Chapter 03
Zoe POV
NANG makita ko si Daniel sa pintuan, hindi ko alam kung ano ang maramdaman ko. May halong tuwa at excitement, pero may kasamang lungkot at pangamba.
"Senyorito, Daniel," halos hindi lumabas sa lalamunan ko ang aking tinig. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan sabay punas ng aking luha, "Senyorito, Orion..." ulit ko na dinagdagan ng p'wersa ang tinig ko. "Salamat at umuwi na po kayo..." umatras ako upang siya ang pumalit sa kinauupuan ko kanina.
Subalit blangko ang reaksiyon ng kanyang mukha at malamig ang mga matang nakatingin sa akin.
Sa malaking hakbang ay mabilis nilapitan ni Daniel ang matanda. And he sucked his breath when he saw the old woman breathlessly.
Nanlulumo siyang naupo sa gilid ng kama.
"Grandma..." he said softly. "Lola, andito na ako, sabi ko sayo na uuwi ako," inabot niya ang kamay ng matanda at dinala sa kanyang nanginginig na bibig. "Oh, God! Grandma, what's going on? No...no...no!" Lumingon siya kay Manang Lagring tila naghahanap ng kasagutan, napansin ko ang pagkislap ng mga mata niya. Pero agad niyang binalik ang mga mata kay Lola. His eyes stung.
"A–ayaw niya pong magpadala sa ospital, Señyorito..." umiiyak na sabi ni Manang. "Dalhin natin siya sa ospital baka pwede pa!"
Tumiim ang bagang ni Daniel at agad na binuhat ang matanda. Daniel gently cradled Lola in his arms, his expression a mix of concern and determination.
"We need to get her help, Manang," Daniel said firmly, his voice steady despite the turmoil inside him. "Call for an ambulance. We can't waste any more time." He shouted miserably.
Ngunit hindi na gumagalaw ang Lola. Habang nakatayo ako sa gilid, hindi ko mapigilan ang aking puso ay sobrang masaktan. Yakap–yakap ni Daniel ang walang buhay na katawan ng kanyang Lola. "I'm sorry, Lola..." humahagulhol na wika niya.
Ang lungkot na bumabalot sa kwarto ay tila sumisira sa aking kaluluwa, at ang bawat pag-iyak ni Daniel ay parang karagdagang pasakit sa aking sariling damdamin.
Nakita ko ang pagluluksa sa mga mata ni Daniel habang hawak niya ang kamay ng kanyang lola. Ang sakit na nadarama niya ay ramdam ko rin sa aking sarili, at hindi ko magawang hindi mapaluha sa pagkawala ng isang mahal sa buhay.
Ang pagkawala ng isang pamilya ay isang malaking hamon. Ang pagkawala ng mga magulang ko noon ay napakasakit sa akin at nais kong maging matatag at ipakita ang suporta para sa kanya sa mga darating na sandali.
Sa gitna ng aming pagdadalamhati, nais ko ring iparating kay Daniel na hindi siya nag-iisa. Na nandito ako upang magbigay ng karamay at pag-asa sa gitna ng kanyang kalungkutan. At sa pagsasama namin, umaasa ako na magkakaroon siya ng lakas upang harapin ang hamon ng buhay na darating pa.
Sa mansiyon binurol ang labi ni Lola. Ang hinihintay na lang ang mga magulang ni Orion na kasalukyang nasa Paris. May dinaluhan na annual board meeting at hindi maaring i–postpone.
Dalawang araw na simula noong nakauwi si Daniel at paglalamay kay Donya Cecelia pero hindi ko pa nakakausap ang binata. Napapansin kong tila umiiwas siya sa akin o baka nakalimutan na niya ako. Ang tanging kinakausap niya lang ay si Manang Lagring para magbigay ng mga instruction na dapat gawin sa burol, si Ninong Fernan at si Felipe. Wala pa ang malditang si Shasha, may tinatapos daw na exam.
Pagkatapos kong magbigay ng mga meryienda sa mga bisita ay tumayo ako sa gilid, nakita ko si Daniel kausap ang malalapit nilang mga kaibigan. Sampung taon na ang nakalipas pero mas lalong naging gwapo ang binata, maalon–alon ang buhok na kulay kalawang. Mas malaki ang katawan ngayon kumpara noon.
His striking features, from chiseled jawline to captivating eyes, hold my gaze effortlessly. Confidence emanates from his every move, making him irrestible to behold.
Nakita kong lumabas si Daniel nang may tumawag sa kanyang cellphone. Dali–dali akong sumunod sa kanya. Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa may garden area.
Nakatalikod siya kaya hindi niya napapansin ang presensiya ko. Maingat akong lumapit sa kanya, hindi tiyak kung ano ang mga salita na maiaalok na makakapagbigay ng kapanatagan sa loob niya.
"Malapit na kayo?" He sighed. "I really need that now, Honey! Presensiya mo sapat na para mapagaan ang loob ko. Hindi ko na siya naabutan," he cried.
Nahinto ako sa paghakbang dahil sa narinig. Honey? Hindi ko maintindihan may sakit na kumudlit sa dibdib ko. May girlfriend naba siya? Asawa? What about his promised to me? "I love you," muli niyang sabi sa kabilang linya.
Nagpakawala ako ng isang mapait na buntong–hininga. I would have turned away pero ayaw ng mga paa ko ang humakbang papalayo. Gusto ko siyang damayan sa mga oras na ito. Napalunok ako bago tumikhim para kunin ang atensiyon niya.
"Daniel," simula ko nang mahinahon, hinahanap ang tamang salita. "Nandito ako para sa iyo, anuman ang iyong kailagan. Kung kailangan mo ng balikat para masandalan o kaya'y isang tainga na handang makinigi sayo, nandito ako."
Humarap siya sa akin na nagsasalubong ang mga kilay. "Do I know you? Katulong kaba rito?" Daniel said, his eyes showing confusion as he looked at me.
Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. Pakiramdam ko namutla ako. Nanginig ang aking mga kalamnan sa kanyang mga salita, ngunit hindi ko pinahalata ang pagkabigla. Instead, I looked at him with confidence and determination.
"Y–Yes, you know me," I replied, sa kabila ng kaba ko. "Z–Zoey Kathryn ang inampon nila Lola Cecelia at Lolo Vladimir..." I stammered.
His face shifted expressions, a mix of puzzlement and doubt. But amidst it all, I saw a glimmer of hope in his eyes.
Mahina akong ngumiti. "I'm here for you, Daniel," I added, my words like a gentle breeze between us. "Kahit ano mang mangyari, nandito ako para sa iyo. Hindi kita iiwan, hindi kita pababayaan."
Naniningkit ang mga mata niya. He chuckled. "What are you talking about? I don't need your sympathy or even your comfort," sarkastikong sabi nito. "Akala ko naman kung ano ang sasabihin mo."
Sunod–sunod akong napalunok. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Sa kabila ng pagkabigla at pagka–dishearten ko sa reaksiyon ni Daniel, hindi ako nagpatinag, I tried to maintain my confidence and determination.
I smiled softly, showing understanding. Baka, hindi niya lang ako maaalala. "Daniel," I whispered gently, "Uhm! Nandito ako dahil gusto kitang tulungan, bilang kai—kaibigan mo, kahit sa maliit na paraan lang."
Lalong tumiim ang mukha nito sa sinabi ko. Napaatras ako nang lumapit ang lalaki sa akin. "Thank you for your concern but as of now I don't need a friendship from you. Thanks but no thanks," sabi niya sa mukha ko mismo at dahil ang lapit niya'y naamoy ko ang mabango niyang hininga na nagpasinghap sa akin.
Nang may magsalita sa likuran namin. Si Manang Lagring, "buti at nagkausap na kayong dalawa. Naalala mo pa siya, Senyorito? Si Zoe ang lagi mong kasama noon magpakain sa mga kabayo at maglibot–libot dito sa hacienda. Naglalaro pa nga kayo ng kasal–kasalan noon hindi ko makakalimutan iyon," may banayad na panunukso sa tinig ni Manang at humagikgik ang matanda.
Subalit nakita ko sa mga mata ni Daniel na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Manang. Masamang tinitigan niya ang matanda. "What was the point of reminiscene, Manang? Magtrabaho ka, until now malisyosa kapa rin. Sila Lola at Lolo ang may gusto 'nun that was for fun," angil niya at halos idiin ang huling salita saka tinalikuran kami.
Nagkatitigan na lang kami ni Manang. "Pagpasensiyahan muna baka mainit lang ang ulo," pampalubag loob na sabi niya sa akin. "Sumunod ka sa loob may mga bisitang darating mga kamag–anak niya."
Tumango ako kay Manang at mabigat ang mga paa na sumunod sa kanya. Ang nangyaring kasal–kasalan namin noon ay kagagawan ng mag–asawa, napasubo sa Daniel sa isang wedding booth na palaro noon sa plaza.
Huminga ako nang malalim bago bumalik sa loob ng mansiyon. Tumungo ako sa mahabang mesa, kung nasaan ang mga meryienda na nakalagay, tinulungan ko ang mga katulong na ayusin.
Pagkatapos nagmasid ako sa mga nagsisidatingan na mga bisita. Nakita kong may pumasok na mag–asawang hawak–kamay. May kasamang batang babae at lalaki. May sumunod na pumasok, dalawang batang matataba na magkamukha na may kasunod na sa tingin ko ay mag–asawa rin dahil magkahawak ang kamay. Ilang saglit lang ay may sumunod na dalawang batang babae na magkamukha rin at kasunod ang gwapong lalaki. Natatandaan ko ang mukha niya, kung hindi ako nagkakamali ito iyong sikat na racer na si Rune.
Agad na sumalubong si Senyorito and planted a kiss sa mga cheeks ng mga babaeng dumating. Pagkatapos hinawakan ni Daniel ang ulo ng mga batang lalaki, ang bibo noong dalawang batang kambal at dalawang babaeng kambal.
Napangiti ako, hindi ko maimagine kung sakaling kami ni Daniel ay magkaroon ng mga anak parang gusto ko rin ang kambal.
"Ang mga Hayes andito," sabi ni Manang Sita.
"Mga Hayes po?"
"Sa father side ni Senyorito mga pinsan niya. Si Ethan, Knox at Rune hayes, ang popogi nila at mga bilyonaryo." May pagmamalaki sa tinig ni Manang Sita.
Natuon muli ang mga mata ko sa malaking pintuan ng mansiyon. May dumating na bagong panauhin may nakita akong babaeng maganda, matangkad, sexy at ubod ng puti ang pumasok sa pinto.
Kumaway kay Daniel ang mala–dyosang babae. Malapad ang ngiti ni Daniel nang makita ang babae agad niya itong sinalubong. Pagkatapos ay yumakap kay Daniel at humalik sa labi. Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan mabuti na lang at nakahawak pa ako sa sandalan ng upuan.
"Oh, I'm sorry for what happened, honey. I know you loved your grandmother so much," pahikbing wika ng babae. Ilang sandaling nagtagal sa bisig ni Daniel bago bumitaw at pinakilala ni Senyorito sa mga pinsan niya.
Hindi ko maintindihan ang damdamin ko, kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit parang masakit ang tanawin na nakikita ko.
At hindi lingid sa akin ang bulong–bulungan. Kasintahan niya ang babaeng dumating at Veronica ang pangalan. They are couples for almost three years.
I closed my eyes at sinikap na 'wag tumulo ang luhang nagbabadya. Pabagsak akong naupo sa upuan at inihilig ang ulo sa sandalan.
Nagpasya akong lumabas ng mansiyon, inaasam na mapalitan ang bigat ng hangin na bumabalot sa akin. Tumayo ako sa kinauupuan at humakbang patungo sa malaking pintuan.
Nakalabas na ako sa mansiyon, at hinanap ang mga sandaling katahimikan at solitud sa ilalim ng malamig na gabi. Napalibutan ako ng kakaibang kapanatagan sa ilalim ng bituin, na tila ba sila'y mga saksi sa aking mga damdamin at pinagdadaanan.
Nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko. Namiss ko bigla ang Mamang Teresa ko. Tumingala ako sa kalangitan. Ang liwanag ng gabi. Ang daming bituin nakakalat sa buong kalangitan at naalala ko ang laging sinasabi ni Mamang.
"Kapag nalulungkot ka tumingala ka lang sa kalangitan at humiling sa mga bituin."
Hindi ko talaga maunawaan kung bakit nakaramdam ako na tila may kulang sa puso ko.
Habang naglalakad ako, isang babae ang biglang lumapit sa akin mula sa dilim. Ang kanyang presensya ay parang isang anino na biglang lumitaw mula sa kadiliman. Nang mapansin niya ako, ngumiti siya ng mahinhin, na nagdala ng kaunting liwanag sa aking kalooban.
"May problema ba?" ang maamong tanong niya, habang tinatanong ang aking kalagayan.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanyang kabaitan at pagmamalasakit. Sa gitna ng aking mga alalahanin, tila ba mayroon akong nadatnan ng kapayapaan sa kanyang simpleng presensya.
"Naku, wala po. Salamat sa pag-alala," sagot ko sa kanya, ngunit sa kanyang mga mata, alam ko na may natuklasan siya.
"Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Isabella nga pala," aniya, habang humahakbang patungo sa akin at nag-aalok ng kanyang kamay.
Napangiti ako, siya ang babaeng nakita ko kanina na kasama ang dalawang matatabang batang lalaki. "Zoe," sagot ko at inabot ko ang kamay niya.
Nakaramdam ako ng kapanatagan habang kausap si Bella. Marami siyang binahagi sa akin, asawa pala niya si Knox Lawrence Hayes at kakasal lang nila at ngayon dalawang buwan siyang buntis.
"Zoe," natatarantang tawag sa akin ni Manang Lagring, sabay kaming napatingin ni Bella sa kanya.
"Bakit po, Manang?"
She took a deep breath, bago muling nagsalita. "Dumating ang impakta kaya umuwi ka muna sa kubo namin ni Ninong mo. Alam mo naman na allergic sayo ang babaeng iyon..." hinihingal na sabi ni Manang.
"Si Senyora Danica?"