapaiyak.
Nawala sa pag–iisip, hindi ko napansin ang paglapit sa akin ni Daniel hanggang siya ay nakatayo na sa tabi ko, his presence sending a shiver down my spine. Pinahid ko sa aking mga palad ang mga luha at sinikap na kalmahin ang sarili.
My heart pounded as Daniel's gaze bore into me, his searching for something I wasn't sure I wanted him to find. I took a step back, my hand instinctively reaching for the stone edge of the fountain for support.
"M–may kailangan ka sa akin?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay matiim na nakatitig sa akin.
"Veronica wanted to meet you," his voice cold. "Pero sa nakikita ko sa iyo, I think it's not necessary na makilala ka pa niya. I guess I'll have to make excuses..."
Nagulat ako sa narinig mula sa kanya. Bakit, naman nagkainteres si Veronica na makilala niya ako. I forced my self to meet his gaze, steeling myself against the onslaught of emotions threatening to overwhelm me. "Bakit, gusto niya akong makilala?" Mahina kong tanong.
Daniel studied me for a moment longer before noddling slowly. "Bidang–bida ka kay Manang Lagring. Mahilig din sa kabayo si Veron at gusto ko ikaw ang magtour sa kanya rito sa buong hacienda," patuloy niya at nanatiling malamig ang tinig. "Just make sure na alagaan mo ang girlfriend ko. If ever na may mangyari sa kanya, ikaw ang managot sa akin," may warning tone ang tinig ni Daniel. "Stop, crying as if you are very affected of my grandmother's death." May sarcasm ang tinig nito.
I nodded slowly, swallowing the lump in my throats as I proceed Daniel's words. Maliwanag na ang interes ni Veronica sa akin ay hindi lamang simpleng kuryusidad; there was something deeper at play, something that made me uneasy.
"Naiintindihan ko," tugon ko, kahit naguguluhan ako. "I'll make sure Veronica has a pleasant visit and that she's well taken care of."
Kumupas nang kaunti ang ekpresyon ni Daniel, bagaman nanatili ang kalamigan sa kanyang mga mata. "Mabuti," simpleng sabi niya bago lumakad palayo, ang mga yapak niya'y bahagyang nag–echo sa daanan ng cobblestone.
Alone once more, I let out a shaky breath , the weight of Daniel's warning settling heavily on my shoulders. Whatever games Veronica and Daniel were playing, I knew I had to tread carefully if I wanted to protect myself and those I cared about.
Sa oras ng libing ni Lola Cecelia, ang buong hacienda ay nababalot ng kalungkutan. Kasama ang pamilya at ilang mga kaibigan, dinala namin ang kanyang labi sa mausoleo ng pamilya. Ang atmospera ay nababalot ng katahimikan, at ang mga patak ng ulan ay nagpadama ng lungkot sa aming mga puso.
Ako ay nakatayo sa tabi ng kabaong, nakapalibot sa mga taong nagdadalamhati. Nakikita ko, kung gaano ka apektado si Daniel.
Hindi ko napapansin na umiiyak ito, marahil nakasuot siya ng shades na kulay itim pero naririnig ko ang mga pagsinghot niya.
Ang aking mga mata ay muli kong itinutok sa mukha ni Lola Cecelia, ngunit ngayon ang aking isipan ay naglalakbay sa mga alaala ng aming mga sandali na magkasama.
Ang kanyang paglisan ay hindi lamang isang pagkawala ng isang mahalagang tao, kundi pati na rin ng isang bahagi ng aking sarili.
Habang ang mga paring nagdadala ay unti-unting inilalagay ang kabaong sa loob ng mausoleo, ang aking dibdib ay napupuno ng lungkot at pangungulila. Ngunit sa kabila ng sakit at pagdadalamhati, ang pagkakaroon ng mga taong katulad nina Manang Lagring at Ninong Fernan na handang magbigay ng suporta ay nagbibigay sa akin ng lakas upang harapin ang hamon ng pagdadalamhati.
Pagkatapos na mailagak ang kabaong sa kanyang huling hantungan, nagpatuloy kami sa aming panalangin at pagpapaalam. Habang umuulan nang bahagya, tila ang kalangitan mismo ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng isang dakilang nilalang.
Pagkatapos ng seremonya, ang mga bisita ay nagluksa at nagpahinga sa munting salu-salo sa mansiyon. Ang pagkawala ni Lola Cecelia ay hindi lamang isang pagtatapos ng isang yugto, kundi pati na rin ang simula ng bagong paglalakbay para sa aming lahat.
Nagapaiwan ako sa libingan, gusto ko ang magpag isa. Hindi ko maintindihan ang aking sarili at sobra akong nalulungkot sa pagkawala ni Lola. Bakit, sunod–sunod nawawala ang mga taong mahal ko sa buhay.
At ngayon nga ay malaking bahagi ng pagkatao ko ang nawala sa pagkamatay ni Lola. Ngayon ko lubos na nararamdaman na nag–iisa lang ako sa buhay. Kasabay nang pagpatak ng ulan ay walang tigil ang mga luha ko sa pagpatak.
Isang malalim na buntong–hininga ang pinakawalan ko para kahit papano mabawasan ang bigat na nasa puso ko.
Sa gitna ng aking pag–iisa at pagluha sa libingan ni Lola Cecelia, bigla kong naramdaman ang presensiya ni Daniel sa aking likuran.
"Zoe, Why you are still here?" His voice was firm and serious.
Nilingon ko siya, and under the shadow of the drizzle , I saw his face filled with concern and pain.
"Daniel," tugon ko, my voice trembling with worry.
Habang patuloy kaming nakatayo sa tabi ng libingan, ang pagitan namin ay nagsilbing salamin sa mga hindi nasabi at hindi naipahayag na damdamin.
Biglang humagulhol si Daniel na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan ang magiging reaksiyon niya. "Kung umuwi lang siguro ako ng maaga, maaring buhay pa ang Lola. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat ng ito," sabi ni Daniel, ang kanyang tinig ay pumapaimbabaw sa ingay ng ulan.
Ramdam ko ang bigat ng luha sa aking mga mata habang pinipigilan ang sarili na hindi na muling iiyak pero hindi ko mapigil.
Lumapit ako sa kanya at wala sa sariling niyakap ko siya. Upang ipakita ang aking suporta at pagmamahal sa kanya sa gitna ng kanyang pagdadalamhati. Hinagod ko ang kanyang likuran.
"Daniel, hindi mo dapat isipin na ikaw ang may sala sa pagkamatay ni Lola. Wala sa atin ang may kontrol sa mga pangyayari. Matagal nang maysakit ang Lola, ang hiling niya lang ay san umuwi ka," pilit kong paliwanag, ang tinig ko'y bumibigat dahil sa nararamdaman kong lungkot.
Ngunit kahit na sinabi ko ito, alam kong ang puso ni Daniel ay puno ng pagnanais na baguhin ang nakaraan, na sana'y maaari pa niyang maisalba si Lola.
Naramdaman ko ang bigat ng kanyang sakit at pagdadalamhati, at hindi ko mapigilang maawa sa kanya.
Pinahid ko ang kanyang mga luha at mariing niyakap siya, na nagpapakita ng aking pagmamahal at suporta sa gitna ng aming pagdadalamhati.
"Hindi ka nag-iisa, Daniel. Nandito ako para sa iyo. Pati na rin ang ibang kaibigan at pamilya natin rito sa hacienda. Tutulungan natin ang isa't isa sa pagsubok na ito," sabi ko, ang aking tinig ay puno ng determinasyon at pag-asa.
At sa gitna ng aming yakapan, nararamdaman ko ang liwanag ng pag-asa na bumabalot sa aming puso, kahit pa ang ulan ay patuloy na bumabagsak sa aming paligid.
Makaraan ang ilang sandali ay kumawala ako mula kay Daniel. Humarap ako sa ulan, may pangyayaring ganito noon. Ilang saglit lang naramdaman ko si Daniel sa tabi kong muli pareho kaming nakaharap sa ulan.
Nagsalimbayan doon ang alaala na kay tagal kong inaalaagaan sa aking dibdib. Bahagi na iyon ay unti–unting lumilinaw ngayon. Hindi ko lang alam kung ganoon rin ba, kay Daniel?
"Señyorito, akala ko ba ay magkarera tayo patungo sa kubo?" Aniko na nakatawa habang hawak ang renda ni Luna at nakahandang patakbuhin ang kabayo.
Lumapit siya sa akin at pinsil ang ilong ko. "Isang Señyorito mo pa at hahalikan na kita at saka ayoko makipagkarerahan sayo, madaya ka..." then he smiled tenderly. "Malakas ang ulan, Zoe," dagdag niya.
Natahimik ako sa sinabi niya at napatikom ng aking bibig, aaminin kong kinikilig ako sa sinabi niya. "Oh? As if." Teasing him.
"As if what? If, hahalikan kita? Don't tease me," aniya at ngumisi.
Pumormal ako. "Alam ko naman nagbibiro ka lang, Señyorito?"
"Ako nag bibiro?" Umiling siya. Dahan–dahan siyang lumapit sa akin at panakaw akong hinalikan sa labi na nagpapako sa mga paa ko sa lupa at tila naestatwa akong nakatitig lang sa nakangising lalaki. Hindi makapaniwalang napahawak ako sa aking labi.
He contentedly smile at me at pagkatapos sumakay siya kay Midnight Shadow. "I'll race you hanggang kubo and if you win, I'll have a surprise for you," sukat doon ay mabilis na pinatakbo ni Daniel ang kabayo.
Matagal, bago ako nahimasmasan sa halik na iyon. Nang maging okay ako, ngumiti na lamang ako ng sinundan ng tanaw ang binata habang papalayo.
Ngunit hindi ko siya naabutan ng araw na iyon dahil mabilis ang takbo ng kabayo ni Daniel or dahil hindi ako makaget over sa halik niya.
Hanggang ngayon wala parin akong ideya kung ano ang ibibigay niyang regalo sa akin ng araw na iyon.
Ang pag–ibig ko para sa lalaking ito ay hindi maipaliwanag. Mahal ko na siya noong unang kita ko pa lang sa kanya. Ngunit hindi ko alam kay Daniel kung pareho ba kami ng nararamdaman.
Isa sa mga totoong dahilan kung bakit, ayokong lisanin ang hacienda dahil sa kanya. Dahil alam ko, babalik at babalik si Orion rito.
Isang busina ang nagpabalik ng isip ko. Mula sa nakabukas na bintana ay nakita ko si Veronica, her dark hair framing her face like a halo. Her eyes sparkled with warmth as she greeted me with a sweet smile. She looked effortlessly elegant in her simple attire, radiating confidence and grace.
Bumaba siya mula sa sasakyan, may nakasunod na taga payong. Habang lumalapit siya, ang kanyang mga hakbang ay banayad at elegante, parang isang mananayaw na sumasayaw sa isang hindi nakikitang tugtugin.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng insecurity. Mga bagay na wala ako. Simple lang ako, t–shirt at jeans ay sapat na para sa akin. Hindi nagbago ang kanyang ngiti, at ang kanyang mga mata ay puno ng mahinahong kabaitan na nagparamdam sa akin ng kaginhawaan.
"Hi!" Bati niya na may ngiti. "Zoe, right?" She extended a hand at inabot ko ang kamay niya na may alanganing ngiti sa aking labi.
Agad din niyang binitawan ang kamay ko at ikinawit ang kanyang braso sa braso ni Daniel. Pagkatapos, inabot niya ng halik ang labi ni Daniel.
"Pwede kang sumabay sa amin, Zoe , if you like," sabi sa akin ni Daniel at napansin ko ang kamay niyang pumalupot sa maliit na bewang ni Veronica.
"Sumabay kana sa amin pabalik sa mansiyon," may kaartehan na segunda nito. "May naghihintay na abugado sa mansiyon, honey," dagdag niya at muling hinagkan sa mga labi ang lalaki. "Sumabay kana sa amin, Zoe."
I smiled faintly. "No need, darating mamaya si Luna para sunduin ako." Sabi ko.
"Luna?" Ulit ni Daniel. "Ang kabayong binigay ko sayo noon?" His eyes sparkled with joy.
Marahan akong tumango sa kanya. A loud whinny of a horse approached us. Huminto sa harap namin mismo na tila ba may sariling isip. Tumaas ang dalawang paa sa ere ng mga ilang segundo bago niya binaba ang mga ito.
Mabilis akong sumampa kay Luna at pinatakbo ang kabayo papalayo, hindi alintana sa akin ang malakas na buhos ng ulan. Masakit sa mga mata ko at dibdib ang nakikita ko sa kanila.